Chapter 9

41.4K 2.2K 1.4K
                                    

"Ayos kalang ba?"

Napalingon ako sa gawi ni Felix. Nag dadrive kasi sya ngayon e. Ihahatid nya ako.

"Oo naman, bakit?"

He heave a sigh and furrowed his thick eyebrows.

"You look tensed since we left. May sinabi ba si ate sayo?"

Humugot ako ng hininga at ngumiti dito.

"Wala naman"

"Are you sure?"

"Hmm"

Bigla naman itong ngumiti at nakita ko na lumiko ito ng daan.

"Where are we going?"

"I'll treat you something sweet. You looked so serious e."

Blame your sister. Hindi yata alam nung babaeng yon na masama ako landiin.

Tho hindi naman talaga nya ako nilandi pero parang ganon na din nga kasi...hayst ewan! Bahala na nga yan.

Matapos akong ilibre ni Felix ay tumungo nadin kami kaagad sa bahay.

Inasar na naman ako ni mama without knowing na hindi na si Felix ang gumugulo sa isip ko.

Nag stay pa sya ng ilang oras sa bahay bago ito nagpaalam na uuwi na dahil may family dinner daw sila kasama ang bisita ng ate nya.

Sino naman kaya yon?

****

I didn't get to school as early as I used to because I couldn't sleep the night before.
Ate Veronica is everywhere. She didn't let me sleep peacefully.

*beeepp!!

Napahawak ako sa dibdib ko at nanlalaki ang mga matang nilingon ang itim na sasakyan na konti lang ang distansya sa akin.

I blink my eyes slowly because I'm still shocked!

Sino ba itong walanghiya nato?!

Nakakahiya tuloy dahil pati yung ibang estudyante na papasok ay napatingin sa akin.

Padabog akong umalis at ramdam ko na umusad na din yung kotse.
Mukhang mamahalin iyon dahil makintab pa. Sarap butasin ng gulong.

Papasok na sana ako sa building namin nang mapahinto ako at mapaawang ang bibig dahil sa taong bumaba mula rito.

Isang matangkad at gwapong lalaki. Nakasuot ito ng long sleeve na white na tinupi hanggang siko, black slack and leather shoes naman sa ibaba.

Kita ko din ang pagkamangha sa mga mata ng ibang kababaihan na nakatingin dito.

Nakarinig din ako ng singhapan nang buksan nito ang passenger seat at lumabas mula duon si ate Veronica.

I averted my gaze when she smile charmingly to him.

So muntik na nila ako mabangga kanina pero hindi manlang sya bumaba?

Ay bakit sino bako? I'm just her brother's best friend.

And speaking of best friend, I wonder where he is right now. He should be in here at this hour!

"Tabi nga!"- masungit na sabi ko sa nakaharang sa daan ko.

Buti nalang umusod sila dahil kung hindi ay baka binangga ko na sila.

I'm silent the whole time even though Felix has arrived. I just couldn't bring myself to speak.

My mind is wandering elsewhere. I can't erase what I saw earlier. Hindi din nakakatulong yung mga chismisan ng mga kapwa ko estudyante.

"That's her suitor!"

His Ate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon