Chapter 20

6 1 0
                                    

"Hindi namin alam anak. Nang makauwi kami rito ay wala na siya at dali-daling nagpaalam na raw kay Manang." sagot sa akin ni Daddy kaya napaisip ako.

Sino naman kaya ang mag-aaksaya ng oras para sa akin? Isa pa, sino naman ang kakarga sa akin papunta rito sa bahay hindi ba? Baka iyong guard lang naman.

"Tini-trace na namin kung sino ang nagtangkang kumuha sa 'yo ngunit wala kaming nakuhang impormasyon tungkol sa kanila. We also asked for the CCTV footage of your school, but the CCTV was not functioning the moment they tried to get you." mahabang litanya ni Daddy.

Napaka-timing naman pala ng may balak sa aking kumuha.

"Buti na lang Reign mataba ka at 'di ka  kaagad nila nakayanang buhatin," biglang sambit ni Kuya kaya naman ay inirapan ko siya.

Natawa pa siya, eh iyong maganda niyang kapatid ay maki-kidnap. Nakakainis talaga siya kahit kailan!

"Isipin mo, Reign, kung hindi ka mataba ay nasa kamay ka na nila ngayon. Maybe you are already a crying baby with them," he added.

Mommy hit him on his head, sumimangot naman siya sa akin. Binelatan ko na lang siya dahil doon. Buti nga  sa kaniya!

"Eh paano po ako nakarating dito, Mommy?" tanong ko pa ulit.

Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko alam kung paanong nakarating ako rito sa bahay. Kuya is right, good thing that I'm fat because the kidnappers wasn't able to get me immediately.

Pero ang tanong ay sino namang makisig na lalaki ang naghatid sa akin dito?

"Ang sabi ni Manag Salve ay may naghatid daw sa 'yong lalaki. Iyan kasing si Peter ay wala rito sa bahay dahil nagba-basketball na naman," Mommy answered my questioned but I still can't digest the things I've heard from them.

"Hindi po ba siya nagpakilala?" tanong ko na naman.

Sino naman ba siya?

Imposible namang 'yong dalawa na huli kong nakasama dahil una, si Shawn ay naunang umalis kaya paniguradong wala na siya roon sa campus nang matapos kaming mag-usap saglit ni Kyle. And if it was Kyle, it was clearly impossible that it was him because he can't carry me.

Ang bigat ko kaya para kargahin ng dalawang iyon!

"Hindi niya sinabi kay Manang eh, nagmamadali raw kasi siya." sagot ni Daddy sa akin kaya napatango na lang ako.

"Tara na at kumain na tayo," Mommy said. "Alast otso na at paniguradong gutom ka na," dagdag pa nito kaya napanguso ako.

Kaya ayon nga ang nangyari, sabay-sabay kaming bumaba sa kusina upang makakain kami ng dinner. Nang makababa kami ay abalang-abala si Manag sa paghahanda ng pagkain para sa amin.

She looked at me with her worried eyes
I smiled at her, so that she won't worry too much about me. Nandito naman na ako sa bahay at nakauwi ako nang ligtas kaya wala na siyang dapat ipangamba.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Reign?" Manag Salve gently asked me.

"Yes po, Manang." I answered and smiled at her. "Manang, hindi mo lang po ba nakilala kung sino iyong naghatid sa akin dito sa bahay?" I asked her because it keeps on bothering me.

"Hindi, Reign eh. Nagmamadali kasi siya pero matikas ang kaniyang katawan. Diniretso ka pa nga niyang dalhin doon mismo sa kama mo." she explained.

"Hindi po ba isa sa mga nadala ko ng kaklase rito sa bahay?"

Umiling naman si Manang kaya tinanguan ko na lang siya.

"Pero alam kong mabuting tao iyon. Base rin kasi sa kaniyang mukha niya kanina ay alalang-alala sa iyo. Siguro ay malapit na tao sa 'yo ngunit hindi ko lang natandaan kanina dahil ikaw ang mas inaalala ko." sambit niya pa kaya naman ay nawalan ako ng pag-asa na makilala kung sino iyon.

An Exquisite LoveWhere stories live. Discover now