PT. 12

99 44 0
                                    

Elaine's POV

"Be careful again." That's what he said to me right after he saved me earlier. Ni hindi man lang niya ako magawang tingnan. He was alone, we are alone. Pero bakit ganun, totohanan na ba ang iwasan namin? Ang paglimot namin sa isa't-isa? I don't know why in his single touch and gestures, nakakaramdam ako ng kakaiba. It was like I'm longing for it, I miss it. Naiinis ako sa situwasyon namin. I know this is insan'ty but, can't we just forget about our mistake and start again? Kase kung magtatagal kami na ganito, feeling ko matutuliro itong utak ko sa kaka-overthink sa kanya.

"H-Hanz!" Tawag ko sa kanya nang tinalikuran na niya ako. Hindi man lang siya nag-abalang lingunin ako. Sa ganoong simple na bagay, may something na kumikirot sa ilalim ng dibdib ko. Naninikip. Paunti-unti akong kinapos ng hininga.

"What? Do you need something?" Sa pagtatanng niya, nahihimigan ko yung kakaibang lamig. I know he was cold, but his coldness while speaking to me now is real different compare to the cold Hanz I used to talk with. Bakit ganun, we're just apart for weeks and he's already like this.

"I-I..." Nauutal pa ako, at magmamakaawa sanang magsimula muli. Pero na realize ko, ang baba ko na pag ginawa ko 'yun. I wasn't born to beg, especially when it tackles men. Siya na rin mismo ang nagsabi sakin. Dapat ang babae ay hindi gumagawa ng hakbang para mapansin ng lalake. And this is what I do now.

Tiyaka naman siya lumingon sa gawi ko, he found my eyes and just like that... Napayuko ako kaaagad. Ano ba itong ginagawa ko? Well... I don't know! Hindi ko rin alam! Sadyang kumilos nalang ang katawan ko nang walang pasabi, at isa pa... Para akong binudburan ng hiya kaya ganito ang ending ko.

"May sasabihin ka?" Aniya, I even saw how his face appears expressionless. Hindi naman siya ganito dati, he always treat me like a sister, a princess. Kahit suplada ako ay pinakisamahan niya pa rin ako. Sa iisang pagkakamali namin, unti-unti ring nawala ang samahan na mayroon kami dati.

They say, dapat kinakalimutan ang nakaraan at mag focus sa kasalukoyan. I know myself better, and I'm trying to focus in the current, pero hinahatak pa rin ako sa nakaraan. Kung saan masaya kami, nag-aasaran, walang problema, at walang pakealam sa ibang tao, kami lang.

Nanlulumo ako sa tuwing naiisip ko 'yun. Kaya kahit masakit, pipilitin kong muli na magpatuloy. I couldn't let myself beg to him. Hindi bale na kung masaktan ako, magseselos... Dignidad at pride nalang ang meron ako ngayon.

"Wala, never mind..." And just like that, we separate ways. Nilingon kong muli ang unggoy, siya naman ay umalis na. Sinundo siya ni Skye. Sa nakikita ko, sumasakit ang mata ko sa kanila. Kung hindi ako iiwas ay baka masipa ko ang babaeng 'yun kasama si Hanz sa landas ko. Tiyaka naman dumating sila Eli at Honey.

"Ito na ang order mo ma'am." She mocked at me with sarcasms, na sinuklian ko lang ng ngiti.

"Salamat!" Sabi ko at tinungga ang tubig. Binubuhos ang nangangalaiting kaloob-looban ko sa ngayong pangyayari.

The rest of our time in Zoo ay masaya, nagawa kong kalimutan ang engkuwntro ko kay Hanz. Eli ang Honey helped me to freshen up and enjoy the moment. Hanggang sa nagpunta kami sa last destination namin, which is the temple. Tahimik ang lugar at napakaaliwalas. Malinis at tila ba hinihintay kami na dumating. It's like, nasa joseon ako o hindi nasa japan or sa china. Ang patulis na nila at ang paraan ng pagdesenyo ng templo ay tunay na nakakahalina. I couldn't help but amaze the structure. Ito rin ang una kong punta dito. Sa tinagal-tagal ko dito sa pinas, ngayon lang talaga ako nakabisita sa templo na kagaya nito.

"Elijah, picturan mo kami ni Elaine please?" Nag please nga si Honey pero pinagdudul-dulan naman kay Elijah ang camera kahit pa na hindi pa ito pumayag. And you know what's worst? Hinatak-hatak pa talaga ako. Okay, ako na ang kawawang kuting na inalipusta ng sarili niyang amo. Shempre, joke lang 'yun. Honey is a friend, and I'm treating her one.

SINFUL AFFINITY (completed)Where stories live. Discover now