Chapter 16

14 1 0
                                    


"Hi, Reign!" bati niya kaagad sa akin nang tuluyan na siyang makalapit. "Nag-jogging ka ba kasama ang kumag na ito?" maarte niyang tanong sa akin, kaya napangisi ako. 

Yes, maybe Shawn likes her, but I won't bead at her. She doesn't deserve the hate that she will get just because of a boy. Paghanga lang naman ang mayroon ako para kay Shawn eh. 

"No, we're not." sagot ko saka ngumiti rin pabalik sa kaniya. "Nagkataon lang na nandito kaming dalawa at iniwan naman ako ni Kuya rito kasama ang pamangkin ko." I told her, but Elisse just looked at Shawn. 

I don't know, but I guess it was a meaningful look for Shawn. 

"You're so cute, baby!" panggigigil ni Elisse kay Azalea. 

Pinisil-pisil niya pa ang pisngi ni Ali, kaya napangiti na rin ako sa kanilang dalawa. Elisse looked cute when she played with Ali, who was also playing with her. 

"What's your name?" tanong ni Elisse kay Azalea, pero hindi ito sumagot dahil nahihiya pa. 

"Her name is Azalea, but you can call her Ali." sagot ko sa kaniya at saka ngumiti. 

"My name is Ate Elisse, and Eli for short. We're like twinny!" nakangiti nitong sabi kay Ali saka pinisil muli ang pisngi nito. 

Matapos niyang kulitin si Ali ay umayos siya ng kaniyang tayo saka tinaasan ng kilay si Shawn. "You're weird," sambit nito habang nakatingin kay Shawn. 

I didn't talk nor agree with her because there was nothing wrong with Shawn. Ano naman kaya ang weird kay Shawn? 

"It's hot in the Philippines, Shawn. Hindi ka ba naiinitan sa jacket na suot mo?" tanong nito saka pinasadahan pa ng tingin si Shawn. 

She even laughed evilly after she said those words. 

"Why do you care?" tanong pabalik ni Shawn sa kaniya nang wala man lang ekspresyon sa kaniyang mukha. 

Kahit kailan talaga ay wala siyang ekspresyon 'no? 




And what happened next? Of course, they will argue about even the little things. Para nga akong naging hangin sa kanilang dalawa, I mean kaming dalawa ng pamangkin ko. I stood up without them knowing because they're busy with each other's company. 

Inaya ko na lang si Ali papuntang swing para roon na lang siya maglaro. 

I knew she was bored and when we finally got there, she smiled widely at me. Enjoy na enjoy niya ang kaniyang paglalaro niya roon. Parang ang sarap nga maging bata na lang ulit eh. 

While I was accompanying Ali on the swing, my phone rang and there I saw a text message from Kuya. 

Kuya Peter:

Where are you? Tapos na kaming maglaro. 

Me:

Naglalaro pa rito si Ali sa swing. Wait for us there. 

Kuya Peter:

Okay, just make it faster. Please :) 

Ang sarap talaga niyang pektusan! 

Kung makautos na bilisan namin ni Ali ay akala mo naman ay hindi siya natagalan sa paglalaro ng basketball kanina. Inaya ko na lang tuloy si Ali na umalis na roon at puntahan na si Kuya malapit sa covered court ng park. 

Pakarating namin doon ay sinimangutan niya kami kaya sinungitan ko rin siya. 

"Ang tagal naman!" singhal niya sa akin pakaabot namin sa kanya.

An Exquisite LoveWhere stories live. Discover now