PT. 38

81 22 0
                                    

A very important part of the story, the most thrilling part and a must to read!

-Miss A.

A WEEK BEFORE THE ANNUAL ENGAGEMENT OF HONEY LEAH VELASQUEZ

Seryosong nakatuon ang buong atensyon ni Hanz sa ekslusibong laptop niya. Ito ang ginagamit niya sa tuwing nasa ekslusibong trabaho niya siya. Wearing his favorite reading glasses at may kasamang pineapple juice sa mesa ay pinag-aaralan niya ang tungkol sa family background ng mga Velasquez na kaugnay ang magiging bagong myembro ng pamilya nito which is ang taong pakakasalan ng nag iisang babae na tagapagmana ng mga ito.

Nang medyo napapalalim ang iniisip niya ay ipinahinga niya muna ang likuran sa back rest ng swivel at sumimsim sa inumin na kanina pa nakahanda para sa kanya. Habang umiinom, his eyes were still intact to his monitor and continue to brainstorm.

It was stated that the Chen was the one who proposed the deal, at ang mabilisan na pagpayag ng pamilyang Velasquez ay nakakapanghinala. Kaya naman, he used his skills to get back at that day kung kailan ito nagkikita-kita at nag uusap-usap patungkol sa biglaang proposal.

Ang bawat documento, at footages sa bawat establisyemento o kompanya ay pinoprotektahan ng bawat eksperto para hindi agarang mapasok ng mga hacker na kagaya niya. Pero kahit na gaano man kagaling ang mga ito, Hanz's skills were capable of shutting them all and intrude the certain sites that he wanted to enter just to encrypt those datas and copies he wanted to acquire.

Isang oras... Isang oras ang iginugol niya para lang matunton ang araw na 'yun. Ngunit nang mahanap na niya, he had the video only. It has no audio. Kaya naman kinontact niya si Rahn, kasamahan niya na eksperto sa pag basa at allocate ng maari nitong pinag uusapan.

Rahn has the ability to predict the things being discussed, just by looking at the mouth's motion. When Rahn agreed to his requests. He forwarded the copy of the video to Rahn at nilinisan ang mga bakas na dinaanan niya kanina para makapagnakaw ng mga impormasyon.

At habang naghihintay sa resulta, nagliwaliw si Hanz sa pamamagitan ng pagpasok sa Chen INC at kinopya lahat ng detalye patungkol sa nasabing negosyo. From bottom to middle, wala siyang pinalampas at inalam ang mga iyon. Ngunit sa isang research copy na nakuha niya, na mention ang apelyedong Velasquez.

Nakapalagay roon na nagkautang ang pamilyang Velasquez sa mga Chen noong pabagsak na ang kompanya nito sa industriya. Ang balitang iyon ay sekreto at walang ibang nakakaalam maliban sa taong may hawak ng shares at kasosyo ng mga ito.

Dahil nagkaka interesado ang In Law nito na si Mr Qi, nakahiram ng bilyones na pera ang mga Velasquez at yun ang ginamit para takpan ang butas na pinagmulan ng problema. After half a year, muling lumago at nagbalik ang lakas ng mismong kompanya.

Napasipol si Hanz dahil sa pagkabitin. Kung nasolusyonan naman ang naging problema... anong rason at kung bakit nasali si Honey sa kasundoan?

"This is really a headache." Aniya sa sarili at nilubayan na muna ang monitor at tumayo mula sa pagkakaupo. No'n lang niya napansin na buong maghapon na pala siyang nakakulong sa library. Nililibot niya ang paningin sa kabuoan ng library at hindi inaasahan na makita niyang muli ang mga ganap noon sa mismong silid.

"Oi? Bakit ka nandito?" it was him who asked her, mukha itong naaliw at nilipad ng mismong isipan habang nakapahinga ang mga titig nito sa kanya. Nasa hamba pa ito ng pintuan. Nakahilig. His lips curved to a playful smirked while observing her for a few seconds. Sa paningin niya, napaka kyut nito ngunit childish. But even though she's childish, ito ang paborito niya na katangian nito. They quarrel and spent a lot of time because of that attitude.

Tumikhim siya, "Elaine, may kailangan ka ba?" At sa tanong niyang 'yun ito napapitlag na para bang tinalunan ng butiki mula sa ceiling, at dahil takot ay pinigilan ang paghinga ng ilang segundo at piniling hindi gumalaw. Dahil kapag gagalaw ito ay mas tatakotin lang siya ng husto.

SINFUL AFFINITY (completed)Where stories live. Discover now