PT. 17

78 38 0
                                    

Habang kumakain ay pasekreto na nagta-tapunan ng matatalim na tingin ang dalawa. Sa pamamagitan ng pagtarak ni Elaine sa pagkain niya ang tinedor ay ipinapakita niya ang matinding pagkakainis. Habang si Hanz ay panay kibit-balikat lang. Minsan ay kinikindatan at kinukulelat si Elaine.

"Sandali nga lang, kayong dalawa." Sita ng ina nang mapansin ang patago nilang asaran. 

"Po, tita?" 

Nanliit ang mata ng ginang at pinagtuonan ng tingin ang anak na mukhang wala namang pakealam. "Elaine, may problema ka ba kay Hanz?" Diretsyahan na tanong nito. 

Nagkibit-balikat naman si Elaine, kasabay nun ang pagtaas-baba ng kilay. "Siya naman may sala, my! Inaasar niya ako!" Pagkatapos ay nag snob sa binatilyo. Si Hanz na masyadong naaliw sa mukha ni Elaine ay ngumisi lang. 

Naiiling nalang ang nakasama nila sa tanghalian, pagkatapos ay hinayaan na silang dalawa sa kanilang problema. 

Nang mag gabi ay, tiyaka lang nag swimming si Elaine sa napakalaki at napakalapad na infinity pool. There were dazzling lights that surrounds the place, there are also glass corners, decorative trees near by the benches, and also recliner. Habang unti-unting nilulubog ang sarili sa tubig, ay napaungol siya sa sarap na pakiramdam na Ang tubig mismo ang may dala.

Dahil walang masyadong guests, confident niyang ibinalandra ang katawan at tanging dalawang saplot lang ang suot. Kampante na mag isa sa isang parte ng pool at ninanamnam ang pinaghalong init at lamig na yakap sa kanya ng tubig.

"Bakit ka umalis ng kuwarto mo, nang wala kang kasama?" Isang nangangalit na boses ang lumitaw sa kanyang tenga na hindi niya rin naman pinagtuonan ng pansin at nanatiling nakapikit at nakahilig sa haligi ng pool.

"Are you still going to pretend to not hear me, Elaine?" Mas lalong naging arogante na ma-awtoridad ang boses nito.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Sa mahinahon na boses, sinagot niya ito. Eyes still closed.

Napabuntong ng malalim na hininga si Hanz, kasabay ng pag suklay ng sarili nitong buhok na may halong inis. Mabilis na hinubad niya ang pang itaas at walang pasabi na tumalon sa tubig. Sa ginawang 'yun ay napamulay si Elaine sa inis dahil natalsikan lang naman ng tubig ang mukha niya. Napapasinghap.

"Ano ka ba?! Nananadya ka ba?!" Iritadong sigaw niya. At dahil nasa ilalim si Hanz at hindi niya kita, hindi nito naririnig ang pagdedeleryo niya.

"Hayyss!!" Napa-padyak padyak siya ng makailang beses at aahon na sana nang... "Ahhhh!!!" Malakas siyang napasigaw nang may humuli sa binti niya. "Tulong! Get off of me! Shukoy!" Kasabay nun ang paglitaw ng mukha ng shukoy sa kanyang isip. Mas lalo siyang nagsisigaw at naggagalaw-galaw.

Si Hanz naman ay bugbog sarado na sa ilalim ay napaahon at niyakap ang dalaga mula sa likuran. Tatakotin lang naman sana niya ito. Pero, hindi ata naaayon sa gusto niya ang nangyari. He groans as she elbow strike him in the stomach. Medyo lumuwang ang pagkakahawak niya, pero hindi siya bumitaw.

"Hey, it's me! Relax!" Aniya, sa medyo kalakasan na boses.

Napakalakas ng tibok ng puso ni Elaine, tila nakiki-marathon siya magdamag. Ang dibdib niya ay walang humpay sa pag taas baba. Sa gulat at biglaang paghupa ay tila nanghina siya at napahilig na ng husto sa binata na nasa likod niya.

"Calm down, okay? Ako lang 'to." Makailang ulit na tumango-tango siya, habang pinapahupa ang kaba na dumagan sa kanya.

Nasa ganoon situwasyon pa rin sila, sa gilid ng pool, habang si Hanz ay yakap siya sa likod. Hindi naaalala na tanging panty at bra lang ang suot. Not until, "May saltik ba diyan sa utak mo ha? Bakit ka ba nanggugulat?!" Sabay tulak niya palayo. "Alam mo bang halos himatayin na ako sa sobrang gulat?! Hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ko?! Buwesit ka talaga eh no?!" Kung iimaginin, ang ilong niya ay bumubulusok na sa inis at galit. Kulang nalang ata sumabog. 

SINFUL AFFINITY (completed)Where stories live. Discover now