Chapter 21

4 1 0
                                    


"Mag-ingat ka rin kasi."

Napalingon ako sa taong nagsabi no'n at laking gulat ko nang nakangiti pa siya sa akin. Hindi tuloy ako kaagad nakapagsalita dahil hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano.

"Ahh... Yeah, sorry." I said and smiled back at him.

Hindi ko naman na siya crush pero ang kaniyang epekto ay labis pa rin sa buo kong sistema. Bihira lang siyang makipag-usap sa akin pero palagi niya akong pinapakilig!

I can feel my face heated up because of what he said. I smiled back at him but it immediately fade away when Andrei suddenly stood up from his chair. Nanahimik tuloy ang mga tao sa loob ng classroom.

Bigla tuloy akong kinutuban nang masama dahil sa ginawang 'yon ni Andrei.  Nang bumalik siya sa classroom ay hindi man lang noya kami kinibuan nila Princess. Nagtinginan na lang kaming tatlo at saka pinanood si Andrei na tahimik lang sa kaniyang upuan.

"Nagseselos iyan panigurado," sambit ni Roxxane kaya napatungo ako.

Sino ba naman ang hindi magseselos?

Ex niya si Kyle ngunit alam naming tatlo na may gusto pa rin siya rito.

Nang matapos ang aming discussion sa susunod na asignatura ay nagulat ako nang pumunta si Kyle sa harap ko. He was smiling at me as if we were a closed friends.

"Tara sa canteen?" tanong niya kaya napatingin ako kay Andrei.

Sakto namang nakatingin din siya sa aming dalawa ni Kyle ngunit umiwas din siya kaagad ng tingin.

"Ililibre kita, pambawi man lang sa kahapon na iniwan kaagad kita," he added that made me uncomfortable.

Nagsilabasan naman na ang mga malisyoso naming kaklase. Ang nanditong natitira na lang ay ang mga kaibigan ko at sila Shawn.

Kung nandito lang ang mga kaklase namin ay paniguradong pinagkaguluhan na kaming dalawa.

"Ahh- h'wag na." I said and shyly smiled. "Sabay kami nila Princess," I told him and looked at my friends.

Nang tumingin ako sa kanila, imbes na hindi sila pumayag sa alok ni Kyle ay nambubuyo pa ang tingin nila sa aming dalawa. I rolled my eyes and got uncomfortable when I noticed the sadness in Andrei's fake smile.

" Let's go?" anyaya sa akin kaya tumingin ulit ako sa direksyon nila Princess ngunit tumango naman sila. Napatingin din sa kanila si Kyle, "Tara? Payag naman ang mga kaibigan mo," he added and smiled at me.

He even offered his hand for me.

"Sige na, Reign. Kaya naman naming kumain nang wala ka," mapanglarong sambit ni Roxxane kaya napairap ako.

"Yeah, we're going now, Reign. Enjoy you two," Andrei said and gave us faked smile.

Tumayo kaagad si Andrei at sumunod naman sila Irish sa kaniya. Sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lang akong kinutuban. Nako naman!

Bakit ba kasi ngayon pa 'to umakto nang ganito si Kyle?!

Napailing na lang ako dahil doon. Maybe I need to talk to Andrei after this. Wala naman akong intensyon na agawin si Kyle sa kaniya. We both know that I don't have any crush anymore to Kyle.

Dahil nga si Shawn na iyon.

Napatingin ako sa direksyon nila Shawn at tiningnan ang kaniyang reaksyon. But of course, it was Shawn, he has a poker face right now.

Shawn shook his head and looked so disappointed. Hindi ko alam kung nagseselos ba siya sa amin ni Kyle ngunit alam ko namang imposible iyon dahil si Elisse ang gusto niya.

An Exquisite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon