Chapter 11

4.1K 181 0
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 11
Cayena's POV
(Continuation of Flashback)
      Sumunod pa ang mga araw na patuloy pa din akong inaabuso ng aking mga magulang at kapag magpapagamot ako ay lagi akong pumupunta sa klinika, naging close na din kami ng Hari at Reyna at itinuring ko din silang pangalawang magulang. Tinupad nga ng Hari ang kaniyang sinabi na hindi na magiging kandidato para sa trono.

     Dumating ang araw na mamimili na ang mga tao ng kung sino ang gusto nilang mamuno sa Kaharian at kami namang mga kandidato ay naghihintay nalang ng resulta

"Kapag hindi ka naging Empress ay malala pa sa mga pasang natamo mo noon ang mga pasang matatanggap mo" saad ni Mama kaya naman ay napatango nalang ako, manhid na ang aking katawan sa mga pananakit nila naging cold na din akong tao at hindi na masyadong nakikipag-usap sa iba maliban sa Hari at Reyna pati na din sa mga anak nila

"Malapit na din pala ang panglabing-isa mong kaarawan, saan mo gustong i-celebrate iyon?" tanong ni Mama, kaya naman ay napatingin ako sa kaniya buti naman at naaalala pa nila ang aking kaarawan

"Kayo nalang po ang mag desisyon" saad ko at ngumiti

"Sige kahit dito nalang" saad niya kaya naman ay napatango ako, hanggang sa dumating ang aking kaarawan at kaming lahat na nandito ay pinagdiwang ang aking kaarawan, ang Emperor, Hari, Reyna at pati na din ang mga Prinsipe't Prinsesa ay nandito din kaya naman pati ang mga ibang tao at mga aristocrats ay dumalo na din. Masaya naman ako dahil kahit papaano ay nadiwang ang aking kaarawan ngunit napangiti ako ng mapait dahil hindi mawawala ang pang-aabuso nila saakin.

      Lumipas ang ilang araw at dumating na ang resulta, nandito kami sa isang entablado at nakaharap sa lahat ng tao, kinakabahan ako dahil baka hindi ako ang mapili at lalo lang akong aabusuhin nila Mama at Papa

"Ngayong araw ay malalaman natin kung sino ang papalit sa Mahal nating Emperor na si Regis Altheus Rustichelle" saad ng tagapaghatid ng balita at kumaway naman ang Emperor

"Ang susunod na magiging Empress o Emperor ay si..." pabitin niyang saad, ako naman ay nananalangin na sana ako ang mapili

"Cattleya Victoria!" sigaw niya at nagsipalakpakan naman ang mga tao at narinig ko din ang masayang sigaw ng aking mga magulang pati na din ang Reyna at Hari at ang Emperor din, ako naman ay napangiti nalang sa mga tao

"Maraming salamat, dahil sa inyong suporta at boto ay ako ang nahalal na Empress pangako gagawin ko lahat ng aking makakaya na pamunuhan kayong lahat, hinding hindi ko kayo ipapahamak" saad ko at yumuko, nagsipalakpakan naman ang mga tao at nagsisigawan sa tuwa

"So I guess magiging Rustichelle na ang apelyedo mo soon to be Empress" saad ng tagapagsalita, oo hindi pa ako ganap na Empress dahil hindi pa ako nauupo sa trono, pinili palang ako so isa pa akong Crown Empress at hindi ganap na Empress

"I don't think so dahil hindi pa ako ganap na Empress at isa palang Crown Empress kaya naman hindi pa magiging Rustichelle ang aking apelyedo" mungkahi ko kaya naman tumango siya. Nagkaroon ng malaking salo-salo sa Palasyo dahil ako ang nahalal na magiging Empress

"Proud kami sa iyo ng Papa mo Cattleya, simula ngayon ay gawin mo na lahat ng makakaya mo dahil magiging ganap na Empress ka na!" tuwang saad ni Mama kaya naman tumango nalang ako

"Hindi ako makapaniwala na labing-isang taong gulang na batang babae ay nahalal na isang Crown Empress"

"Oo nga ehh ang swerte naman ng magulang niya dahil sila ang magiging guardian at aangat din sila"

     Narinig naman nila Mama at Papa ang lahat ng iyon kaya naman napangiti silang dalawa. Simula ng araw na nahalal ako ay doble ang paghihirap na naranasan ko, ang pananakit, trainings at studies ay hindi nagtapos. Ngayon ay labing-apat na gulang na ako ng nabalitaan ko na...

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now