Chapter 38

358 29 1
                                    


Nabulabog na rin ang mahihinang magical beasts na nakatira sa lugar na ito. Napakalawak ng lugar na ito at imposibleng maituon sa kaniya ang atakeng ito.

"Talagang mga tanga ito. Gumagamit ng mga bagay at technique na hindi naman nila gamay. That is really a waste of resources!" Nanghihinang na sambit ng batang si Li Xiaolong. If he owes this two skills then it will be a huge benefits for him. Isang kasayangan lamang kasi kung sa mga ito ibinigay ang pambihirang mga bagay na ito kung hindi naman talaga kaya ng talento ng mga bagay na ito ay pinagpipilian pa nila. Kung ipagpipilitan pa nila ang sarili ng mga ito ay magiging talunan lamang sila nito.

Halatang ang isa ay nagpipilit na gamitin ang double blade na hindi naman ito laruan na pwedeng praktisan at biglain na gamitin. Those double blade ay sobrang bigat at hindi angkop na gamitin sa edad nito at kasanayan nito. This will hinder his cultivation in the future. Para sa batang si Li Xiaolong ay ibebenta niya na lamang ito at pagkakitaan edi isang malaking pabor pa ito sa batang kaedaran niya. Habang ang isa naman na mukhang naging sunod-sunuran sa kinuhaan niya ng kayamanan ay gumamit ng Middle Xiantian Realm Scroll na alam nitong isa lamang itong Early Xiantian Realm Expert. Kung di ba naman tanga at kapag bumalik ang excess ng atake ng Martial Arts Technique nito ay siguradong unti-unti nitong pupunuin ng impurities ang dantian nito na siyang ki-cripple rito. Even he, don't want to use this kind of method. Practice lang ay pwede pa ngunit kung ipagpipilitan nitong masterin ang Middle Xiantian Realm Expert habang kabago-bago pa lamang ito nakatungtong na sa Early Xiantian Realm ay isang wrong move ito.

Mabilis na naglakbay ang batang si Li Xiaolong at matagumpay na tinawid ang distansya nito upang malampasan ang area ng martial arts technique ng nagsagawa nito.

Tila kahit anino ng batang lalaking si Li Xiaolong ay hirap nang hagilapin ng dalawang batang Early Xiantian Realm Expert.

"Patigilin mo yan ngayon din, bwiset ka!" Tila may gigil na sambit ng isang batang lalaking Early Xiantian Realm Expert. Nasa isipan pa rin nito ang kagustuhang mabawi ang double blade na ipinagkatiwala sa kaniya ng kaniyang angkan. Malilintikan talaga siya nito kung hindi niya nabawi ang double blade na siyang hindi naman niya talaga pagmamay-ari kundi ang angkan niya mismo. It's value is considered too expensive and too high to just be snatch by anyone.

Napakamot naman ang kasmaa nitong batang isa ring Early Xiantian Realm Expert katulad nito ngunit nahintatakutan ito. Mabilis din itong nagwika.

"Yun ang malaking problema natin, hindi ko gamay ang martial arts technique na ito. Ngayon ko lang naalala na hindi ko pala ito nakokontrol. Hihintayin pa nating mawalang bisa ang martial arts technique na isinagawa ko kung iyong mararapatin." Tila may mga kuto ang parteng batok nito dahil sa grabeng pagkakamot nito habang sinasabi ito ng batang lalaking Early Xiantian Realm Expert na kasama nito.. Ang totoo niyan ay talagang wala siyang ideya sa kung kailan ito matatapos.

POOOK!!!

Malakas na batok ang naramdaman nito nang mabilis siyang lapitan ng batang lalaking Early Xiantian Realm na siyang nagngingitngit sa galit dahil sa nawala nitong double blade na kinuha ng walang pahintulot ng walang hiyang batang lalaking martial artist na kaedaran nila.

"Aray ko naman. Ba't ka nambabatok?!" Reklamo ng batang lalaking Early Xiantian Realm Expert na katabi na lamang nito. Mabilis nitong hinarang ang mga braso nito nang mukhang babatukan naman siya ng kasama niyang Early Xiantian Realm.

"Para kang tanga Mǎ Jian. Pinapainit mo ulo ko dahil sa kabobohan mo!" Halos pasigaw na sambit ng labing-isang taong gulang na Early Xiantian Realm Expert na halos galit na galit na ito sa nangyayari sa kaniya. Ang double blade ay kailangan niyang mabawi. It is a Clan's treasure na hindi maaaring maiwala niya.

"Wag mo kong pagsabihan diyan Kǒng Xiaobo. Kasalanan mo iyan. Alam mong valuable treasure ng Kǒng Clan iyong double blade pero ikaw itong nagmamayabang at nilabas ang kayamanan ng angkan niyo kaya ayan ang napala mo!" Paninisi naman ng batang lalaking Early Xiantian Realm Expert na nagngangalang Mǎ Jian.

"Ay talaga ba?! Kasalanan ko? Kung hindi ka ba naman tatanga-tanga edi hindi tayo naloko ng kutong lupang iyon!" Naiinis na sambit ng batang si Kǒng Xiaobo habang tiningnan nito ng masakit ang katabi lamang nitong si Mǎ Jian.

"Wow ha, kasalanan ko? Akin ba iyong double blade? Kung binigay mo sa akin sy baka pwede ko pang maibalik sa'yo pero hindi eh." Sarkastikong sambit ng batang si Mǎ Jian na animo'y gustong depensahan ang sarili nito.

"Kasalanan mo pa rin iyon dahil kung hindi sa pesteng martial arts technique mong itong halos hindi matapos-tapos sa kapalpakan ay hindi na nakatakas pa ang pesteng martial artists na iyon." Paninisi ng batang si Kǒng Xiaobo sa kasama nitong si Mǎ Jian.

"Sino bang nag-utos saking hulihin ang batang martial artists na iyon?! Kaya napilitan lang ako at pini-pressure mo ako eh!" Ganting sambit ng batang si Mǎ Jian habang ayaw nitong isisi ang kasalanan na siyang hindi naman talaga ang may kagagawan ayt pasimuno ng kapalpakang ito.

"Nakakamangha din ang kakapalan ng mukha mo noh, sinabi kong hulihin at hindi ang bigyan ng daan para patakasin bwiset ka!" Sambit ng batang lalaking si Kǒng Xiaobo. He really don't know how this Mǎ Jian to be so stupid. Kung may iba lang siyang kilalang Early Xiantian Realm Expert na natira sa Treasure Points Well ay hindi na niya ito sinama pa sa paghunting ng batang lalaking martial artist ba walang hiyang pinaglololoko sila ng paulit-ulit.

"Hmmp! Wala tayong mapapala kung magsisisihan tayo rito. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naipaghihigante ang mga na-eliminate kong mga kasamahan at mga alagad!" Paalalang sambit ng batang si Mǎ Jian habang pinipigilan pa nito na mainis pa lalo dahil naisip niyang wala silang mapapala kung puro na lamang sila bangayan at sisihan rito.

Isa pa ay pareho silang nasa Dou City at magkatabing angkan lamang sila na siyang Mǎ Clan at Kǒng Clan. Ayaw niyang magkainitan pa lalo ang angkan nila dahil rito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 4] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now