44

7.4K 160 45
                                    


"'Yong pinapakuluan ko.. "

Tinaggal niya ang mga nakalapat na mga kamay niya mula sa counter. He smiled in a frail manner and kissed me the tip of my nose again. Huminga ako nang malalim at piniga ang tshirt niyang hawak ko.

Tinalikuran niya ako't pumunta sa may kalan. Pinanood ko lang siyang magkunwari roon na magluto.. I want to hear it from him.

I need to hear him say it to my face.

"Loki.. "

"Gusto mo ba ng fried chicken or grilled?" he was avoiding my questions. "Pareho ko nalang gaga—"

"Grilled," sabi ko. "Bakit ayaw mong pag-usapan?" 'di ko mapigilang magtanong.

Natigilan siya sa paghahalo ng niluluto niya't sinilip ako saglit, he was still smiling. Umiling siya, "Ayaw ko lang.. "

I sighed in defeat. Gusto kong malaman kung anong nangyare. Because the only question that stands today is..

Why?

For what?

Gusto ko siyang mahalin ako nang malaya.. At gusto ko rin siyang mahalin nang malaya..

"Alam kong nasaktan kita.. At kahit anong paliwanag ang gawin ko, 'di naman 'yon magbabago.. " he continued. "Hindi naman mabibigyan ng justification ng kagaguhan ko lahat ng sakit na pinagdaanan m—"

He was cut off when I hugged him from behind. I buried my face on his bare back, niyakap ko ang bewang niya na nagpatigil sa kaniya.

"Natin.. Sakit na napagdaanan natin," pagtatama ko sa kaniya. "Nasaktan din kita, 'di ba?"

Hindi pa rin siya gumagalaw. Nararamdaman ko ang bilis ng paghinga niya, ang mga balat kong tumatama sa kaniya'y napapaso sa init niya.

"Ako naman ang nagdala no'n sa sarili ko.. Kasalanan ko kung bakit mo ako nasa—"

"Kilala kita, Loki.. Sa lahat.. Dapat ako ang huling tumalikod sa 'yo," I stand corrected. Si Loki.. Palagi siyang naniniwala sa 'kin. Palagi siyang nagtitiwala sa mga gagawin at desisyon ko.

Pero ako.. No'ng mga panahong gusto niyang pakinggan ko siya, hindi ko man lang nagawa. When he said that he needed an ear to tell things on, I walked away. Umatras ako't iniwan siya sa dalampasigan.

Pinatay niya ang kalan at hinarap ako. "Nirerespeto ko kung anong naging desisyon mo.. It was the consequences of lying, dapat kong tanggapin iyon."

"Bakit ka nga nagsinungaling?" halos malasahan ko na ang pait ng bawat salita ko sa dulo ng aking dila. I swallowed the bitterness. "Bakit kinailangan mong magsinungaling?"

He smiled at me, "Either way it was already betrayal, Lila.. There was no way but to lie out.. "

"Then why? What was the reason?" sunod-sunod kong tanong. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa bewang niya hanggang sa tuluyan ko na 'yong binitawan nang tignan niya ako.

Inagaw niya ang shirt niya mula sa 'kin at sinuot 'yon. Hindi nabura ang ngiti sa mga labi niya. Hindi niya hinahayaang makita ko kung anong tinatago niya.

"P-Please tell me," halos 'di ko na makilala ang sarili kong boses. "Dahil.. Pagod at ayaw ko nang.. Humakbang palayo sa 'yo, Loki.. "

His chest was rising quickly, "Humakbang ka nalang nang humakbang, Lila.. Palayo nang palayo hanggang sa 'di na masakit.. Hanggang sa 'di mo naalala lahat ng nagawa ko.. Tumakbo ka nalang pala—"

"Loki.. " I pleaded. "P-Please.. "

"I lied when I said I lied," he murmured. "That's it. 'Yon na 'yon, Delilah.. " humakbang siya palapit sa 'kin. Sinakop niya ang pisnge ko't hinagod 'yon para pawiin ang mga panlalabo ng mga mata ko.

Burned by the Frail Waves (La Carlota #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon