“Ain’t needed.”

Dumulas ang kamay niya sa bewang ko. Nagsimula na kaming mag lakad sa may kadilimang daan. Iilan lang kasi ang nakatayong poste ng ilaw kaya medyo madilim.

“Anong ain’t needed? Ano, hindi ka na magpapalit ng damit doon? Saka ilang araw ba tayo kung sakali magtitigil sa inyo?”

“It’s easy to buy clothes when we arrive there. We might stay there for two to three days. Hindi rin tayo sa mismong bahay namin magtitigil.”

Nilingon ko siya. “Huh? Saan pala?”

Nagkabilit balikat siya, hindi na ako binigyan ng sagot. Saan naman kaya kami magtitigil sa loob ng dalawang araw na ‘yon?

Nagpatuloy kami sa paglalakad dahil wala pang tricycle ang dumadaan. Medyo malayo ang sakayan ng bus patungong Maynila kaya no choice kung hindi ang maging haggard bago pa makarating doon.

“Grabe ang lamig. Mabuti na lang at nagsuot ako ng jacket. Malayo layo pa ang lalakarin natin.” sabi ko.

Hinapit niya ako sa bewang at mas isinikisik ako palapit sa kaniya na tila ba sinasangga ako sa lamig.

“Malapit na rin tayo.”

Ngumiwi ako. “Anong malapit na? Hindi pa nga tayo nangangalahati papuntang sakayan ng bus.”

Hindi siya sumagot hanggang sa kabigin niya ako sa kaliwa. Kumunot ang noo ko nang tuntunin namin ang isang bakanteng lote kung saan may tila garahe sa gitna. May mataas itong gate, iyong parang katulad sa mga grocery store na nag-i-slide pababa.

“Nero, ano’ng mayroon dito?” tanong ko habang patuloy na nagpapatianod sa kaniya. “Dito na ba ako dadapa?”

Hilaw siyang natawa. “May iba ka pa bang naiisip bukod sa pagdapa?”

“Wala na. Ikaw na nga lang rin palaging tumatakbo sa isip ko, e. Hindi ka pa ba napapagod?”

Humalakhak siya. Iyong klase ng halakhak na masarap pakinggan bago ako muling kinabig. Kulang na lang ay magkapalit na kami ng mukha sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.

“Corny.” pang-aasar niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Mahal mo naman.”

“Hindi ako tatanggi.”

Humagikhik ako nang maringgan kung gaano ‘yon ka-seryoso. Hindi nagtagal at huminto kami doon sa parang garahe.

“Nero, ano ba ginagawa natin dito?” titig na titig sa kung ano’ng puwedeng makita doon.

Hindi nagtagal at tila siya may kinuha sa bulsa ng pantalon niya. Nagbaba ako ng tingin doon at nakitang isang susi ‘yon kasama ang isang kulay itim na may hugis parisukat.

Pinindot niya ito. Unti-unting bumukas paitaas iyong harang ng parang garahe. Awtomatikong bumukas rin ang mga ilaw na naroon na para bang alam na may tao.

Napakurap kurap ako nang makitang isang itim na kotse ‘yon. Sa kintab at itsura pa lang, siguradong mamahalin na.

“Kaninong kotse ‘yan?”

Nagbaba ng tingin sa akin si Nero. “Hindi ko rin alam.”

“Anong hindi mo alam? Bakit tayo narito? Naku, Nero! Hindi ko alam na may side job ka at masama pa!”

Binawi ko mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko. Tumaas ang kilay niya, maging ang sulok ng labi ay umangat na tila ba nasisiyahan pa siyang may kalokohan siyang gagawin.

Binalingan ko ulit ang magarang sasakyan.

Bakit? Iyon lang naman talaga ang naiisip kong dahilan kaya kami narito. Alangan namang sa kaniya ang kotse na ito-

Nanglaki ang mga mata ko at muling nilingon si Nero.

“Sa’yo iyan?!”

Natawa siya. Imbes na sagutin ako ay kinuha niya ulit ang kamay ko at pinagsalikop ‘yon. Naglakad siya papasok, hila-hila ako. Tumunog muli ang kotse niya hanggang sa kusang bumukas ang mga pintuan. Pataas pa ang bukas noon na parang mga pakpak.

Hi-tech ‘yarn?

Kahit ang logo sa harapan ay isang pakpak rin.

“Nero, sa’yo nga ito? Bakit kasi hindi mo ako sagutin!”

Inilalayan niya akong pumasok sa loob ng passenger side. Amoy pa lang, pang mayaman na. Lahat ng makikita sa loob ay kulay itim dahilan para mas lalo ‘yon magmukhang elegante at sosyalin.

Itinuon niya ang mga kamay sa bukana, ang isang paa ay nakapasok sa sahig.

“The last time I checked, I’m not a carnapper.”

Natawa ako. “Ayaw mo kasi ako sagutin, e. Kung ano-ano tuloy ang iniisip ko.”

Bumuntonghininga siya. “Yes, baby. This car is mine.”

“Bakit nandito? Bakit nakatago? Ang layo ng garahe mo sa mismong bahay n’yo.”

Dami mong tanong, Isha.

Nakakabigla lang rin kasi. Alam kong mayaman siya, base na rin sa mga magulang niya at sa kwento niya tungkol sa nakaraan niya. Nga lang, inakala kong mas pinili niya ang manirahan dito kasama ang simpleng buhay.

Iyon naman pala ay may karangyaan pa rin. Hindi na ako magugulat kung pag-aari niya rin ang buong sakahan. O, baka nga ang buong Santa Fe.

“Hindi na kailangan ipagkalandakan ang mga ganitong bagay, Isha.”

“Kung sa bagay. Wala nga palang nakakaalam ng tungkol sa tunay mong pagkatao...” sagot ko at humagikhik. “Gusto mo ipagsabi ko sa lahat?”

Ngumisi siya. “Na alin? Na mahal kita?”

Nawala ang ngiti sa labi ko, ang puso ay tila nilamon na naman ng kilig. Gusto ko na namang maglikot dito na parang bulate.

Hindi kaya isa akong bulate sa past life ko?

“Ewan ko sa’yo! Pere keng shere!” maarteng sabi ko at iniipit pa ang buhok sa gilid ng tainga.

Natawa siya, malalim ang boses. “Wala ka pala, e.”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon