Chapter 12

41.7K 2.1K 1.2K
                                    


"You were really a fan of her?"

"Ha?"

Tinignan ko naman kung saan sya nakatingin. Nagkukumahog naman ako na ayusin yung mga pinamili ko na natapon sa couch dahil sa pagmamadali ko kaninang ilapag iyon.

"What? Lisa is beautiful."- kibit balikat na sabi ko dito.

I saw her smile a little and nodded her head in agreement. Akala ko pa naman kokontrahin nya kasi nga diba hindi naman sya fan ng kpop.

Kasama ko sya dito sa bahay dahil nadin sa kagustuhan ni mama. Sabi pa nga nya na I should be polite with my soon to be sister in law. Dapat daw magpalakas ako dito para walang hadlang kung sakaling ligawan ako ni Felix.

Pero imposible naman na ligawan ako nun e ilang araw na din nung huli kaming nagkausap.

Ang weird lang kasi dati kapag nagkakatampuhan kami pareho namin sinusuyo ang isat isa pero ngayon parehas walang paramdam. Hayst bahala na muna sya.

"I'm sleepy."

"Higa ka po dyan."

Tinaasan naman nya ako ng kilay at tinignan ang couch.

"You're so kind, but it's not my style to sleep on the couch."- she said seriously.

Napalunok nalang ako at napa ngiti ng bahagya.

"I'm j-just kidding po."- nahihiyang sabi ko at naupo sa kabilang dulo ng couch.

"Well, it's not funny."- malamig padin na sabi nya at pinag cross ang mga hita.

Dahil sa kaba ay napatayo nalang ulit ako at dinampot ang mga pinamili ko.

"Tara po sa taas?"

Nawala naman ang pagsusungit sa mukha nito at tahimik lang na tumayo at sumunod sa akin.

May isa pa kaming guest room. Duon ko nalang siguro sya papatulugin tutal iidlip lang naman siguro sya.

Saka ayaw ko sa kwarto ko. Baka mahilo sya dahil kahit saan may nakapaskil na poster ng mga korean idols. At ayaw ko din talaga nang may ibang pumapasok sa kwarto ko pero syempre hindi ko na yon sasabihin sa kanya.

Binuksan ko ang guest room at minuwestra ang kama na nanduon.

"Pasok kana po. Sana maging komportable ka po sa pagtulog."- nakangiti kong sabi. Malinis naman kasi iyon. Syempre ako ang tagalinis dito ni Mama e.

"Can you wake me up before 6?"

"Opo. Sige po lalabas na ako".

Hindi ko naman narinig ang pagsagot nya. Pero bago ko isara ang pinto ay nakita ko na humiga na sya sa kama.

Baka mamaya bumalik ako dito. Gusto ko kasing makita ang itsura nya. Nababaliw na ata ako.

****

"So pretty.."- I muttered under my breath while watching her breathing peacefully.

Hindi ko namalayan na napahiga nadin pala ako sa tabi nya habang pinagmamasdan sya.

I look at my wrist watch to check the time. I still have thirty minutes to enjoy the view.
Why do I sounds like a pervert here!?

Tatayo na sana ako pero bigla syang kumilos at sumiksik sa akin. Para tuloy akong posteng binagsak sa kama dahil hindi ako makagalaw ng maayos. Ramdam ko din ang pagkabog ng puso ko dahil nasa may leeg ko ang mukha nya.

Wrong move Gwen! Dapat hindi kana humiga.

Sinubukan kong gumalaw sa pamamagitan ng pagtanggal ng braso nya sa bewang ko pero nagising ko naman yata sya dahil umusod ito palayo at kinusot ang mga mata nya.

His Ate ✔Where stories live. Discover now