"Hmm...baka naman kasintahan niya iyon na nami-miss niya na nasa Snow Kingdom" saad ko naman at sumang-ayon naman sila. Nag-usap pa kami ng ilang mga minuto bago natulog.

     Pagkagising ko ay naabutan ko pang humihilik ang dalawa dahilan upang tumawa ako ng mahina, dumiretso ako ng banyo at naligo pagkatapos ay nagbihis ako ng dress at lumabas pagkababa ko ay naghahanda palang sila ng pang umagahan

"Magandang umaga po Prinsesa Cayena" saad ng isang kasambahay

"Magandang umaga din" saad ko naman, kaya naman napangiti siya, naabutan ko naman si Ezekiel na humihikab na nakaupo sa sofa

"Kulang sa tulog?" biglang saad ko sa kaniyang likuran dahilan upang magulat siya

"Ikaw lang pala, oo kulang ako sa tulog kasi napadami ata ang kape na nainom ko kahapon" saad niya dahilan upang tumawa ako ng mahina, pinitik ko naman ang kaniyang noo at napadaing siya sa sakit

"Huwag kang magpuyat, masama yan sa kalusugan" saad ko

"Makasabi ka naman, ikaw nga itong halos hindi na matulog ng isang linggo dahil sa dami ng mga tambak na trabaho at mga papeles na kailangan mong pirmahan noon" saad niya, ngumiti nalang ako sa kaniya

"I can handle myself" saad ko

"That's the same thing you said before you passed out before" saad niya dahilan upang mapatingin ako sa kaniya

"Well I'm stronger than before!" saad ko at pinakita pa ang muscles ko, tumawa naman siya dahilan upang mapangiti ako

"That's right you're much more stronger than before" saad niya

"Umagang umaga landi agad bubungad saakin" nakasimangot na saad ni Prinsipe Claude, ano bang problema ng lalaking ito? kahapon pa siya ahh.

"Good morning!!!!!" masiglang sigaw ni Allan dahilan upang mapatingin kaming lahat sa kaniya

"Discipline your self! wala tayo sa Kaharian natin!" suway sa kaniya ni Queen Mary

"Sorry po!" saad niya at nag bow, napailing nalang ako dahil sa ginawa niya, nang makita niya ako ay agad na nagliwanag ang kaniyang mukha at patakbong lumapit saakin habang ang kaniyang kamay ay nakahandang yakapin ako

"Princess Cayena!!~~~" saad niya habang nakangiti, yayakapin niya na sana ako ng biglang humarang si Prinsipe Asher at hinawakan ang kaniyang ulo dahilan upang mapatigil ito

"Tama na Prinsipe Allan, don't hug Cayena without her permission" malamig na saad ni Prinsipe Asher, sumeryoso naman si Allan

"Who do you think who can hug her huh?" seryosong tanong ni Allan

"Me" saad ni Prinsipe Asher at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit dahilan upang magulat din si Allan

"You as*hole!" galit na saad ni Allan at hinila ang aking kamay palayo kay Prinsipe Asher pero hinila din ni Prinsipe Asher ang aking kamay kaya ayun naghihilahan sila

"Bitawan mo siya!" inis na saad ni Allan

"Ikaw ang bumitaw!" saad naman ni Prinsipe Asher, guys bitawan niyo na ako!! ang sakit na ng kamay ko

"Huh? sino ka ba? diba kaibigan ka lang naman niya? kaya ikaw ang bumitaw h*yop ka!" saad ni Allan

"Same to you!" inis na saad din ni Prinsipe Asher at naghilaan ulit sila

"Tama na iyan mga isip bata, nasasaktan na si Prinsesa Cayena" saad naman ni Prinsipe Laurenzo at hinila ako dahilan upang mapasandal ako sa dibdib niya, hinawakan niya naman ang dalawa kong kamay at sinuri

"Ayos ka lang ba Prinsesa Cayena?" tanong niya, tinignan ko naman ang aking mga kamay na namumula at bakas din ang marka ng mga kamay nila

"Ayos lang ako, wala ito kumpara sa mga sugat at pasa na naranasan ko noon" saad ko pero napatakip din sa bibig

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin