Chapter 13

365 35 1
                                    


Sa araw ding iyon ay nabili ni Young Master Da ang nasabing isang pambihirang item na walang iba kundi ang Crystal Apple. He really have the eyes in Crystal Apple noong pumunta siya sa loob ng shop ng Golden Martial Shop. Masasabing hindi sana ito lalabas hanggat di niya dala ang limang ibinebentang items ngunit mahigit 100 million gold coins lang ang dala nito kaya napilitan siyang mamili ng isa lamang na items. Ngunit nalaman niyang wala na pala ang isang item na ibinenta ng Golden Martial Shop nang pribado silang nag-uusap ng branch manager ng Golden Martial Shop na si Bái Shu.

Kahit ano'ng pagpipilit nito na alamin ang patungkol sa naunang item na alam niyang bundle pala ng talismans ay hindi siya nakakuha ng mahalagang impormasyon kung sino ang bumili. Hindi naman siya nakapumilit pa dahil sinabi sa kaniya ng magandang babaeng branch manager na kung gusto niyang makichismis ay wag niyang idadamay ang Golden Martial Shop lalo na siya na mismong Branch Manager nito.

Buti na lamang at nandoon si Old Chao dahil hindi maaawat ang bunganga ni Young Master Da na muntik ng magkaroon ng misunderstandings kaya mabilis na naayos kaagad ang muntikan ng pagkagulo.

Masaya at satisfied naman si Young Master Dal lumabas sa Golden Martial Shop habang maingat nitong itinago ang Crystal Apple sa loob ng kaniyang Interspatial ring. Pero kaibahan sa matandang lalaking si Old Chao ay mukhnag hindi maipinta ang mukha nito dahil ang salaping naipon niya ay tunay ngang out of nowhere o no where to be found.

Sa kabilang banda ay mukhang hindi pansin ng lahat na wala na pala ang dalawa sa anim na ibebentang mga unknown items na naka-display sa labas mismo ng Golden Martial Shop dahil na rin sa pambihirang illusory technique ng magandang babaeng branch manager na si Bái Shu na kayang gumawa ng pambihirang ilusyon upang hindi makaagaw ng pansin ang nawawala o naibentang na nilang mga items.

Tsaka lamang nila maipawalang bisa ang nasabing illusory technique na ginamit niya kung mauubos ng mabenta ang mga cultivation items o di kaya ay lumampas na sa allocated time ang nasabing items. Whether it is a sky high price or not, it is given the rules na kailangan nilang makabenta or else they will pay for compensation. Negosyo ito at hindi basta-bastang laro lamang dahil salapi ang nakasalalay rito na dapat kitain nila to continue to run the Golden Martial Shop.

Sumunod sila sa palatuntunang ito para maging maayos ang transaksyon nila sa mga customers nila at sa sarili nilang limitasyon o kailangang gawin.

Maggagabi na ngayon at mukhang malapit ng sumarado ang lahat ng mga shops sa sentral na lungsod ng Dou. Kung tutuusin ay halos sabay-sabay naman ang lahat na magsasara ng kanilang mga negosyo. Alam ng lahat na mayroong tinutupad na oras ang bawat shop rito dahil Maya-maya lamang ay lalalim na rin ang gabi at mag-uumaga na rin. This is really important to everyone to cultivate and rest for their personal life or chores.

Mayroong babaeng pagala-gala sa lugar na ito at makikitang tila kanina pa ito lingon ng lingon sa kaniyang paligid tila ba mayroong pinagtataguan. Lingon dito, lingon doon ay para bagang may ginawa itong di kaaya-ayang gawain but seeing how simple looking she was lalo na sa ordinaryong kasuotan nito ay masasabing hindi nababagay ito sa maamo at maganda nitong mga mata.

You can see how she really go in and go out to different shops and stores sa sentral na lungsod ng Dou City na para bang may pinagtataguan.

Mukha namang hindi ito magnanakaw dahil nagtitingin-tingin lang naman siya sa loob ng mga shops na pinuntahan niya habang inoobserbahan niya ang mga binebenta rito yet she don't find anything special. Her eyes didn't show any emotions nor her whole face.

Kakalabas niya lamang sa isang maliit na shop na pinasukan niya kanina habang mabilis itong naglakad papalayo. Yun nga lang ay mukhang hindi niya na alam kung saan siya tutungo ngayon lalo na at mukhang puro stalls na lamang ang nakikita nito kaya mas binilisan niya pa ang paglalakad niya.

Magulo pa rin ang buong lugar na ito at maingay pa rin kahit maggagabi na. It is natural lalo na sa siyudad na ito. No one could really say na tahimik ang lungsod lalo na at kalalakan o mga negosyo ang primary purpose ng siyudad na ito.

Agad na napansin niya ang isang malaking shop at ito na ata ang pinakamalaking shop na nakita niya. Nabasa niya pa nga ang napakalaking karatula rito na parang nagsasabi ng pangalan nang nasabing Shop.

"GOLDEN MARTIAL SHOP?" sambit ng magandang babaeng bagong salta lamang sa lugar na ito. Hindi niya naman alam kung ano'ng klaseng shop ito.

"Wala namang espesyal sa mga shop rito? Malapit ng maubos ang oras ko para sa paggala ko ngayong araw na ito. Antagal ko pang magkakaroon ulit ng free time ko to get out from that nasty place." Walang emosyong sambit nitong muli sa kaniyang sariling isipan lamang. She really don't find anything that could catch her attention nor finding a rare items.

Plano niyang bigyan ang apat niyang malapit sa puso niya ng espesyal na mga regalo ang bawat isa sa mga ito but how could she randomly give something that she knows that no one could appreciate it.

Mabilis na siyang tumungo sa harap ng malaking shop na ito para mag-obserba muna. Alam niyang bawal ang ginagawan niya pero nalalapit na kasing maubos ang oras niya. Tinakasan niya ngayon ang mga personal na bantay niya para siguraduhing makakahanap pa siya ng mga regalo niya dahil kung hindi ay baka magtampo ang mga ito. She promise anything pero mukhang hindi niya na matandaan kung ilang pangako na ang nabitawan niya ngunit wala pa rin siyang natupad maski isa sa mga ito. Ngayon siya babawi ngunit mukhang mabibigo naman siya kung sakali kung wala siyang mahanap na ireregalo sa mga ito bilang reward na rin sa pagsusumikap nila.

Sa ilalim at harap ng shop ay nakita niya ang mga naka-display na mga cultivation items ngunit wala naman siyang interes rito lalo na at karamihan sa mga ito ay wala naman siyang makitang espesyal rito. Puro lang naman ito mga pambihirang herbs na alam niyang meron din siya ng mga ito at hindi naman ito tatanggapin ng apat na makukulit na nilalang na iyon. This items are too common for her lalo na sa mga taong panreregaluhan nito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 4] GODLY SERIES #3Où les histoires vivent. Découvrez maintenant