Chapter 33

2.6K 115 3
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 33
Cattleya's POV
     Nandito ako ngayon sa harap ng maraming tao upang patunayan na nagbabalik na nga ako, nandito din sa stage si Lady Merrill at proud na sabihin na siya ang Empress

"Maraming salamat sa pagdalo mga mamamayan, andito sa inyong harap ang totoong Empress at isa sa kanila ay Impostor, kayo na ang bahalang humusga" saad ng taga announce kaya naman ay nagbulong-bulungan sila

"Sa tingin ko yung unang dumating sa Palasyo ang totoong Empress"

"Oo nga ehhh atsaka kamukha niya din ang dating Empress"

"Hindi ba't anak ni Earl Duncan ang babaeng iyon?"

"Oo nga ehh, balita ko ay nakikipag-alliance daw siya sa mga kalaban"

"So may traydor saating Kaharian, hindi ito palalampasin ng totoong Empress"

"Oo nga ehh" mga bulungan nila

"Pwede na kayong bumoto kung sino sa tingin niyo ang totoong Empress" saad ng announcer kaya naman ay lumapit na sila sa mga boxes at nilagay ang kanilang boto, napabuntong hininga nalang ako at umalis na doon

"Saan ka pupunta Impostor? scared to be defeated?" ngising saad ni Lady Merrill pero hindi ko nalang siya pinansin, mamaya pa lalabas ang resulta ng boto kaya naman ay umalis muna ako para magpahangin, habang nagpapahangin ako sa hardin ay nagulat ako ng may tumapik sa aking balikat dahilan upang lingunin ko ito

"Asher! nagulat ako, akala ko kalaban" saad ko, dahilan upang tumawa siya ng kaunti

"Pasensya na Mahal na Empress at hindi ako nakapagsabi na bibisita ako sa Palasyo ninyo" saad niya at umupo saaking tabi

"Ayos lang, wala kayong pasok?" tanong ko at umiling naman siya

"Binigyan kami ng isang week na break dahil tapos na ang mga tests namin" saad niya

"Mabuti naman kung ganoon sana ay makakuha ka ng malaking puntos" saad ko dahilan upang mapangiti siya

"Balita ko ay hinahanap mo ang Kuya mo" saad niya saakin kaya naman ay tinignan ko siya

"Sinabi saakin ni Ezekiel, nagpapatulong siya saamin pagdating sa impormasyon" saad niya

"Oo hinahanap ko siya dahil gusto ko na siyang makita muli" saad ko

"Kung maglalakbay man kayo Cattleya, maaari bang isama niyo ako?" tanong niya

"Bakit wala ka bang pasok?" tanong ko

"I can make an excuse, and besides gusto kong makita ang Kuya mo, I wonder kung kulay ocean blue din ang kaniyang mga mata?" tanong niya dahilan upang umiling ako

"Hindi ehh, namana niya ang mata ni Papa na kulay Amethyst si Mama naman ay kulay Brown ang kaniyang mga mata, nagtataka nga ako ehh kung bakit kulay blue pa ang aking mata" saad ko

"That only means you're unique" saad niya at napangiti dahilan upang mapangiti din ako

"Nasaan pala ang Emperor?" tanong niya

"Nasa kaniyang office, kagaya ko ay madami din siyang paperworks at trabaho na kailangang tapusin" saad ko at napatango naman siya

"Nasaan pala yung iba nating kasama?" tanong ko

"Susunod sila mamaya, nauna lang ako ng kaunti dahil na-eexcite akong makita ka" saad niya dahilan upang mapangiti ako

"Ay oo nga pala, etoh oh dinalhan kita ng cupcake" saad niya dahilan upang lumawak ang aking ngiti

"Wow! salamat, ikaw nag bake?" tanong ko

"Oo nagpatulong pa ako saaming maid dahil gusto kong gumawa ng regalo na kakaiba" saad niya, kinain ko naman ang cupcake

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now