Humalakhak siya kasabay ng pag-ayos niya ng tayo. Nag angat ako ng tingin sa kaniya, humahanga sa tuwing tumatawa siya.

Malala ka na, Isha.

“I’ll just change my shirt. Nakakahiya, amoy pawis na ako.”

“Hindi, ah. Ang bango mo nga.”

“Inamoy mo ako?”

Lagi naman.

“Hindi naman s-sadya!”

Ngumisi siya, tumatango tango. “I’ll take note to always wear perfume because my baby tends to smell me everytime we’re together.”

Baby. Lagi niya akong tinatawag sa gano’ng paraan. Baby niya ba ako? Sige na nga. Baby ko rin naman siya.

“Okay, baby.”

Tumaas ang kilay niya, naniningkit ang mga mata at tila namangha sa paraan ng pagtawag ko sa kaniya.

“What did you just call me?”

Malawak akong ngumiti. “Joke lang ito naman. Sabi ko okay lang, Nero.”

Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti.

“Take it for serious next time. I won’t mind.”

Tumalikod na siya pagkatapos sabihin ‘yon. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala.

Impit na kilig ang pinakawalan ko, nangingisay pa ang katawan. Ganito pala ang magkagusto sa ibang lalaki? Si Nero kasi ang unang lalaking nakapagparamdam sa akin ng kilig. Kung sa bagay ay wala naman ako ibang lalaki na nilalapitan noon.

Nang dumating ako dito sa Santa Fe, ang tanging gusto ko lang ay makapagsimula ng bagong buhay matapos ang nangyaring trahedya sa akin at sa pamilya ko. Ang mahulog sa isang lalaki ay hindi ko kailanman naisip.

Pero sabi nga nila, ang mga bagay na siyang hindi mo inaasahan ang siyang mangyayari sa’yo.

Bumalik si Nero, bagong palit ng tshirt at pantalon. Kaswal na kaswal ang dating niya kapag gano’n ang suot. Para talaga siyang modelo.

Binigyan niya ako ng mabilis na tingin bago dumiretso sa mismong kusina. Sandali lang at bumalik na siya bitbit ang isang bowl.

Tumalon ako mula sa mataas na upuan at sinalubong siya. Mula sa paglalagay ng bowl sa mesa ay nag-angat siya ng tingin sa akin, tila nagtataka.

“Ako na ang kukuha ng mga plato at kutsara.” presinta ko.

“Ako na. Maupo ka na lang.”

“Tutulong na ako! Hindi naman ako bisita dito-”

“Bisita kita,” putol niya. “At espesyal ka sa akin.”

Hindi ko na naman nahanap ang dila ko para sumagot. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko at ngumiti sa kaniya.

Kilig na kilig na ako, Nero.

“Sabi ko nga uupo na lang ako.”

Ngumisi siya, tila natutuwa pa na nagtagumpay na naman siya.

Wala na akong nagawa nang siya na ang kumilos para sa lahat ng kailangan. Naupo siya sa tabi ko, imbes na sa harapan.

Nagsisimula na kaming kumain. Sinigang ang ulam. Masarap kung tutuusin. Mas masarap pa sa luto ni auntie.

Pasensya na, auntie. Salamat na lang sa lahat.

“Ang sarap ng sinigang. Ikaw ang nagluto o left over lang?” tanong ko matapos humigop ng sabaw.

“Ako ang nagluto.”

Tumango ako. “Masarap. Paano ka natuto?”

“Kusa lang. I always cook this with my Mom whenever she’s here. Her favorite, too.”

“Talaga? Iyong nasa litrato sa kwarto mo, iyon ang mga magulang mo, hindi ba?”

Tumango siya, hindi na nagsalita pa. Ramdam kong kapag tungkol sa mga magulang niya ay hindi siya masiyadong nagsasalita. Mukhang ayaw niyang pag-usapan. Irerespeto ko ‘yon.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Mas una siyang nakatapos kaysa sa akin. Sa huli, nakaramdam ako ng pagkailang ng titigan niya ako. Mabilis ang paraan ng pagkain ko kanina. Ngayon ay tila ba bigat na bigat ako sa kamay ko.

“If you want to cook, I can teach you.”

Kumurap ang mga mata ko ng dalawang beses.

“Marami ka nang trabaho. Ayaw ko dumagdag sa’yo-”

“I can make time for you. That’s not a problem.”

Ngumiti ako at ibinaba ang kutsara sa plato. ”Ano’ng lulutuin natin?"

“It’s up to you. Ano’ng gusto mong matutunan at kainin?”

“Ikaw, anong suhestyon mo?”

Titig na titig siya sa mga mata ko, pansin ang adorasyon doon.

“Ikaw...”

“Ako?”

“Ang masarap...”

Namilog ang mga mata ko. “Huh?”

Bumaba-taas ang Adam’s apple niya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Umigting ang mga panga niya, mapungay ang mga mata ng tingnan ako.

“Ikaw ang magdesisyon.”

Humagalpak ako ng tawa. “Hindi naman ‘yan ang sinabi mo kanina.”

Hindi siya sumagot. Habang ako, tatawa-tawa dahil kahit inosente ay alam ko ang ibig niyang sabihin kanina. Gusto ko lang ibahin ang tema dahil literal na nag-init ang mga pisngi ko.

“You want me to repeat what I said earlier?” hamon niya sa akin.

Nagsilipana na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Ngumuso ako.

“Bakit ganiyan ka magsalita sa akin, Nero? May gusto ka siguro sa akin.”

Minsan, hindi ko rin talaga alam saan ako kumukuha ng kapal ng mukha at lakas ng loob. Mana raw ako sa nanay ko sabi ni auntie.

“Hindi pa ba halata?” pukaw niya sa akin.

Umawang ang mga labi ko, namimilog ang mga mata.

“Huy, biro lang-”

“Seryoso ako.”

“Gusto mo ako?”

Tumango siya. “Kung hindi pa ako halata, hayaan mo akong sabihin sa’yo ng diretso...” kinagat niya ang labi, puno ng kumpyansa ang ekpresyon ng mukha. “Gusto kita. Gustong-gusto kita, Isha.”

Nawala ang angas ko. Nagbibiro lang naman ako pero nakalimutan kong seryosong tao lagi itong si Nero at hindi marunong magbiro.

“Pag-iisipan ko muna, Nero, kung puwede ako makipagrelasyon.”

Umangat ang sulok ng labi niya saka tumango.

“I’m not forcing you to like me back right away. I know it takes time.”

Ako pa ba? Gustong-gusto nga rin kita.

“Tapos na ako mag-isip.”

Natawa siya, itinuko ang siko sa mesa at pumangalumbaba habang pinagmamasdan ako.

“What’s the decision then?”

Nanulis ang nguso at bumuntonghininga. “Mangligaw ka muna.”

Ngumisi siya. Hindi ata ako magsasawa kahit paulit ulit siyang ngumisi. Lalo siyang gumagwapo kapag ginagawa niya ‘yon.

Inalis niya ang pagkakapangalumbaba at pinagsalikop ang mga kamay. Itinuon niya ang mga siko sa ibabaw ng hita niya at bahagyang yumuko palapit sa akin. Ang mga mukha namin ay literal na wala ng distansya.

“Mangliligaw ako...” marahang bulong niya. “Kahit tayo na.”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now