Chapter 27

41.7K 2K 932
                                    



"Miss——Ma'am!"

Patuloy ang paghabol ko dito. Matapos kasi namin kumain sa restaurant ay dire diretso na itong lumabas matapos magbayad.

Hindi ko nga alam kung nabusog sya e. Para kasing hindi nya na enjoy ang pagkain na inorder nya para samin dalawa.

"Can you slow down a bit?"- may bahid ng inis na sabi ko.

Pero tulad kanina para lang akong hangin dito. Huminto ako saglit at pinagmasdan itong lumapit sa driver nya.

Kinuha nya yung susi kay kuyang driver at binuksan ang sasakyan.

Bago pa ito makaandar ay nakaharang nako sa harapan.

"Kuya bat mo binigay yung susi?!"

"Ayaw po ni Ma'am sa makulit e, baka po ako tamaan."- kamot ang ulong sabi nito.

Nagitla ako sa biglang pagbusina ni ate Veronica. Hindi ko alam kung anong itsura nya sa loob dahil tinted ang kotse.

Sinenyasan ko naman ito na papasok ako. Pero hindi ko mabuksan ang pinto nuong umikot ako.

"Open——argh! Fudge, what's your problem?!"- nang gagalaiti kong sigaw dahil pinaharurot na nito ang kotse palayo.
Napapadyak ako sa inis at nilingon si kuyang driver na nakatanaw nalang din sa kotseng papalayo.

"Alam mo ba kung saan sya pupunta?"

"Sa c-condo po yata nya."

"Alam mo kung saan?"

Tumango naman ito at sinabi sa akin ang address at pangalan ng condominium.

Pumara nalang ako ng taxi pero bago pa ako makasakay ay may binilin na sya agad.
"Mag iingat ka Miss."

What? Si ate Veronica lang naman yon pero bakit parang delikado na kaagad.

I just brushed it off and went inside the taxi.

Tinignan ko ang wristwatch ko at napakagat labi. May pasok pako mamaya. Kung pupuntahan ko sya ngayon baka hindi nako makapasok pa sa school dahil medyo malayo pa ang byahe.

I tap my fingers on the side and bite my lower lip. I swallowed hard and sigh.

"Manong, pakibalik po. Sa Beaufort University nyo nalang po ako ihatid."

Pupuntahan ko nalang siguro sya sa condo nya kapag nasiguro ko na hindi sya bumalik sa school.
Mahirap na. Ayaw ko pa naman magastusan ng pera tapos sa wala lang pala mapupunta ang lakad ko. Sayang kasi yon.




****




I tried calling her but she's not responding to my texts. Grabeng tipid naman nya sa load. Akala mo hindi mayaman.

Sinubukan kong kumatok sa opisina nya kanina pero walang sumasagot at hindi ko din mapihit ang doorknob kaya naman nagdesisyon na ako umalis.

I even asked Felix, and even he got curious when I told him that Veronica hadn't come back. 

Napanguso nga ako at lihim na napadabog nang magreply ito sa kapatid pero yung mga calls and texts ko hindi manlang pinapansin.

Kung kanina hindi ako natuloy sa pagpunta sa condo nya, ngayon naman ay tuloy na tuloy na.

Bumili muna ako ng flower na daisy , paborito nya ito e. Pampalubag loob lang baka kasi bigla nalang nya akong bugahan ng apoy.

Pagkapasok ko sa lobby ay dumiretso na ako sa front desk at tinanong ang room number nya.

His Ate ✔Where stories live. Discover now