"Ano?" nagtatakang saad niya

"W-Wala hahaha anyways salamat" saad ko at nginitian siya, napaiwas naman siya ng tingin tsaka tumikhim

"Ehem w-welcome" saad niya, may naramdaman naman akong lamig mula saaking likuran at napagtantong madilim na nakatingin sila Prinsipe Asher at Allan kay Prinsipe Laurenzo

"Isip bata pala huh? sino ba itong pa fall?" inis na tanong ni Prinsipe Asher at agad na sinugod si Prinsipe Laurenzo at binatukan, nakisali na din si Allan at pinagsasapak si Prinsipe Laurenzo, ako naman ay tumatawang nakatingin lang sa kanila

"Hayst mga Prinsipeng iyon talaga, minsan iniisip ko kung Prinsipe ba talaga sila" natatawang saad ni Prinsesa Emerald

"Kanina ka pa pala diyan Prinsesa Emerald? hindi kita napansin agad pasensya na" saad ko at bahagyang yumuko

"Emerald" saad niya kaya naman ay nagtataka ko siyang tinignan

"Emerald na ang itawag niyo saakin Mahal na Emp- ehem Princess" saad niya habang nakangiti, nginitian ko naman siya pabalik at muling binaling ang aking tingin sa mga lalaking hanggang ngayon ay nag-aaway pa din, napailing-iling naman ako

"Princess Cayena" tawag ng kung sino at pagkalingon ko ay nakita ko si Prinsipe Sky na may dalang kape

"Magandang umaga Prinsipe Sky" saad ko at nginitian siya, ngumiti naman siya pabalik at tinignan ang mga nag-aaway

"Anong nangyari sa kanila?" tanong niya

"Hindi ko din alam, basta nag-aaway nalang sila" saad ko

"Baka tungkol sa iyo" saad niya

"Baka nga" saad ko naman

"Ehem Princess Cayena, pwede mo ba akong bigyan ng favor?" tanong niya at parang nahihiya pa siya

"Osige ano iyon?" tanong ko, nagliwanag naman ang kaniyang mukha

"Emerald hawakan mo muna itong kape ko may pag-uusapan lang kami" saad ni Prinsipe Sky

"Osige" saad ni Emerald habang naaaliw na pinapanood ang mga lalaking nagrarambulan. Hinila niya naman ako palabas at ng makalabas kami ay parang nahihiya pa siyang sabihin saakin kung ano ang pabor niya

"Go on tell me, what's your favor?" tanong ko sa kaniya

"A-Ano kasi m-may gusto ako kay Princess Sofia and I want you to help me na mapalapit sa kaniya" saad niya, napansin ko namang sobrang pula ng kaniyang pisngi at tainga. Napangiti naman ako

"Sure tutulungan kita" saad ko dahilan upang ngumiti siya ng malawak, nagulat ako ng bigla niya akong yakapin

"Salamat!!" saad niya at nagtatalon, na realize niya atang nakayakap siya saakin dahilan upang agad siyang mapalayo

"Ehem s-sorry" saad niya, tumawa nalang ako ng mahina

"Ok! tutulungan kita" saad ko

"Osige teacher ano ang una kong gagawin?" tanong niya at sumeryoso siya

"Ako na ang bahala basta pasok muna tayo" saad ko at pumasok naman kami, pagkapasok namin ay nagulat ako dahil nakabantay sila Prinsipe Asher, Prinsipe Laurenzo, Allan at si Ezekiel

"Saan kayo galing?" seryosong tanong ni Allan

"Nag usap lang kami" saad ko at pumasok sa loob pero bago ako makapasok ay nakita kong hinila nila si Prinsipe Sky palayo at narinig ko siyang humihingi ng tulong

"Princess Cayena tulong!!!! yaaaahhhhh!!!" sigaw niya, hindi ko nalang iyon pinansin at tumuloy sa loob, pagkapasok ko ay nakita ko si Princess Bea na masama ang tingin saakin at inirapan din niya ako, sarap tanggalin ng mata niya tapos tapakan! kakagigil!

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now