Chapter 39

2.5K 103 0
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 39
Cattleya's POV
        Hindi ko aakalaing matatapos agad ang trial ni Earl Benedict Duncan at mamaya ay pupugutan na siya nang ulo for commiting treason, lumapit saakin si Chloe

"M-Mahal na Empress, I know my Father is an enemy of yours and so my Kingdom pero wala akong kinalaman doon Mahal na Empress so please spare me" saad niya at nakaluhod, napabuntong hininga nalang ako atsaka umupo para pantayan siya

"It's not your fault at wala ka ding kinalaman hindi ba?" tanong ko sa kaniya at napatango naman siya

"Well then, para hindi ka madamay sa gerang magaganap sa pagitan nang aming Kaharian ay mananatili ka muna dito" saad ko dahilan upang mapatingala siya

"P-Pero" saad niya

"Alam kong Ama mo siya at siya pa din ang susundin mo" saad ko at tumayo atsaka aalis na sana nang bigla siyang sumagot

"Opo mananatili na po ako dito" saad niya dahilan upang mapangiti ako

"Kung gayon, ang away na ito at ang gera na magaganap ay sa pagitan lamang nang amin nang iyong Ama" saad ko at napatango naman siya, pumunta na kami sa plaza kung saan magaganap ang parusa ni Earl Benedict, napalinga-linga ako upang hanapin si Merrill-no it's Tabitha at nakita ko naman siya sa mga crowds na balot na balot

"Uumpisahan na natin ang pagparusa, ikaw Benedict Duncan ay paparusahan nang kamatayan dahil sa pagiging traydor mo" saad nang magpupugot nang ulo at napasinghap naman ang mga mamamayan

"K-Kasama ko ang anak ko dito! dapat lang siyang mamatay kasama ko!" sigaw niya dahilan upang mapangisi ako, wow as expected he's trying to bring her daughter down with him, what an as*h*le. Tinignan ko si Tabitha at nanatiling nakatingin lang siya sa kaniyang Ama, pinaluhod na ang kaniyang Ama at inihanda upang pugutan ang kaniyang ulo.

Tabitha's POV
      Nakatingin lang ako sa Ama ko na nakaluhod at handa nang pupugutan, he's even trying to bring me down with him, I knew it siding with the most powerful Empress is the right thing, napalinga-linga si Papa na tila ba may hinahanap hanggang sa makita niya ako

"Merri-" hindi niya na naituloy pa ang kaniyang sasabihin nang biglang bumaba ang blade at siya ay napugutan na, naawa ako ngunit para rin ito saaking kaligtasan, umalis na ako doon at sumakay sa naghihintay na karwahe, umandar na ito at umalis na kami, binalingan ko muli ang Kaharian kung saan ako lumaki

"Goodbye and sorry Father" saad ko, ilang araw din kaming nag-byahe hanggang sa marating namin ang isang Kaharian na tinatawag na "Portia" this is the Kingdom of Portia

"Hanggang dito nalang po ako Lady Tabitha at ito po, pinamimigay po nang Empress" saad nang tagamaneho at may binigay saaking nakabalot sa medyo malaking tela

"Gamitin niyo daw po iyan sa tamang paraan at kayo na daw po ang bahala sa buhay niyo ngayon, mag-iingat po kayo Lady Tabitha" saad niya at yumuko

"Maraming salamat Ginoo" saad ko at yumuko din, umalis na siya at ako naman ay pumasok na sa Kaharian, nilibot ko naman ang aking paningin at nakita ang payapang buhay nang mga mamamayan, oo at mahirap lamang ang Kaharian na ito ngunit kaunti ang mga nagaganap na crimes at payapa din ito.

    Napaiyak nalang ako dahil sa wakas ay naasam ko na din ang payapang buhay na gusto ko, naglalakad-lakad ako hanggang sa may natanaw akong magandang tanawin, puno ito nang mga magagandang bulaklak at sariwa din ang hangin

"Woah" saad ko at hindi namalayang napatitig ako doon, naalala ko naman ang binigay saakin ng taga maneho at tinignan ko naman kung anong laman nang medyo malaking tela, kinalas ko ang tali at sinilip ang laman at nagulat dahil gintong-gintong pilak ang laman, napangiti nalang ako at muling tinali ito atsaka binulsa

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now