Chapter 11

41.9K 2.2K 839
                                    


"Where are you going?"- nakapamewang na tanong ni mama.

Sinarado ko yung jacket ko at ngumiti dito.

"It's weekend, Mom."- patay malisyang sabi ko.

"I thought you will help me today?"

"Ahm... Pagbalik ko na lang po."

"Ikaw talaga. Dumaan ka mamaya sa shop ha!"- pahabol na sigaw nito dahil tumakbo na ako palabas.

Hindi nako gumamit ng scooter at namasahe nalang.

Ang lawak ng ngiti ko. Balak ko lang naman magpunta sa kpop store. Pipili ako ng mga bagong merchandise ng mga favorite kpop group ko.

After ko makapili ng mga bagong labas na tee-shirt at hoodie ay bumili na din ako ng iba pang nakita kong pwede kong idisplay sa kwarto ko.

Palabas na ako nang mahagip ng mga mata ko ang babaeng hinahabol ng isang lalaki.

At base sa pigura nito mukhang alam ko na kung sino ito.

"Ophelia? Wait.. Miss——"

Mabilis ang hakbang na sinundan ko din sila. Sumuot ako sa kumpol ng mga tao at tinungo ang babaeng ang bilis ng hakbang papalayo sa humahabol sa kanya.

"What——"- nahinto ang akma nyang pagsigaw nang makita na ako ang humawak sa palapulsuhan nya.

"Miss! Excuse me! Padaan ako!"- galit na singhal ng lalaki.

Mabilis kong hinila sa ibang lugar si ate Veronica. Tulad ko ay nakasuot lang din ito ng casual attire pero ang ganda padin nya.

"Sino po ba yon? Bakit ka hinahabol?"- tanong ko habang patuloy padin ang paghila dito.

Lumiko kami sa isang gilid at duon ko sya tinulak.

Hinarang ko ang magkabila kong kamay at bahagyang yumuko dahilan para malanghap ko ang mabango nyang buhok.

"Sino po yon?"- ulit ko pero parang wala itong narinig at nanatili lamang ito na nakatingin sa akin.

Napalunok ako nang dumako ang mga mata nito sa labi ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa posisyon namin.

"S-sor——"

My eyes grew huge and my breath hitched when she wrapped her thin arms around my neck to pull me closer.

I can hear the loud beating of my heart. The heat on my face spread like a wildfire. I loosen my grip on the paper bag I'm holding, causing it to fall just beside my feet.

She's hugging me. Her face was buried in the crook of my neck and I could feel her warm breath there.

Hindi ko alam kung sinadya nyang gumalaw dahil tumama sa gilid ng leeg ko ang labi nya.

Because of her gestures, I can feel my knees getting weaker. 

"A-ate Veronica.."

"Just until he walks by"- she said softly, just enough to stir something in my stomach.

Nang mapansin kong nakalagpas na yung lalaki ay tinulak na nya ako at inayos ang medyo nagulo nyang buhok.

"Thanks and sorry for doing that."

"Okay lang po"

Dinampot ko na yung paper bag na nalaglag ko kanina at tumayo na ng maayos.

"Bakit po kayo nandito?"

"This is a public place. Am I not allowed here?"- masungit na bira nito na ikinangiwi ko nalang.

"Yung——"

His Ate ✔Where stories live. Discover now