Chapter 19: Face to Face

Start from the beginning
                                    

Did I say something wrong? I want to comfort her pero hindi pwede. Talagang pinipigilan ko ang sarili ko na lumapit sa kanya.


"And yes. Bakit naman kita kakampihan Penelope? You're my enemy. While Autumn here is my beloved friend." I answered her question. Naalala ko bigla ang sinabi nya.


Hindi ba't ito ang gusto nya? We're back again from the start. We're enemies and we should keep it that way. Nothing more, nothing less.


Nangungusap ang kanyang mata. Penelope's mentally communicating with me. She's looking at me with a pleading eyes na para bang nagsasabi na kampihan ko sya. But I can't. I quickly averted my gaze.


Pero bago pa man ako nakapag-iwas ng tingin, hindi nakaligtas sa akin ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. She's on the verge of crying.


I'm soft-hearted pa naman pagdating sa kanya. Pero, I want to ask her why. Bakit ganito na lang ang reaksyon nya? I want answers from her.


"Did you hear that bitch? Bakit ka ba kase nangingielam sa amin ni Keziah?" Mataray na turan ni Autumn at kumapit nang mahigpit sa aking braso.


"Dahil PDA na kayong dalawa!!" Malakas na sigaw ni Penelope. Her voice is cracking up now. There's something off with her. She's still brave pa rin naman pero... parang anytime ay pwede na syang bumagsak.


"What are you saying? Hindi to PDA." I uttered. Tama naman ako diba? Isa rin to sa ginagawa ng magkaibigan.


"O baka kase, naiinggit ka lang sa akin. You know, I can freely flirt with Keziah and you can't do that." Sabat ni Autumn. She let go of me at nagsimulang maglakad papunta kay Penelope.


Nanatiling tahimik ang buong cafeteria. Nakatutok kaming lahat sa mangyayari. Dylan's just looking boredly. Parang hindi man lang sya nag-aalala sa kapatid nya.


"Tama ako diba? Naiinggit ka." There's a smirk on her face. She gently tapped the latter's shoulder.


Napapikit ako nang mariin. I shouldn't expect things. Masasaktan lang ako sa sagot nya.


"That's ridiculous." Penelope said and let out a laugh. "Bakit naman ako maiingit sayo? Masyado kang feelingera bitch."


"You're right. Hindi ka nga naiingit. Nagseselos ka." In just a blink of eye, nakita ko na kang na hawak-hawak na ni Penelope ang buhok ni Autumn. She's gripping it really hard.


"Fuck you bitch! Ang ganda-ganda ng hair ko." Autumn said at bumawi rin. Sinimulan nilang sabunutan ang isa't isa. Wala ni isa man ang gustong magpatalo.


"Stop it guys." I tried my best para mapaghiwalay sila but to my dismay, hindi ko kinaya. Bumabalik pa rin sila at patuloy na nakikipagsabunutan sa isa't isa.


The crowd goes wild. Eto talaga ang gusto nila. Ang makapanood ng live fight. Hindi na ako magkandaugaga kung anong gagawin ko.


"What is the meaning of this?" We froze in our spot when we all heard that. Fuck. We're doomed. Naloko na.


Dahan-dahang nagbaling ako ng tingin sa nagsalita. Agad na sumalubong sa akin ang mga miyembro ng Student Council na pinapangunahan ni Paris, the President.


"Everyone, mind your own business!" Maawtoridad na saad ni Paris. The crowd quickly shutted off their mouth and mind their own business. Yung iba ay umalis na rin agad.


I gulped. Damn. I really admire her authority. Talagang napapasunod nya ang mga students na naririto. No wonder, sya palagi ang nananalong President ng SC.


Sexy DevilWhere stories live. Discover now