Chapter 2

31 2 0
                                    

"Good morning class! First and for most, I'm your teacher in science and, at the same time, your adviser. I'm teacher Agnes."  
 
The teacher introduced herself the moment she entered our classroom. She was already holding a book in science, kaya naman ay paniguradong mag-uumpisa siya kaagad ng lesson. 
 
"Good morning, Ma'am!" bati namin pabalik na magkaklase sa kaniya. 
 
We also stand up as we greet her back and then she smiled at us. "Now that I'm done introducing..."  
 
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Ma'am dahil may dumating. I think he was the new classmate Roxxane was talking about in our group chat last time.
 
 Hindi ko pa masyado nakikita ang kaniyang mukha ngunit may kasama pa itong nakaunipormeng kagaya nang kay Ma'am Agnes. Hindi ko nga lang matandaan kung teacher siya rito.
 
"Good morning, Ma'am! Sorry to interrupt your class." tugon nito kay Ma'am Agnes at saka ngumiti. "Ako nga po pala iyong Mommy niya. Siya iyong transferee," sabi nito adviser namin at tumingin sa aming mga estudyante.
 
"It's okay." Ma'am Agnes said and looked at us. "Class, greet the new teacher of the English Department from Belen University," tugon sa amin ni Ma'am Agnes. 
 
Tumayo naman kaming lahat at nag-good morning doon sa bagong teacher. She also greeted him back and walked away as his son went inside the classroom. 
 
"Mr. Hernandez, introduce yourself first." tugon ni Ma'am Agnes sa bago naming kaklase. Agad itong pumunta sa gitnang parte sa unahan saka nagpakilala.
 
"Classmate, especially to our teacher in front, good morning!" he said, but he didn't even smile at us. "My name is Shawn Kiefer Hernandez. I'm 15 years of age. I'm a transferee from Belen University since my mother is now teaching here. Nice meeting you everyone and I hope we'll have a good relationship as classmates," 
 
Pagpapakilala niya sa kaniyang sarili at hindi ko lang alam sa aking sarili pero mukhang pamilyar ang pangalan at ang apeliyido niya. 

 Napaisip tuloy ako bigla at inaalala kung meron ba akong kilalang Hernandez, pero sa pagkakaalala ko ay wala naman. 
 
Hernandez? Where did I hear that surname? 
 
Are they one of our company's business partners? 
 
 "May problema ba, Reign? Naka-kunot kasi ang noo mo habang naka-tingin sa kisame." saway sa akin ni Roxxane kaya tumigil ako sa pag-isip. "May plano ka na bang magpa-tayo ng bahay?" pabulong na tanong niya pa sa akin kaya inirapan ko siya. 
 
"Huh? Wala, wala." pabulong ko ring sabi sa kaniya. 
Gaga siya! Pabahay agad? Porque naka tingin sa may kisame?!
 
Binalingan kong muli si Shawn yata 'yon. I already forgot his name because I was thinking deeply about his surname. Napaka-pamilyar kasi talaga sa akin ngunit hindi ko naman maisip kung saan ko ba iyong narinig na apelyido. 
 
Sakto rin naman pala na naka-tingin din pala siya sa akin kaya umiwas kaagad ako ng tingin. I find him handsome, but I shook mybhead because I have a crush on Kyle! 
 
I looked back at Ma'am Agnes and realized that Shawn was still not sitting. Nakatayo pa kasi siya sa unahan. 
 
"Ba't hindi pa niya pinapaupo si Shawn?" I whispered, but Roxxane and Princess still heard what I said. 
 
"Hindi namin alam." sabay na sabi nila Roxxane at Princess.
 
"Huh?" patay-malisya kong sambit sa kanila. 
 
Nakinig na lang ako kay Ma'am sa kaniyang sinasabi dahil baka kung ano pa ang sabihin nitong dalawa. Baka isipin pa nilang may gusto ako sa transferee na ito. 
 
I don't even know him, though his surname was really familiar to me. 
 
"Okay, Mr. Hernandez is done introducing himself. So, kayo naman."
 
At syempre dahil nasa gitnang parte ang upuan namin ay hindi kami ang mauunang mag-introduce yourself. Well, in fact, we don't usually introduce ourselves to everyone because it's been three years that we've shared in one room. 
 
Special section eh.
 
Pero hindi kami special sa mga guro dahil espesyal lang kami dahil nabigyan kami ng pagkakataon na makapasok sa seksyon na ito kung saan may idinadagdag silang subject kada school year. We are called to be the special section since we are the top students of the batch. 
 
Pero wala naman na akong pakealam doon dahil kahit saan naman ako mapuntang skesyon ay ayos lang sa akin. 
 
And don't get me wrong, huh. I didn't get here just because of the influence of my parents, it's because I am a smart person. 
 
Medyo smart lang.
 
But, back to our topic, pamilyar talaga sa akin ang Shawn na ito! Saan nga bang lupalop ng mundo ko narinig ang kaniyang apelyido? Weird, but yeah, I am getting curious about him. 
 
Inaalala ko pero hindi ko alam at hindi ko talaga maalala.
 
Baka Fernandez 'yon, pero wala naman akong alam na Fernandez na apelyido. 
 
Hernandez talaga eh! 
 
At saka business man daw ang Daddy niya. 
 
Napaisip ako na businessman at woman din naman sila Mommy at Daddy. Wala namang nababanggit sila Mommy tungkol sa Hernandez na 'yan. Tinigil ko na lang ang pag-iisip tungkol sa Hernandez na 'yan dahil ako na na pala ang susunod na magpapa-kilala. Buti na lang at hindi na pupunta pa sa unahan para magpa-kilala. 
 
I looked in front where Shawn was standing earlier, but he wasn't there. 
 
"Wala na siya sa unahan. Nasa katabi na nila Charles." sabi ni Roxxane.
 
Magkaka kilala pala sila?
 
Tumayo na ako dahil ako na ang magpapakilala. 
 
"Good morning everyone! I'm Reign Maureen De Guzman. I'm 15 years of age. My parents are businessmen and woman. Nice to see you again, classmates." I introduced myself as quickly as I could because they already knew me except for the transferee. 
 
Natapos ang apat na subject namin nang puro pagpapakilala lang naman. As usual, ganiyan naman talaga. Hinihintay ko na lang ngayon si Kuya Peter dahil uuwi kami sa bahay para sa lunch. 
 
 
"Classmate kita, hindi ba?" I looked at the person who was now talking to me and to my surprise, I didn't answered him immediately. "May hinihintay ka pa?" he asked again. 
 
I gulped and stood straight and looked at his eyes, but there was something in him that I immediately diverted my gaze. 
 
"Ahh..." Tiningnan ko pa ulit siya pero umiwas din kaagad ako. 
 
Damn, Reign! Why can't you say it properly!? 
 
"Mayroon, si Kuya." medyo na uutal kong sagot sa kaniya.
 
 
"Ah--" he paused and looked at my eyes just like me. He diverted his gaze. "Sige, mauna na ako." 
 
 
May sasabihin pa naman sana ako dahil curious talaga ako sa apelyido niya pero umalis na siya kaagad. 
 
But how can I ask him if I was nervous too?! 
 
Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ko at tinignan ko na lang ang likod niyang naglalakad papalayo sa akin. Pakaalis niya ay sakto naman ang pagdating ni Kuya.
 
"Sino 'yon?" he asked me but I just rolled my eyes at him. 
 
Alam ko naman na ang nasa isip niya! 
 
"Umalis na lang bigla porque nandito na ako," dagdag niya pa. 
 
"Classmate ko lang. He is the transferee," I answered him. 
 
Tiningnan niya rin ang likod ni Shawn na papalayo na mula sa amin ni Kuya. And then he looked at me with those furrowed brows. 
 
"He looks familiar to me." he said, but he just shook his head. "Sige na. Sumakay ka na dahil baka pumayat ka pa riyan," pagsusungit naman niya sa akin bigla.
 
See? Ang galing ng Kuya ko, eh 'no? 
 
Magpapasakay na lang sa kaniyang motor pero manlalait na muna. 
 
Inirapan ko siya saka ako sumakay at baka mamaya ay paliparin niya ang motor. Ganoon siya kapag ang bagal kong gumalaw eh! 
 
Akala mo naman ay palaging may pupuntahan! 
 
Pakarating namin sa bahay ni Kuya ay pinindot namin ang doorbell sa labas ng bahay para marinig kami ng maid sa loob. After almost 15 seconds, the maid opened the gate for us. 
 
"Nasaan po si Mommy?" tanong ko roon sa maid na nagbukas. 
 
"Wala po. Umalis dahil may aasikasuhin daw po sila," sagot niya sa akin kaya napatango na lang ako. 
 
Kumain na kami saka nag-ayos na ng sarili para pumasok na ulit sa panghapon na klase. Sabay na lang ulit kami ni Kuya papasok sa eskwelahan dahil iyon naman ang bilin sa amin nila Mommy at Daddy. 
 
Back to normal na naman kami ngayon dahil paniguradong busy na naman palagi ang mga magulang namin. They are busy with our company and, to be honest, sometimes it sucks. 
 
It sucks being the daughter of a well-known family and a rich family. 
 
Minsan kasi ay nakakalimutan na kami nila Daddy at Mommy. But I can't complain about it because if not because of our company, we are nothing. 
 
Pakarating ko sa second floor ay hindi ko alam pero mukhang sinaniban iyong apat kong kaibigan. My brows furrowed when I looked at them. 
 
"Ayyieee! " sabay-sabay nilang sabi.
 
 Nasiraan na yata ang mga 'to ng bait? 
 
"Bakit na naman ba?" reklamo ko sa kanila dahil nanunukso ang mga tingin nila sa akin.
 
Did I do something wrong? 
 
"Painosente ka pa! Nakita namin kanina na nag-usap kayo ni Shawn," ani Roxxane.
 
 Tingnan mo ang mga 'to! 
 
Nag-usap lang naman kami ni Shawn sandali kanina tapos ginawa na naman nilang big deal! 
 
 
"Baliw kayo! Napadaan lang iyon kanina kung saan ko hinihintay si Kuya." I said to them, but they are still looking at me with those judgemental eyes.
 
"Eh! Nag-usap pa rin kayo!" kinikilig pang sambit ni Irish sa akin kaya napahinga ako nang malalim. 
 
May mga topak talaga ang kaibigan ko! 
 
"Ikaw, huh! Absent lang si Kyle pero may iba ka na kaagad." dagdag niya pa kaya inirapan ko siya. 
 
"Isusumbong ka namin kay Kyle!" mapaglarong pagbabanta sa akin ni Andrei kaya napataas ang aking kilay. 
 
"Eh 'di isumbong n'yo! Mga baliw!" I told them that made them laugh. 
 
"Para lang naman nagtanong kung may hinihintay pa ba ako. At saka duh!" I rolled my eyes at them while they were still grinning at me. "Wala kami ni Kyle para isumbong ninyo 'ko sa kanya," sambit ko sa kanila na inis kunwari. 
 
 Bigyan ba ng malisya 'yong simpleng bagay?! 
 
Mabuti na lang at wala pa si Shawn kanina noong pinag-uusapan namin siya. 
 
Kung hindi ay ewan ko na lang! Paniguradong tutuksuhin ako ng mga kaklase namin! 
 

An Exquisite LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant