Chapter 23

40.8K 2.1K 1.7K
                                    


"Miss Dezmond!"

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang malakas na pito ni prof.

"What is your problem? Are you not feeling well?"- he asked while holding the ball on his other hand.

Tumingin ako sa paligid ko at halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin lang sakin.

"I'm okay sir."

Hinagis nya sakin yung bola ng volleyball. "Your turn. Prove to me that you're okay."

Pumito ulit sya. Tinitigan ko naman yung bola na nasa kamay ko.

She's my girlfriend

She's my girlfriend

She's my girlfriend

She's my girlfriend

Hinagis ko ang bola at malakas itong inispike papuntang kabilang court.

I heard awe from my classmates. I felt the pain seep through my veins. Fudge!  Nabalian pa yata ako.

"Wow, that's too far."- komento ni Sir pero bumalik nalang ako sa bleacher para kunin ang gamit ko.

"May I go first sir? I think I injured my hand. "

"Okay,go straight to the clinic. Thank you for participating today."

Umalis na ako sa gym at dumiretso palabas. Nabunggo ko pa nga si Felix.

Tanging tipid na ngiti ang ginawad nito sa akin bago ako iniwan. Hindi tulad nuon na kukulitin pa nya ako at tatanungin kung saan ako pupunta.

Ilang araw na ang lumipas mula nuong mangyari yung mga bagay na iyon. Pinili kong umiwas sa magkapatid at halos wala talaga akong kinakausap na kahit sino. Buti nalang umaayon ang tadhana dahil hindi ko din naman masyadong napapansin sa school si ate Veronica. Pero alam ko naman na palagi syang pumapasok dahil nakikita ko ang driver nya.

Tinanong din ako ni Mama kung anong problema ko pero hindi ako nagkwento. Masyado pang magulo ang isip ko kaya ayaw ko muna magpadalos dalos sa mga salitang sasabihin ko sa iba.

Pati si Dad naninibago sa katahimikan ko. Well, I'm hurting.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa loob ng pool area. Wala naman katao tao dito kaya naman humanap ako ng lounger na pwede kong pagpahingaan muna. Buti nalang walang nag pa practice ng swimming ngayon.

Binaba ko ang bag ko at tinignan ang kamay ko. Dahan dahan ko iyon ginalaw ,napangiwi ako nang maramdaman ang sakit.

Ayan kasi. Feeling iron man.

Humiga ako at pinikit ang mga mata ko. Sana lang wag ako magising na nasa tubig na ako dahil baka makasapak talaga ako ng tao.

****

I furrowed my eyebrows when I felt something on my skin. I can also smell something familiar.

Binawi ko ang kamay ko dahil nakikiliti ako. Ipagpapatuloy ko pa sana ang pagtulog ko pero parang bulang nawala ang antok ko nang mapagtanto ko na sobrang pamilyar nuong pabango na naamoy ko.

That sweet and tempting scent. That is——

I opened my eyes and a pair of innocent looking eyes met mine. She's sitting beside me while staring seriously.

Wth!

Mabilis akong bumangon at umatras pero nahulog lang ako sa sun lounger. Tumayo sya at akmang dadaluhan ako pero mabilis ang pag iwas na ginawa ko.

His Ate ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें