Chapter 16 - Part 1 of 2

Magsimula sa umpisa
                                    

            “'Yan ang 'wag mong gagawin,”  Inirapan pa niya iyon.  “Magagalit ako sa’yo kapag ginawa mo 'yun.”

            “Kaya nga hindi ko na ginawa.”  Mabilis naman ding sagot niya.  “Bahagyang kirot na lang naman.”  Iginalaw pa nito ang na-injured na kanang paa.  “I think bukas wala na ‘to…”

            “Mag-iingat ka pa rin,”  Nakitingin rin naman siya sa iginagalaw na paa nito.  Hindi maikakailang laking mayaman ang nobyo dahil na rin sa mamula-mula at maputing paa nito.  Parang mas maganda pa ang paa nito kumpara sa kanya.

            “Opo,”  Matamis pa siyang ngumiti.  “Tara na sa loob.”  Inakbayan pa niya iyon papasok sa loob ng mansion.

            “Nasaan si Karen?”  Curious pang tanong niya sa nobyo.

            “Namili sila ng yaya niya ng mga pambaon niya sa school.  Halos kakaalis lang din.”  Iika-ika pa rin itong lumakad.

            “Gan'un ba?  May pasalubong pa naman ako sa kanya.”  Nanghihinayang pang sabi niya sabay alalay din sa baywang ng nobyo na hindi pa rin naman ganoon kadiretso maglakad.

            “Uuwi ka na ba agad?”  Kunot-noo pa niyang binalingan ang nobya na noo’y nakayakap nga sa baywang niya.

            “Hindi pa naman kaso baka hindi kami magkaabot.”  Napatitig pa siya sa talaga namang gwapong mukha nito.

            “You don’t intend to stay longer?” 

            “Hindi naman ako puwedeng magtagal diba?  Baka wala akong masakyan pauwi.”  Katwiran din naman niya.

            “Hindi ka pa nga nagtatagal pag-uwi na kaagad ang nasa isip mo.”  Nagkamot pa ito ng ulo.

            “Oh, nagtatampo naman kaagad.”  Bahagya ulit niyang hinila ang laylayan ng t-shirt nito habang nakayakap sa baywang nito.

            “May driver kaming puwedeng maghatid sa’yo.”  Mabilis din namang suggestion nito.

            “P-pero?”

            “Stop dissenting, okay?”  Umiling pa ito.  “I love being with you. Please stay…”  Sumamo pa nito.

            “Sige na nga…”  Hindi na rin naman siya nakatanggi pa sa pakiusap nito.  “Kung sabagay nagpaalam naman ako sa mga nanay na dadalawin kita dito.”

            “Good…”  Matamis pa iyong napangiti.  “Then, come with me!”  Maingat pa niya iyong hinila papanhik sa ikalawang palapag ng bahay.

            Agad namang namutla si Corine sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t natitiyak niyang papunta sila sa kwarto nito!

            “W-wait…”  Pigil pa niya sa nobyo habang sila’y nasa kalagitnaan ng hagdan.

            “What?”  Taka pa siyang napatitig sa mukha ng nobya na tila namumutla.

            “Saan tayo p-pupunta..?” 

            “W-what?”  Hindi niya maiwasan ang mapangiti lalo pa nga’t tila huli na niya ang ibig itanong nito.  “We’ll have a date.”  Sagot naman din niya.

            “D-dito?  sa bahay n'yo?”  Alanganin pa rin siya.

            “Paakyat nga tayo diba?”  Hindi pa man ay gusto na niyang matawa nang malakas.  “We’ll just have a wonderful evening…”  Nagti-trip pa talaga siya.

            “S-sa sala na lang kaya tayo!”  Mabilis pang suggestion niya.

            “Madaming istorbo dun!  Halika na!”  Lihim pa siyang napangiti habang nakaakbay sa nobya.

            Hindi naman na nakatanggi si Corine sa mga pagkakataong iyon.  Pero grabe ang kabog ng dibdib niya.

            “Welcome to my breathing space again.” 

            “Oh…”  Hindi pa niya naiwasan ang mamangha sa nakikita ng kanyang mga mata. 

            Wala pa sa loob na iginala ang paningin sa buong kwarto.  Lalaking-lalaki kasi ang kulay niyon dagdag na rin ang amoy.  At hindi niya maiwasan ang kiligin dahil Liam na Liam talaga ang amoy.

            “A-ang ganda ng room mo…”  Gusto niyang panghinaan ng tuhod sa mga pagkakataong iyon. Hindi niya ma-imagine ang possibleng mangyari sa kanila habang magkasama sa kwarto.

            “What were you thinking?”  Pilyo pang pukaw niya sa tila malalim na pag-iisip ng nobya.

            “Ha?”  Agad naman siyang pinamulahan lalo pa nga’t ang dami na agad naglalaro sa utak niya hindi pa man.  “W-wala naman…”  Bahagya pa siyang nautal.

            “O sige, ganito na lang…”  Napaisip pa ito.  “Nakapasok ka na ba sa kwarto ng lalaki?”  Usisa pa niya.

            “Sa kwarto mo pa lang. Second time na ‘to…” Mabilis pang sagot niya.

            “May ginawa ba ako sa’yo nung first time na itago kita dito?”  Natatawa naman ito. 

            “W-wala…”  Bahagya pa siyang umiling.

            “See?”  Nag-angat pa siya.  “But, I’m happy to hear that.”

            “A-anong nakakatawa?”  Puna pa niya dito.

            “Wala!”  Umiiling pang sagot niya.  “'Yang utak mo ang nakakatawa.”  Hindi na rin niya mapigil ang mas lalong mapatawa.

            “B-bakit?”  Taka pa rin siya.

            “Look,”  Kagat labi pa niyang hinarap ang nobya.  “I wanted to kiss you right now.”  Medyo gigil pang ekspresyon nito.  

            “Liam…”  Kulang na lang talaga ay mag-yelo siya sa sobrang kaba.

            “Pero dahil nandito tayo sa kwarto ko, ayokong mag-isip ka pa nang kung ano kaya pipigilan ko na lang.”  Hindi nito maalis ang pagkaka-kagat labi lalo pa nga’t cute na cute siya sa reaction ng nobya.  “So, relax okay?”  Banayad pa niya iyong hinila papasok lalo sa kanyang kwarto.

            “A-ano bang gagawin natin dito?”  Kinakabahan pa rin siya.

            “Make-out…”  Pa-serious mode pang sagot niya.

            “Ha?!”  Mas lalo siyang namutla.


NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon