"Hindi ka ba sasabay?"

Yumuko ako ng bahagya para makasilip sa bintana.
Sakto din na may humintong itim at makintab na kotse sa likod ng taxi pero hindi ko na iyon pinag tuunan ng pansin at kinausap nalang si Chelsea.

Pagkatapos nyang mag babye ay umalis na ang taxi.

Ngumiti ako at tinanaw ito hanggang sa mawala na ito sa paningin ko and then I step back and straightened my back.

"Who's that?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig ko ang malamig na boses na iyon.

Lumingon ako sa likuran ko at nakita duon ang babaeng seryosong nakamasid sa akin.
"Ate——"

"Don't start, Gwen. Now answer me, who is that?"

"A f-friend."

Napalunok ako sa kaba. Sobrang seryoso kasi nya e. Tapos idagdag mo pa na sobrang ganda nya sa suot nyang pant suit na kulay puti.

The side of her lips rose a bit as she crossed her arms and tilted her head a bit to scan me more.

"A friend? Is she the reason why you aren't answering my calls?"

Namilog naman ang mga mata ko. "T-tumawag ka?"

Kinuha ko ang phone ko sa sling bag na dala ko at humigpit nalang ang kapit ko duon ng makita na naka 20 missed calls na pala sakin at naka 5 messages, tinatanong kung nasan ako at bakit daw hindi ako nasagot.

"Sorry, h-hindi ko napansin."

She rolled her eyes and scoffed.

"Of course, you were busy with someone else."

"Hey——"

"Wag mokong hawakan. Pumasok kana sa kotse. Iuuwi na kita, bago pa may mantrip sayo dito."- matabang nyang sabi at tumalikod na.

Pero dahil makulit ako ay sinundan ko sya at pinigilan sa braso nya. Kaya lang napabitaw din ako kaagad dahil sa lamig ng titig nya sa kamay ko.

"I'm sorry"

Binawi lang nya ang braso nya at binuksan ang kotse.
Sinenyasan nya akong pumasok, bagay na sinunod ko naman dahil baka bugahan na nya ako ng apoy.

Habang nasa byahe ay tahimik lang sya. Hindi nga sya lumilingon sakin simula ng maupo sya sa tabi ko.

Pinaglaruan ko nalang ang mga daliri ko pero hindi ko napigilan na hindi magsalita.
"Paano mo nga pala nalaman kung na saan ako?"

Napakagat labi ako ng hindi nya ako sagutin. Hala, galit ba talaga sya? Hindi ko naman sinasadya e.

"Hey.. "

Hinawakan ko ang kamay nyang nakapatong sa lap nya. Bumaba naman ang tingin nya duon at unti unting dumako sa mukha ko ang mga tingin nya.

"That's none of your business. Why? You're disappointed that I came out of nowhere?"- masungit nyang tanong.

Napanguso naman ako at umusod palapit sa kanya.

"Move——"

"Sorry na po. Hindi ko naman sinasadya."

Umismid lang sya at sa labas na tumingin.
Napasimangot nalang ako at walang ganang sumandal sa upuan ko.

Hindi kalaunan ay nakadating na kami sa apartment ko. Nauna syang bumaba kesa sakin. O diba ang galing. Hindi manlang ako inantay.

Lumapit ako sa front door at sinusian ang padlock. Kumunot ang noo ko ng makita na umalis na yung kotse.

"Bakit ka iniwan?"

His Ate ✔Where stories live. Discover now