"Anong ginagawa niyo at binubully niyo siya? Wala naman akong nakikitang mali sa kaniya, ah? Mga bulag ba kayo o sadyang wala lang kayong magawang matino sa mga buhay ninyo?"

Napalaki ang mata ko dahil sa biglang paglamig ng boses niya. Nakakabigla kasi ang pag-iiba ng tono ng boses niya. Mula sa malumanay na masarap pakinggan mula sa malamig na tono na hindi mo gugustuhing marinig.

It will sent shiver down your spine. Para siyang may dalawang pagkatao sa iisang katawan lang.

"S-sorry seven. Hindi naman namin siya binubull-

"Hindi pambubully 'yon?" putol niya dito gamit ang sarkastikong tono. Nakatalikod siya sa akin pero malakas ang kutob ko na naka-kunot ang noo niya ngayon. "E, Ano palang ibig sabihin ng kamao mo na tatama na sana sa kaniya?" prankong tanong nito na sinagot ng tatalo kong bully ng katahimikan lang.

" Hindi ba kayo sinabihan ng mga nanay niya na huwag manakit ng babae?" tanong pa nung Seven daw sa pasinghal na tono na ikinatahimik naman nung tatlong bullies ko lalo habang ako ay nakayuko lang at nakikinig habang tahimik na humihikbi.

Sa sobrang relieved ko kasi ay hindi ko na naiwasang mapaluha. Ito din ang kauna-unahang beses na may nagtanggol sa akin. Ang iba kasi ay dinadaan-daanan lang ako kapag binubully ako ng ilang estudyante at hindi pinapansin.

Pero ang lalaking 'to... Ibang-iba siya sa lahat ng tao sa school.

"Don't call yourself a man if you can hit girls without a slight remorse." malamig na sambit niya. "Nakakahiya kayo. Kung bored kayo at gusto nang libangan maghanap kayo ng iba na kaya kayong tapatan. Kaduwagan ang tawag sa mga lalaking naghahanap ng mas mahina sa kanila para labanan." singhal pa niya sabay kuha sa pulsuhan ko at hilahin ako paalis doon pero bago pa kami makalayo huminto muna siya na ikinahinto ko rin.

"One more thing assholes. if I see you bullying her or any of the students here again, i'll deal with you myself. Am I clear?" I flinched when his voice suddenly raised at the last part of his sentence.

"Y-yes!" utal-utal na sagot naman nila Erwin, Marco at Troy.

"Good."" saad naman ni Seven at hinila na ulit ako paalis sa lugar na 'yon.

Nakayuko lang ako habang hinahayaan siyang hilahin ako sa kung saan. Gamit ang isang kamay ko na hindi niya hawak tinuyo ko ang sariling luha gamit 'yon.

Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko dahil hindi ko naman siya ganoon kakilala at hindi naman kami close. Naririnig ko lang ang pangalan niya dahil isa siyang sikat na heartthrob sa school na 'to pero hanggang doon lang ang alam ko.

Napabalik ako sa ulirat ng mauntog sa isang matigas na bagay. Napahawak tuloy ako sa aking noo at nagsalubong ang sariling kilay habang masama ang tingin sa bagay kung saan ako nauntog.

"Pffft!" tawa ng kung sino.

Kaagad napataas ang tingin ko at nakita ang natatawang muka ng lalaking nagligtas sa 'kin.

"Ang cute mo." napaiwas kaagad ako ng tingin dahil doon at para na rin itago ang ngayon ay mainit at mapula ko nang pisnge.

He's so blunt.

"Why didn't you fight back? Bakit hinayaan mo lang sila na gawin' yon sa'yo?" curious na tanong niya kaya naman awtokmatiko akong napaharap sa kaniya at napakunot ang noo.

Bipolar din pala siya, eh?

"I was never fan of violence. Tsaka isa pa, ayaw ko ng gulo and I did fight back.
Napangunahan lang ng takot." sagot ko at nag-iwas ulit ng tingin mula sa mapanuri niyang mga mata.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now