Chapter 37

2.5K 108 0
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 37
Cattleya's POV
(In Cattleya's Dream)
        Napamulat ako nang aking mata at napamangha sa ganda nang tanawin, ang ganda nang hardin na ito, may malawak ding lawa at may mga magagandang bulaklak

"N-Nasa langit na ba ako? patay na ba ako?" tanong ko

"Hindi ka pa patay" saad nang isang boses dahilan upang magulat ako at mapalingon

"Sino ka?" tanong ko ngunit walang sumagot, nagulat ako nang may nagpakitang isang magandang babae saaking harapan

"Ako?" tanong ko dahil kamukhang-kamukha ko siya pero napansin ko ang kulay nang kaniyang mga mata ay kulay pula

"Cayena?" tanong ko, napangiti naman siya saakin nang malawak

"Ako nga ito Cattleya" saad niya dahilan upang magulat ako

"Teka nasaan ako?" nagtataka kong tanong

"Nasa isa kang panaginip, magandang panaginip" saad niya dahilan upang mapatango ako

"Tara doon sa madaming bulaklak, alam mo ba doon ang paborito kong lugar" nakangiti niyang saad, napangiti din ako at sinundan siya, naupo kami sa damuhan at ang ganda talaga nang mga tanawin

"Kamusta naman ang buhay sa katawan ko?" tanong niya dahilan upang mapatingin ako sa kaniya

"Maayos at masaya, dahil sa napunta ako sa katawan mo ay naranasan ko muli ang pagmamahal nang isang pamilya" saad ko at napatango naman siya

"Buti ka pa at naipakita nila sa iyo ang pagmamahal pero ayos lang masaya naman na ako dito ehh" saad niya habang nakangiti

"Nakikita ko nga na masaya ka, wala nang mananakit sa iyo" saad ko dahilan upang tumulo ang kaniyang luha pero agad niya ding pinunasan

"Ingatan mo ang katawan ko Cattleya, maraming salamat dahil binago mo ang tingin nang mga tao saakin" saad niya at hinawakan ang aking kamay

"Babalik ka ba sa katawan na ito?" tanong ko pero umiling lang siya

"Hindi na ako makakabalik pa Cattleya, matagal na akong patay kaya naman ingatan mo ang aking katawan dahil sa oras na mamatay ka sa katawan ko ay wala ka nang lilipatan" saad niya, niyakap ko naman siya dahilan upang magulat siya

"Bakit ang gaan nang pakiramdam ko sa iyo?" tanong ko ngunit ngumiti lang siya, humiwalay na ako saaming pagkakayakap at bigla siyang tumayo

"Well then Cattleya, you should go back to my body, hindi mo pa oras na pumunta dito at balang araw makakasama ka namin" saad niya habang nakangiti

"Namin?" nagtataka kong tanong, ngumiti lang siya saakin at unti-unti siyang naglaho

"Cayena?" tawag ko sa kaniya at tuluyan na nga siyang naglaho.
(End of Cattleya's Dream)

"Cayena!!" sigaw ko at biglang napamulat nang aking mata, nilibot ko ang aking paningin at napagtantong nasa kwarto ako, bigla nalang akong napaigik sa sakit at napahawak naman ako saaking tiyan, pagkahawak ko doon ay may bahid nang dugo

"Oo nga pala nasugatan ako nang matindi sa huli kong laban" saad ko, nagulat ako nang may biglang pumasok at nagtulog-tulugan naman ako, narinig ko ang mga yapak niya na papalapit saakin

"Empress" saad nang pamiliar na boses at napagtanto kong boses iyon ni Lady Merrill

"Pasensya ka na Your Highness, they just ordered me to do this" saad niya dahilan upang magtaka ako, narinig kong parang may kinukuha siya sa kaniyang bulsa, lumapit pa siya saakin at naghintay ako nang susunod niyang gagawin nang bigla siyang umupo sa sahig at may narinig akong nabasag

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now