Bumaba ang tingin niya sa pancakes habang sabay kaming naglalakad papasok. Umangat ang sulok ng labi niya habang titig na titig doon.

“Crushed pancakes?” natawa siya.

Ngumuso ako. “Masiyado kasi malambot kaya nadurog. Pero heart iyan. Masarap rin!”

Binasa niya ang labi, pulang pula ‘yon. Masiyadong agaw pansin kaya naman tinitigan ko.

“You cooked those for me?”

Tumango ako. “Sinubukan ko. Medyo ayos naman ang lasa para sa akin. Sana para sa’yo rin.”

Ngumisi siya. Kasabay ng pagpasok namin sa main door ay siyang paglapat ng kamay niya sa bewang ko. Pasimple ko siyang sinulyapan ngunit diretso lang siyang nakatingin sa harapan.

Inaakala ko na sa kusina na kami didiretso nang kunin niya ang hawak kong plato at inilapag ‘yon sa ibabaw ng center table.

Pasalampak siyang naupok sa couch. Ang mga kamay niya ay awtomatikong humawak sa kamay ko at marahang akong hinila palapit sa kaniya. Nanglaki ang mga mata ko nang bumagsak ako sa mga hita niya. Ipinaikot niya ang mga kamay sa bewang ko at isinubsob ang mukha sa gilid ng aking leeg.

Literal na huminto sa pagtanggap ng hangin ang dibdib ko dahil sa posisyon naming dalawa.

“Morning, baby.” bulong niya, malalim ang boses. “I’m still sleepy.”

Hindi ko pa rin mahanap ang boses ko para sumagot. Ramdam ko ang pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan ko lalo pa at kumikiliti sa akin ang bawat dampi ng mainit niyang hininga sa gilid ng aking leeg.

“M-Matulog ka pa. Bakit kasi g-gumising ka na?”

“Work.”

“Sa bukid? Hindi puwedeng mamaya ka na lang pumunta doon? At saka, pagsasaka lang ba talaga ang trabaho mo?”

Sa totoo lang ay parang mas higit pa kasi doon ang trabaho niya. Maganda ang bahay nila, pinaka maganda dito sa Santa Fe. Ang mga kagamitan ay literal na bago at mukhang mamahalin. Ang sabi ni auntie, imposible daw na pagsasaka lang ang trabaho ni Nero.

Pero hindi ba’t mayaman ang mga magulang niya?

“Kung oo, dismayado ka ba?” pukaw ni Nero sa atensyon ko.

“Hindi, ah! Kahit magbobote lang ang maging trabaho mo, ayos lang sa akin!” histerikal na sabi ko, para bang gano’n nga ang kalalabasan niya katagalan. “Hindi naman ako mareklamo sa buhay.”

Humigpit ang yakap ng mga kamay niya sa bewang ko, ang mukha ay mas idiniin pa sa gilid ng aking leeg.

“Hindi kita bibigyan ng dahilan para magreklamo,” sinserong sagot niya. “Kaya kitang buhayin, magkaroon man tayo ng isang dosenang anak.”

Nag init ang mga pisngi ko. Gusto ko na naman mangisay na parang bulate na may asin. Saan ka naman diyan, Isha?

“Iniisip mo na kaagad ang pagkakaroon natin ng anak, hindi pa nga tayo.”

Pakiramdam ko nga ay hindi na kailangan mangligaw. Sa ganitong posisyon namin, parang kami na rin naman.

Ano ba ang purpose ng pangliligaw kung gusto ko rin naman siya? Para patunayan kung seryoso siya sa akin? Hindi naman si Nero ang klase ng tao na mukhang mangloloko. Wala rin namang masama kung susugal ako.

“Hindi pa ba?”

“Hmm. Sige tayo na. Gano’n rin naman. Doon rin ang punta natin.”

“Dahil gusto mo rin naman ako?”

“Oo.”

Ang bilis ng sagot mo, Isha! Walang pag-aalinlangan!

“Katulad ng sinabi ko, liligawan pa rin kita kahit tayo na, Isha...” sabi niya. Desidido talaga siya sa bagay na ‘yon. “I’ll let you meet my parents once the come here again.”

Ngumiti ako at nilingon siya. Nag-angat siya ng tingin sa akin, mapungay ang mga mata.

“Mabait ba sila?”

Tumango siya. “They are. Medyo istrikto lang si Papa pero ngumingiti rin naman.”

Natawa ako. “Parang ikaw rin pala?”

“Yeah.”

Tinitigan niya ako sa mga mata. Inayos niya ang ilang takas na buhok at iniipit ito sa gilid ng aking tainga.

“Ang ganda mo palagi.” bulong niya.

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Nasisiguro kong sa mga oras na ito ay pansin niya na ang pamumula ng mga ito.

“You’re seriously making me crazy whenever I see you blushing.”

“Ikaw naman kasi. Lagi mo akong p-pinapakilig.”

Mahina siyang natawa. Imbes na sumagot ay mas lalo pang dumiin ang bawat titig niya sa akin. Kung hindi niya ako hawak sa bewang, siguradong kanina pa ako nasa sahig dahil nanglalambot na ako.

“Tayo na po?” bulong niya habang ang kamay ay marahang humahaplos sa bewang ko.

Impit akong ngumiti lalo na at iba ang kiliti na dulot sa akin ng boses niya. Kung alam ko lang na itatanong niya ‘yon, sana as na-irecord ko tapos uulit ulitin ko pag-uwi sa bahay.

Tumango ako.

“Words, baby.”

“T-Tayo na.”

Umangat ang sulok ng labi niya, lalo siyang pinagmukhang gwapo.

“I have the rights to kiss you now then?”

Mas lalo nang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa totoo lang ay parang gusto ko na maglupasay sa sahig dahil sa kilig na nararamdaman.

Tumango ako.

Walang naging reaksyon si Nero. Hindi niya inaalis ang mga mata sa akin, mas lalo lang ako tinitigan sa malalim na paraan.

Dinala niya ang kamay sa pisngi ko, ang hinlalaki ay marahang humahaplos doon. Hindi nagtagal nang maingat niyang kinabig palapit ang aking ulo palapit sa kaniya.

Tila ako inilipad sa alapaap nang maramdaman ang malambot niyang mga labi na lumapat sa akin. Kusang pumikit ang mga mata ko, ang isang kamay ay napakapit sa balikat niya.

Libo libong paru-paro ang naglipana ngayon, sinasabayan ang mga kuryenteng nagsisiklaban sa sikmura ko.

Marahan at mabagal ang bawat halik niya. Ramdam ko ang init ng mga labi niya... at kung gaano ‘yon kalambot na mas lalong  nagpapaliyo sa akin.

Huminto siya, sabay kaming unti-unting humiwalay. Nagmulat ako ng mga mata at naabutan siyang nakatitig sa akin. Itinuon niya ang noo sa akin at mariin akong tinitigan.

Isang beses niya pa akong pinatakan ng masuyong halik sa labi saka itinuon ang mga mata sa akin. Mas lalo ‘yong nagdilim.

“Mine...” bulong niya.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon