Chapter 19

3.6K 148 1
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 19
Cayena's POV
      Nakaupo lang ako dito ng sabihin na ng Mahal na Hari ang signal upang maglaban na sila, nakita ko naman na naglaban-laban na sila ngunit ang pinagtuunan ko talaga ng pansin ay ang laban nila Sofia at Prinsesa Chloe.

Sofia's POV
     Naka pwesto na kaming lahat ng nag annunsyo na ang Mahal na Hari na pwede na kaming magsimula

"Tatapusin ko na ito agad dahil mahina ka lang naman ehh" mayabang na saad ni Prinsesa Chloe, hindi ko nalang siya pinatulan ay baka dahil mawalan ako ng focus at kalma at baka matalo pa ako dahil sa galit dahil ayaw kong masayang lahat ng tinuro ng Mahal na Empress

"Sofia, huwag kang magpapadala sa galit at inis dahil doon nawawalan ng focus ang mga tao sa pakikipaglaban, don't let the anger take you down and calm down" saad ng Mahal na Empress

"Hey! are you listening to me? I said give me your handkerchief already para wala ng maaksaya na oras dahil matatalo ka lang naman" saad niya

"We'll see about that" ngising saad ko, nainis naman siya at agad na sumugod papunta saakin, tinatamaan niya ako ng espada ngunit iniilagan ko lang ito

"Yan lang ba ang kaya mo Prinsesa Sofia? ang ilagan ako?" saad niya kaya naman ay tinamaan ko ang vital points niya sa chan gamit ang hawakan ng espada dahilan upang mapalayo siya saakin at mapaubo ng dugo

"Y-You brat!" galit na saad niya at agad-agad na sumugod palapit saakin, ayan na kinokontrol na siya ng kaniyang galit dahilan upang mawalan siya ng focus. Pinag-wawasiwas niya ang kaniyang espada saakin at ako naman ay todo harang saaking espada, akmang sisipain niya ang aking mukha ng nahawakan ko ito at agad ko naman itong hinila dahilan upang bumagsak siya sa sahig

"Agh!" daing niya, itatarak ko na sana sa binti niya ang espada kaso agad siyang nakailag at nagpagulong, agad naman siyang tumayo at sinugod ako, tuloy-tuloy lang siya sa pagtama niya ng espada niya saakin dahilan upang masugatan ang aking pisngi, napangisi naman siya dahil doon, nagulat ako dahil sa sobrang hapdi ng mukha ko.

      Hinawakan ko naman ang aking pisngi na natamaan niya, nagulat ako ng may bahid ng kulay violet saaking dugo. Huwag mong sabihing...

"Do you like my surprise?" nakangiti niya saad, may lason ang kaniyang espada at ang lason na iyon ay isang uri ng lason na kapag natamaan ang kalaban ay magiging doble-doble ang sakit na mararamdaman, kaya pala sobrang hapdi ng pisngi ko!

"You cheater!" galit na saad ko, napangisi lang siya saakin, pinunasan ko naman ang aking pisngi at agad na sumugod. Tinamaan ko naman siya ng aking espada ng pagkalakas-lakas dahilan upang mapaatras siya kahit na nakaharang pa ang kaniyang espada, sinugod ko ulit siya at akmang susuntukin niya ang aking chan ng bigla akong umiwas dahilan upang ang kaniyang espada ay dumanggi sa braso ko at magkaroon ng sugat

"Aghh!" daing ko dahil sa sakit, napahawak ako saaking braso na dumudugo kasama ang kulay violet, sh*t kailangan kong mag-isip agad ng ideya kung paano ko ba siya tatalunin agad dahil kaunti nalang ay baka mahilo ako at mahimatay dahil may epekto din ang lason na nakakapagpahilo sa kung sino man ang tatamaan nito

"Mukhang nauubusan ka na ng enerhiya Mahal na Prinsesa, sumuko ka na kasi at ibigay saakin ang puting tela" saad niya habang nakangisi, agad ko namang inayos ang aking postura at agad na sumugod sa kaniya, tinamaan ko muna ang kaniyang binti dahilan upang mapaluhod siya sa sahig. Pero pinilit niya pading makatayo dahilan upang maiwasan niya ang sumunod kong atake, nag-espadahan kami hanggang sa nabitawan niya ang kaniyang espada dahil natamaan ko ang kaniyang braso, agad ko namang kinuha ang espada niya at tinapon ang akin sa labas ng bilog. Kinuha ko ang kaniya dahil may lason ito, napangisi naman ako

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSDär berättelser lever. Upptäck nu