PT. 29

68 26 0
                                    

"Good day, sir. Do you need anything like foods, drinks or blankets for the cold?" the stewardess who approached Hanz asked.

Pasimpleng nagnakaw ng tingin si Hanz kay Elaine. Masaya pa rin itong nakikipag-usap sa lalake. Kaya imbes na mag selos siya, he chose to...

"Gawan mo nalang ako ng pineapple juice for that woman over there. Samahan mo na rin ng chocoloate oreos at please huwag mong sabihin na galing sa'kin. I can take the bill as well." Iniisip niya na baka nagugutom na ito. Alas tres na ng hapon at nakagawian ni Elaine na mag snacks tuwing hapon. She likes sweets lalo na sa chocolates and mostly, pineapple as a partner of her snacks.

"Oh... Okay sir. Will keep that in mind. Is that everything you will need? How about for your own sir?" Mabuti nalang at hindi pa nagtanong ang stewardess patungkol sa unang order niya.

"Red wine will do."

"Will serve it in a few minutes, sir. Have great time." At umalis na nga ito.

He's in his laptop while wearing a black face masks with a headsit plugged in on his ear. It was to avoid hearing something from the two. Ayaw niya munang paandarin ang pagka seloso niya. Ang dapat niyang isipin sa ngayon ay kung papaano niya gagawin ang pina-plano niyang pagpapatibok sa babaeng gusto siyang itulak palayo.

Kaya naman, he's busy searching for a possible way in the internet.

"How to court a stubborn girl?" ito ang laman ng search box niya. Nagbabasa siya at halos lahat ng nababasa niya ay puro weirdo. Napapangiwi siya minsan dahil sa ka cheesyhan. Pero minsan din naman ay tahimik siyang napapatawa.

Well, he just found it ridiculous! He's inexperienced so no one could blame him, ito pa lang ang unang beses na gagawin niya.

Pero ang tanong, papaano niya 'yun gagawin kung lahat ng 'yun ay puro nangangailangan ng physical approached? Can he still court her without showing himself to her?

"Hi sir, here is your red wine." Dumating na ang wine niya kaya't tinanggal niya muna ang headphones para kausapin ang stewardess.

"How did it go?"

The stewardess smiled at him as if she was thrilled. "She did not suspect anything, sir. It was safe."

Napatango-tango siya. "That's good. Did she eat it?"

"Yes, she seems excited too." Sabi na nga. It made him smile at pagkatapos ay napatingin sa hindi kalayuang upoan ng dalaga. The stewardess is right. She's eating it.

"Thanks for your service."

"No worries, it's my job to serve you Sir. Have a nice trip!"

Sa kabilang banda...

"Excuse me, madam and sir. Here's a free snack treat bundle from our airlines specialized for our lady passengers. I hope it will suit to your likings!" Busy sa paguusap si Elaine at ang estranghero nang biglang sumulpot ang stewardess at binigyan sila ng nasabing snacks.

Nag ning-ning ang mga mata ni Elaine nang makitang isa iyong oreo at pineapple juice. "Ang galing naman!" she praised nang makaalis na ang stewardess.

"You look happy. Gusto mo ang ganitong snacks?"

Kumuha ng isang oreo si Elaine sa isang plato ng biscuits at walang sabi-sabing nilantakan iyon. "Oo, at alam mo ba... gusto rin ito ng kaibigan ko. Noon, ayaw niya sa mga ganitong pagkain na matatamis, pero dahil sa'kin nahawa na rin ata siya? Ngunit hindi kagaya ko na batak talaga sa ganitong pagkain. Kinakain niya mga apat lang tiyaka rin ang tagabili. Kaya nang makita ko 'to siya kaagad pumapasok sa isip ko."

SINFUL AFFINITY (completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz