Chapter 24

43.5K 2K 2K
                                    




It's already dark, but I'm walking home quietly after buying some ice cream.
Some people were also passing by, but I still felt something strange.

Huminto ako saglit at lumingon lingon sa paligid. I'm hoping to see someone.

Kasi nung nakaraan ko pa nararamdaman na parang may nagmamasid sakin. Simula nuong huli namin pag uusap ni ate Veronica pakiramdam ko palagi ng may nakasunod sa akin. O baka nagmamaganda lang ako kaya iniisip ko na may stalker nako.

And speaking of her, I heard that she was on leave. Her parents gave her permission to relax abroad. I don't know why she got stressed after talking to me. Did I hurt her feelings that much?

Palagi ko padin syang iniisip. Nagsisisi ako sa mga nagawa at nasabi ko sa kanya nuong huli namin pag uusap. Gusto ko ngang humingi ng dispensa pero wala naman sya. Siguro pagbalik nalang nya o baka nga nakabalik na sya hindi ko lang alam dahil hindi naman na kami masyado nag uusap ni Felix. Iwas na iwas kasi sya sakin e , dapat nga ako yung gumagawa nun dahil sya yung umamin samin hindi ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makauwi ako ng bahay. Napakunot naman ang noo ko nang makita na nakabihis sina mama at papa.

"San lakad nyo? May date po kayo?"- taka kong tanong.

"Anak sabog ka ba?"- sabi ni Mama na ikinangiwi ko.

Saan naman nya natutunan yon?

"Huh?"

Dad chuckled and fixed his tie. "Magbihis kana ng maayos. Diba sabi ko may lakad tayo. Nag yes ka pa nga tapos nakalimutan mo na agad."

"Ay ngayon na po ba yon?!"- gulat na sambit ko at tinakpan pa ang bibig ko.

"Oo anak, kaya dalian mo na. Nakakahiya sa pupuntahan natin kung malelate pa tayo."- sabi ni mama at kinuha ang binili kong ice cream.

Sya na ang naglagay nun sa freezer dahil pinagbihis na nya ako.

Ang formal naman yata masyado? Balak ko pa naman mag casual attire nalang sana pero nag dress padin ako, baka kasi mamaya ako lang pala yung naiibang suot sa formal gathering na sinabi sakin ni Dad.

Umalis na kami sa bahay pagkatapos kong mag ayos ng sarili. Excited pa ako nuong una pero nang makita ko ang tinatahak namin daan ay unti unti nakong napasimangot.

"Bakit po nasa Beaufort Subdivision tayo?"

"Dahil dito gaganapin ang party anak."

I'm hoping that the car won't stop in front of Beaufort Mansion, but I'm wrong. Once the car halted, all my hopes vanished in an instant. 

Sobrang daming sasakyan sa labas pagkababa namin parang gusto ko nalang tuloy umuwi.

"Ano po bang meron? Bakit may party?"-clueless na tanong ko.

Alam ko may sinabi si Dad sa akin about sa party nga daw pero hindi ko na tanda sa sobrang lutang ko this past few days.

"Birthday ni Sir Alonzo."

Birthday ng papa nina Felix?! Sobrang sabog kona ba talaga at oo nalang ako ng oo sa mga sinasabi nila?

Kung nasa tamang wisyo ako nuong kinausap ako ni Dad edi sana nakatanggi ako on the spot! Nakakainis naman!

Napanguso ako dahil pumasok na sina mama sa loob habang ako nakasunod lang sa kanila. Hindi nga ako nagkamali. Ang dami ngang tao.

Naalala ko na naman sya. Ganito din kami unang nagkita e. May party din that time. Hays. Bigla ko syang namiss kahit pa naiinis padin ako sa kanya.

His Ate ✔Where stories live. Discover now