Aaminin kong bagay na bagay sa kaniya ang ganitong lugar kaysa sa pagiging magsasaka sa Santa Fe. Pero kagaya nga ng sinabi niya, mas mahal niya ang buhay niya doon.

“Dadapa na ba ako?”

Umangat ang sulok ng labi niya. “Mamaya na sa kwarto.”

Namilog ang mga mata ko, nakaramdam ng pagkasabik. “Hindi nga? Sure na? Wala nang bawian?”

Lumalim ang ngisi sa labi niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at tumalikod na.

“I’ll prepare something to eat. What do you want?”

“Ikaw.”

Natawa siya. “Pilya.”

Humagikhik na lang ako at hindi na sumagot. Binibiro ko lang naman siya tungkol sa pagdapa na ‘yan. Pero kung seseryosohin niya, sino ba naman ako para umangal, hindi ba?

Nagluto siya ng ulam at kanin. Nang matapos ay nagpahinga lang sandali at nagtungo sa isang mall. Ang sabi niya ay mamimili siya ng ilang gamit pati na rin ang isusuot namin sa anniversary nina Mama Adrianna at Papa Zion.

Bukas na nga pala ‘yon.

“Nero, gusto ko itim ‘yung gown ko tapos mahaba ang slit sa gilid. With matching maskara rin para mysterious.”

Magkahawak ang mga kamay namin habang naglalakad sa mahabang hallway ng mall. Bitbit ang ilang paper bag sa kamay niya, pansin ang pagtitinginan ng mga kababain sa gawi namin. Ang ilan ay habol tingin pa kay Nero.

“We’re not going to a masquerade ball, Isha.”

“Agaw atensyon ka, Nero,” sabi ko, taliwas sa pinag-uusapan namin. “Pinagtitinginan ka ng mga babae.”

“Really? I didn’t see,” sabi niya sa seryosong tono. “I only have my eyes on you.”

Natatawa kong idinunggol ang balikat niya habang mahigpit na nakaangkla sa kaniyang braso.

“Patay na patay ka naman sa akin.”

Ngumuso siya, nagpipigil ng ngisi. “Ako lang ba?”

Humagikhik ako. “Sige na nga! Ako na rin.”

Hindi siya sumagot. Sa halip ay kinabig niya lang ako at hinalikan sa aking pisngi. Mas lalo kaming pinagtinginan sa naging galaw na ‘yon ni Nero. May ilan pang nagbubulungan at tila ba hinihiling nila na sana ay sa kanila ginagawa ni Nero ang bagay na ‘yon.

Nakaharap sa malawak na salamin, pinagmasdan ko ang itim na long gown. Ang sabi ng sales lady, strappy dress with long slit daw ang tawag dito. Hanggang itaas ng hita ko ang slit at hakab na hakab sa aking katawan. Pansin ang liit ng bewang ko. Nang tumagilid ay litaw na litaw ang maumbok na hubog ng aking puwet.

Ngumisi ako, kuntento sa resulta ng gown.

Binuksan ko ang pintuan ng fitting room. Natanaw ko si Nero na halos sakupin na ang couch mula sa pagkakaupo. Nakatitig siya sa sahig, nakadipa ang dalawang kamay sa sandalan, ang mga binti ay bahagyang nakabuka habang seryoso masiyado ang ekpresyon ng mukha.

Sherep.

Marahan akong naglakad palapit sa kaniya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang mag-angat siya ng mga mata. Ngumiti ako. Humagod ang mga mata niya sa kabuuan ko.

Tumaas ang gilid ng labi niya at ibinalik ang tingin  sa mukha ko.

“Sarap padapain.”

Nanglaki ang mga mata ko. “Huy, Nero! Dito talaga?”

Natawa siya at tumayo mula sa couch. Inilang hakbang niya ang distansta namin dalawa. Huminto siya sa harapan ko, ipinulupot ang kamay paikot sa aking bewang at inilapit ang mukha sa akin.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon