Chapter 17

16 1 0
                                    

"Reign, pinapatawag daw kayong tatlo nila Kyle."

Napatingin ako kay Charles habang nakakunot ang aking noo.

"Bakit daw?" tanong ko sa kaniya habang nasa upuan ko pa rin pero nagkibit balikat lamang siya sa akin.

"Sino iyong isa?" takang tanong ko ulit.

Dahil sa pagkakaalam ko ay wala namang rason para ipatawag kami ni Kyle at kung sino man na isa pang pinapatawag. And also, what I know is that Kyle was in their meeting.

"Si Shawn," Royce answered me instead of Charles.

Lumabas na ako at naghihintay si Shawn sa akin sa labas ng classroom habang nakalagay ang mga kamay niya sa railings na bakal. Hindi na ako nag salita at sumunod na lang ako sa kanya.

Bakit naman kaya kaming tatlo pa? At saka sinong nagpapatawag?

"Si Mommy ang nagpapatawag sa ating tatlo," Shawn said as if he read what is on my mind.

Weird, ba't si Ma'am Hernandez pa sa lahat ng teachers na magpapatawag sa amin?

"Bakit naman daw?"

"Hindi ko alam. If I knew it then I can answer your question," masungit na tugon ni Shawn kaya nanahimik na lang ako.

Kahit kailan talaga ay ang sungit nito!

Hindi naman siya ganito kay Elisse ah. Ang bait nga niya roon at ang daldal kapag si Elisse ang kasama. Samantalang kapag sa akin ay halos ipagtabuyan ako. Hmp!

But hey, why his Mom will call for us? Wala naman akong atrasong ginawa ah.

Bakit nga ba? Tapos ba't kaming tatlo?

Pakarating naman namin sa room ng English Club Room ay naroon na si Kyle. And the usual Kyle who has nothing facial expression to show to us. His arms were also inside his pocket. Seryoso lang siyang kausap ng Mommy ni Shawn at nang makalapit kaming dalawa ay napatingin siya sa aming dalawa.

I was surprised when he smiled at me but then his facial expression went back to the usual again. Nakakainis lang dahil hindi naman siya ganiyan dati ah?!

Nakakahawa ba talaga ang pagiging suplado?! Nakukuha niya na ang ugali ni Shawn.

Grr!

"Good morning Ma'am!" bati naman namin sa kanya ni Shawn.

In comparison, Shawn greeted her Mom as if he was bored meeting his own mother. Ngunit syempre ako ay ngumiti nang todo dahil baka kung ano pa ang masabi niya. Ma'am Fernandez zmiled back at me and when our eyes met, I eventually felt nervous.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon sa harap niya lalo na ngayon at kasama pa si Shawn. Well, I had a crush on her son. Sheez!

"Since I saw your first performance in our group activity, I knew that the three of you that you have the potential to sing." she shortly uttered.

Nakaramdam tuloy ako nang kaba dahil sa sinabi niya. Huwag niya sabihing kakanta kaming tatlo sa harap ng madaming tao?

I have never done singing in front of many people for pete's sake!

Pero baka hindi naman ako kasama sa dalawang ito, hindi ba? Baka iba naman ang rason kung bakit niya ako pinatawag. Baka may ipapadala lang siya sa akin sa classroom.

"I know that you three are aware of the incoming foundation party after the first quarter. And since I saw that you are capable of singing, I'll assigned you to sing in the said event. Are you okay with that?" mahaba niyang litanya kaya nanlumo ako.

An Exquisite LoveWhere stories live. Discover now