Chapter 32

5 1 0
                                    

Naninigurado lang dahil baka hindi naman siya ito. Hindi ko naman kasi memorized ang numero niya at nalaman ko lang din kanina.

"S-Shawn..." he answered. "Uhm... I a-am nevermind," aniya saka bigla na lang na in-end ang tawag.

May topak na rin yata ang isang iyon? Tumawag pagkatapos ay nevermind lang naman pala ang sasabihin. Lasing na rin yata, tsk.

Mga ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa mapagdesisyunan ko nang matulog. I am sure that they are enjoying the night. Samantalang ako ay ito nasa bahay at matutulog na lang. But the moment I closed my eyes, I suddenly remember how Shawn was too close to me earlier. Ramdam ko tuloy muli ang malakas na tibok ng puso ko kahit nasa isip ko na lanh iyon. Pakiramdam ko ay nasa alapaap ako habang inaalala kung gaano siya kalapit sa akin.

And those words that he said earlier... Shit!

Pinilig ko na lang ang aking ulo at pinilit ang sariling matulog hanggang sa tuluyan na lang akong nakatulog. Ang nangyari ng gabing iyon sa pagitan naming dalawa ni Shawn ay nanatili na lang sa aming dalawa. And I don't think so he still remember everything happened that night because we didn't talk to each other about that matter. Mas naging busy na lang kami sa mga susunod na araw dahil sa exam na.

And today is the last day of our exam. I am already done with the last subject to be taken this day while the others, especially some of my friends are still answering their exam. For me, it was an easy exam because I have reviewed each of the subjects. Ngunit hindi ko naman alam kung tama ba ang iba at siguradong hindi ko iyon matatama lahat. And since this is the last day of our exam, p'wede na akong makatulog nang maaga at magising nang hindi alas kwatro ng umaga.

I am still on my seat when Irish stood up and passed her exam paper together with her answer sheet. Kaya naman nang nagtama ang mga mata naming dalawa ay kaagad kaming nagngitian at nginuso ko naman ang labas ng classroom namin. I stood up and we went outside. Pumunta lang kami sa lugar na hindi masyadong maririnig ng mga kaklase namin ang aming pag-uusapan.

"Shit! Sana all nag-review!" ani Irish nang makalayo na kami sa tapat ng classroom.

"Bakit? Hindi ka ba nakapag-review?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi masyado. I just scanned most of our lessons, pero siguro ay pasado naman ako sa exam natin." sambit niya kaya tumango ako. "Ikaw? Paniguradong nag-review ka!" utas niya at medyo napalakas pa ang kaniyang boses kaya naman ay sinenyasan ko siyang tumahimik.

Natawa kaming pareho at hininaan ang aming mga boses. "Oo, nag-review ako kasi kailangan." I answered her and laughed when she pouted.

Ako kasi ang tipo ng tao na kailangang mag-review sa tuwing exam dahil halos lahat ng tinuturo ay kaagad kong nakakalimutan. Lalo na at quarter exam naman ito at lahat nang naituro ay iyon ang lalabas sa exam. And most especially, I am doing my best in every quiz and exam that I take because that is my way of making my parents proud.

Dahil iba ang epekto kapag isa kang honor student sa iyong mga magulang. It was my way to prove to my Mommy and Daddy that their hardwork and their money are worth it for spending it in my studies. At isa pa ay masaya ako kapag nakikita ko rin silang masaya sa school achievements ko.

"Sus! Inspired ka lang talaga eh!" aniya at tumingin kung nasaan sila Shawn at ang mga kaibigan nitong masayang nag-uusap-usap din.

Napailing na lang ako sa kaniya habang nakangiti. Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang gabing iyon.

"Kinikilig ka, Reign!" utas niya pa sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Hindi 'no!" I said and it felt like I am lying to myself.

An Exquisite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon