Chapter 9

374 39 1
                                    


Kasalukuyang nasa isang kagubatan ang batang si Li Xiaolong. Isa ito sa magubat na parte ng Dou City. Medyo malayo ang kaniyang sarili sa maingay at magulong paligid sa sentral na lungsod ng Dou.

Kaibahan sa lugar na kasalukuyang kinaroroonan niya ay halos kita mula rito ang nasabing lungsod. Mataas man ang lugar na ito ay hindi naman ito lugar na maaaring gamitin upang atakehin ang siyudad na ito dahil alam niyang mayroong mga array formation na pumoprotekta sa lungsod. Isa pa ay hindi din ito magandang lugar na panatilihan dahil marmaing mga magical beasts na pagala-gala rito ngunit hindi naman nangangamba si Li Xiaolong. Tinatawag itong Cloudy Forest dahil na rin sa tuwing umaga ay tila humahalik ang makapal na ulap sa pinakatuktok nito.

Advisable na pumunta rito ang mga Xiantian Realm Expert pataas at restricted ground din ito para sa iilang mga matitigas ang mga ulo. Buti na lamang at may contribution badge siya kubg hindi ay baka pinagtabuyan na siya ng mga bantay na nakatoka sa iilang mga araw niyang pamamalagi rito. You heard it right. Hindi nga lang araw dahil mag-iisang buwan na siyang naririto upang mag-ensayo.

Sa mag-iisang buwan na nakalipas ay masaya siyang noon pa ay agad na naubos ang dalawampong piraso ng rare herbs niya ngunit ang mga anim niyang valuable items na binebenta ay mukhang wala pa siyang ideya kung nabenta ba talaga ito o hindi dahil naging normal na lamang ang takbo ng operasyon ng Golden Martial Shop makalipas ang tatlong linggo. Sa una lang nagulat ang iba at pinagkaguluhan ito pero ni isa ay walang bumili nito. Kung hindi siya nagkakamali ay ikaapat na linggo na ito at malapit ng mag-limang linggo. Namalagi siya rito upang mag-ensayo at hindi niya ugaling tumunganga at maghintay ng balita. Sinasabi niya sa sarili niya na kung walang bibili edi itatago niya na lamang. Kahit maging siya ay talagang gusto niyang kunin ito kung walang magkakainteres na bilhin ito.

Siya lang naman kasi ang nakakaalam ng real value at panggagamitan ng mga ito. Kung walang gagamit nito upang bilhin ay maaari niya naman itong gamitin lalo na sa mga emergency situations.

Mahigit isang linggo na siyang nag-eensayo rito at masasabi niyang marami siyang natutunan at mas lumakas ang kaniyang physical combat ability kumpara noon.

Sa loob kasi ng unang tatlong linggo mula ng makabili siya ng mga martial art scrolls na nababagay at nahahanay na gamitin ng Pulse Condensation Realm Experts, Houtian Realm Experts ay tuluyan niyang napag-aralan at naapg-alaman kung paano ito i-uupgrade para magamit ng isang Xiantian Realm Expert in it's 100% succession rate. It's really an abnormal but bizarre thing to upgrade the static or incomplete martial art scrolls sa ganitong boundary but he can't make a martial art scrolls ng Xiantian Realm Expert to jump on Purple Blood Realm Expert na mga martial art scrolls dahil na rin sa mga kakulangan niya ng understanding at given na isa lamang siyang Middle Xiantian Realm Expert maging ng kakulangan ng oras ay imposible pang mangyari ang gusto niyang mangyari. Alam niyang ilang buwan mula ngayon bago pa mangyari ang Recruitment Day ng prestirhiyosong paaralan na Cosmic Dragon Institute ay maaari pa siyang magtagumpay kung itutuon niya ang atensyon niya sa puspusang training niya sa iba't-ibang aspeto para maihanda niyang lunos ang sarili niya sa gagawin niyang paglahok sa mga trials na inihanda ng mismong mga matataas na opisyales ng Cosmic Dragon Institute.

Hindi siya maaaring makampante dahil lang sa mataas lang ang cultivation level niya kumpara sa mga normal na kaedaran niya pero paano kung mayroong mga kaedaran siya na Xiantian Realm Expert na rin, that is really not possible lalo na at galing sa iba't-ibang mga angkan at pamilya ang mga ito. Posible nga rin ito dahil ang Recruitment Day ay mangyayari lamang every 5 years at ang edad na pwedeng sumali ay mula limang taong gulang hanggang labing-isang taong gulang lamang. Ito lang ang nire-recruit nila at nasa standard nila. Those who age twelve and higher cannot longer participate in the Recruitment Day ayon na rin sa sinusunod nilang patakaran sa gagawing trial.

BANG! BANG! BANG!

Mabilis na sumabog ang mga naglalakihang mga bato sa buong kapaligiran nang mabilis na ginamit ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang sariling Sword Needle. Nakita niya kung paano nangasabog ang mga ito sa iba't-ibang direksyon.

Isa ito sa ini-ensayo niyang martial art skill. Isa lamang ito sa mga Pulse Condensation na Martial art skills ngunit nagawa niyang gawin itong Xiantian Realm Skills na bumagay sa kasalukuyan niyang cultivation level. Natutuwa ang batang si Li Xiaolong dahil nagbunga rin ang pag-aaral niya ng Asura Art Divinity hindi lamang sa pagpapatibay ng Cultivation Foundation niya sa kaniyang sariling katawan kundi ay nagawa niya pang makagawa ng pambihirang bagay na ganito. Edi nakatipid pa siya ng malaki at higit sa lahat ay mas malakas at compatible pa ang mga napili niyang mga martial art skills sa loob ng martial art scrolls.

Napatawa na lamang ang batang si Li Xiaolong dahil mukhang palpak ang plano niyang makalikom ng malaking halaga. Malapit ng maubos ang palugit ng pagdisplay niya ng kaniyang mga ibinebenta niyang mga cultivation items na may napakataas na pricing sa kasalukuyan sa Golden Martial Shop. Kung magiging ganito na lamang ang resulta ng ginagawa niya ay siguradong malaki pa ang charges na babayaran niya kumpara sa kikitain niya.

Magkagayon man ay pinili na lamang ng batang si Li Xiaolong na ituon ang kaniyang sarili sa matinding pag-eensayong ito. Mahaba pa ang araw na ito upang magpahinga siya. Bawat segundo ay importante sa kaniya dahil hindi niya na maaaring magawang pumalpak sa darating na Recruitment Day ng Cosmic Dragon Institute dahil walang lugar iyon. Nakadepende pa rin sa kakayahan niya kung maaabot niya ang requirements ng prestirhiyosong paaralang iyon at sa magiging performance niya.

...

Samantala...

Isang lalaking nakasuot ng napakarumi at butas-butas na roba ang naglalakad patungo sa Golden Martial Shop. Sa mga oras na ito at araw ay tila walang nag-aabalang pansinin siya dahil mayroong ginaganap na selebrasyon ang sentral na lungsod sa parteng ito. Abala ang lahat sa buong pangyayari na ito at mayroong mga iilan na paroon-parito ang kilos nila na animo'y may humahabol sa kanila.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 4] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon