PT. 14

83 37 0
                                    

Elaine is happy to know that he felt the same way as she does. Nakakabaliw yung mga panahon na hindi sila nagpa-pansinan, and they both know why. It was not about the issue anymore. May girlfriend na ang kaibigan niya, and she felt like avoiding the two. Hindi niya matukoy, pero yun talaga ang sinasabi ng isipan niya. Ang lumayo kay Hanz. 

"Hindi ka galit?" Kasalukoyan pa rin silang nasa kuwarto niya, si Elaine ay kaharap ang pagkain. Habang si Hanz ay nakatayo sa kanyang gilid. 

"No, but I'm kind of blaming myself for what happened to you..." Wika nito, isang multong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. She knows to herself that she's trying to hide it. Pero ang hirap pigilan, lalo na't nagsimulang uminit ang mga pisngi niya. "I should've be the one to ask you that..." Dala ng tensyon sa hindi malaman na kadahilanan, napadila si Hanz sa kanyang labi pagkatapos ay kinagat ito. While staring at the back of her head, he asked. "Galit ka pa ba?" 

"Hindi na..." Sambit ni Elaine sa mahinang boses. "I'm sorry kung hinusgahan kita at pinagsabihan ng mga masasama. I know hindi ka kailanman nagsisinungaling sa'kin at sa iba. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko, ng takot ko. I was so scared because we shouldn't done that. Pero naiintindihan ko na, you do not want me to suffer kaya yun nangyari sa'tin."

Pinagsiklop niya ang mga kamay at sekretong pinisil-pisil iyon, nahihiya siya, lalo na't nagbabalik tanaw sila sa nakaraan na may maling ganap. "Ako yung rason kung bakit ka napilitan na gawin sa'kin 'yun. I seduced you, I-I took the first move and burn you with l-lust..." She's stammering, at napayuko sa hiya. Binudburan pa siya ng mga alaalang 'yun. Mas lalong nagaalab ang pakiramdam niya. Para maiwasan na mapansin ng kaibigan ay, nagpatuloy siya sa pagsasalita. 

Mainam siyang humugot ng napakalalim na hininga, niluluwagan ang sumisikip niyang dibdib dahil sa mala-tambol na pagtibok nito. "You've been thoughtful, sincere and caring to me since we're childhood, kaya pasensya na talaga sa mga pasakit na dinulot ko sayo, you had been in the toughest dahil sa'kin, and so late did I realized that. Huli na ako..." She then turn to meet his lazy chinky eyes. Inipon niya talaga ang natitirang kakapalan para harapin ito. Bahala na si Batman. Ika nga. Parang may nawalang tinik na nakatusok sa kailaliman ng parte na nag-aasam sa  "Kaya ako dapat ang humingi sa'yo ng tawad." But then she remembers Skye at ang mga harutan ng dalawa na nasaksihan niya. Naningkit ang mga mata niya. Nagulat naman si Hanz, Confused with her sudden change of reaction.

"Pero hindi ako magso-sorry sa mga inakto ko kahapon." Hanz lips pursed into an amusing grin. Inarkohan lang naman siya ng kilay ni Elaine at malditang tinititigan. Gamit ang hintuturo ay kinamot niya ang gilid ng kanyang labi, sabay iwas ng tingin. His face began to burn, because this picture he was seeking the past weeks. Oo, inaasam niya na makitang muli ang mga emosyon na kadalasan niyang nakikita kay Elaine dati, lalo na't siya anag dahilan. 

Hindi niya matukoy kung bakit sa tuwing sila ang magkasama ay tunay siyang masaya, walang limitasyon at walang humpay na kaligayahan pag ito ang kasangga sa kalokohan. Lalo na't sa mga problema, pero yung huling problema sila nagka-laboan. Nanggaling na mismo sa kanilang dalawa, kaya hirap din silang resulbahin. 

"You haven't change, you're still silly." Aniya at dinala ang kamay sa buhok nito at hinaplos. He missed her, everything about her. 

Napapitlag si Elaine, nanigas ang kanyang katawan, at parang abo na pinalis ng hangin ang iritadong mukha. Pero agad naman siyang naka-recover. "Kasalanan mo din 'yun, hindi lang tayo nagkaka-pansinan ng ilang linggo, nag girlfriend ka na." Napasimangot siya, dahil naalala pa niya dati na sinabi nitong, siya ang unang makakaalam kapag plano na nitong makipag-relasyon. 

That shuts him up, wala naman talaga sa plano ni Hanz ang makipag-relasyon. It was just so sudden. "Kumain ka na, para makapag-pahinga ka ulit." Sabi nalang ng binatilyo sa kanya nakibit-balikat lang niya ang iginante. Pagkatapos ay, nagpatuloy sa pagkain. 

SINFUL AFFINITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon