Chapter 36

2.5K 108 0
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 36
Anastasius POV
      Nasa opisina ako nang may matanaw akong guard na may kasamang bata, I'm going to ask that Knight where Cattleya is. Bumaba na ako at lumabas, lumapit ako sa kanila at yumuko naman saakin ang knight, ang lalaking bata naman ay nakatingin lang saakin

"Do you know where Cattleya is?" tanong ko sa knight

"Yes po Emperor, actually siya po ang nagsabi na iuwi ko daw po ang batang ito sa Palasyo at alagaan" saad niya dahilan upang kumunot ang aking noo, tinignan ko nang mabuti ang bata, may kulay blonde siyang buhok, mga sky blue na mata pero ang kay Cattleya ay kulay ocean blue mas deep ang kulay nang kay Cattleya, medyo pinkish na lips at kapag lumaki ito ay siguradong habulin siya nang mga babae, wait huwag mong sabihing...anak ito ni Cattleya sa ibang lalaki?

     Napahawak naman ako saaking bibig at hindi makapaniwalang tumingin sa bata

"K-Kung ano man po ang iniisip niyo Emperor nagkakamali po kayo" saad ng kawal

"Ehhh sino siya?" tanong ko

"Hindi ko din po alam, basta ang sabi po ng Empress ay iuwi ko daw po siya" saad niya, umupo ako upang pantayan ang bata

"Sino ka?" tanong ko

"Ako po si Lazaro, sabi po nang Empress ililigtas niya po ang ibang mga kagaya ko na alipin" saad niya dahilan upang magulat ako

"Pwede mo bang ikwento saakin ang buong pangyayari?" tanong ko, kwinento niya naman ang mga nangyari dahilan upang magulat ako

"Marquess Martin Haul?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya, I knew it that family is really suspicious and now they are kidnapping childrens? how disgusting

"Can you tell me the exact location?" tanong ko sa bata at tumango naman siya, sinabi niya saakin ang saktong lokasyon kaya naman ay tinignan ko ang kawal

"Bring 20 men with me let's go before anything happens to the Empress" saad ko at nagmamadali na pumunta nang karwahe, sumama naman ang mga kawal at madami ang nagboluntaryong sumama dahil nag-aalala sila sa Empress, pagkarating namin sa lugar ay agad kaming tumakbo sa eskinita at hanggang sa may makita kaming malaking bahay

"Emperor! may dalawang bangkay dito" saad nang isang kawal, nilapitan ko naman iyon at patay na nga sila siguro pinatay sila ni Cattleya, pumasok na kami sa bahay at nagulat sa nakita namin. Isang illegal na pasugalan at bahay aliwan, nataranta lahat nang mga tao doon at nagsitakbuhan pero hinarangan nang mga kawal ang lahat nang daan palabas

"Arestuhin niyo lahat nang mga andito ngayon din!" utos ko sa mga kawal na agad nilang ginawa, bumaba na ako nang hagdan at sinuri ang paligid

"Ang Empress nandito!" sigaw nang isang kawal kaya naman ay dali-dali kaming pumunta doon at nagulat sa tumambad saamin, madaming mga patay ang nakahiga sa sahig na tinatapakan ni Cattleya at madami din siyang kalaban, duguan din siya at may malalang mga sugat, dali-dali akong bumaba at nang matutumba na sana siya ay agad ko siyang sinalo

"You've done well, hang on I'll take you to our doctor" saad ko at binuhat siya, napatingin naman ako sa paligid at may mga batang nakatingin saamin

"Take all of the childrens and treat them well" utos ko sa mga kawal na agad nilang sinunod

"A-Anastasius ang mga bata" saad ni Cattleya

"Oo kukunin namin sila" saad ko

"May mga patay sa loob" saad niya, agad ko namang tinignan ang kawal at sinenyasan

"Oo kukunin din namin sila at ililibing nang maayos so please don't talk much" saad ko dahil nababahala ako, ang dami niyang sugat at pasa pero inaalala niya pa din ang mga bata

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now