29

5.1K 146 49
                                    


"Kinabahan ako sa pa-suspense ni Mrs. Castillo sa battery exams, ha!"

Taimtim kong iniligpit ang mga reviewers na meron sa lamesa ko. Tapos na ang mahabang pagdurusa, finally. We need to get our things from our classroom, hindi pa kasi sigurado kung parehong room pa rin ang gagamitin namin.

Plus, next week will be our Christmas break. Hindi pwedeng may mga kalat na maiiwan or itatapon na ng mga cleaners, 'tsaka may event sa susunod na weekend, ilo-lock ang ibang building kasi baka may mga kababalaghang mangyari.

"Sinabi mo pa! Akala ko hindi talaga ako papasa," Bonnie pouted. Tinignan ko sila at bahagyang ngumiti. Iilan nalang din naman ang tao sa room, nauna na sila Chin umuwi.

Kikitain nalang daw nila ako sa TGP.

"'Tsaka alam ko namang hindi 'yon totoo! Hindi ko nakita ang pangalan ni Angel! Naku, kung hindi na nga siya kasama paano pa ako?!" si Wendy. Umiling ako sa kanila at isinukbit na ang bag sa balikat.

"You can do things that I can't, hindi imposibleng pumasa kayo ng batt exam at ako hindi. Hindi naman ako ang pinaka matalinong tao sa mundo, 'wag niyong i-down ang mga sarili niyo," sabi ko bago tinapik ang mga likod nila't umalis.

Hindi naman talaga ako friendly, I don't have friends, review buddies ko lang noon sila Chin. Mabuti nalang at mabait sila para tanggapin ako sa mga buhay nila.

"Kumusta?! Pasado ba?!" masigasig na tanong ni Sanya.

"Paano mo alam na may exams?"

"Naku! No'ng absent ka maraming students sa school niyo na pumupunta rito para mag-review, isa pa may mga umiiyak na pumunta rito mga namukhaan kong nursing din ang kurso.. Narinig ko bumagsak ata.. "

Nanlambot ang mga balikat ko sa sinabi ni Sanya. Marami talagang hindi nakapasa sa exams. Alam ko namang kailangan ng competency sa nursing, o kahit sa anong kurso.. Pero ewan ko nakakalungkot lang na ang isang exam ang tatapos sa lahat ng pangarap mo sa buhay.

Madaling sabihing 'pag 'di ka pumasa ay hindi 'yon ang calling mo pero kasi 'di ba? Paano kung 'yon ang gusto mong calling pero dahil sa isang exam na mahirap naman talaga pumasa ay maputol ang lahat?

I can't believe pieces of paper can predict your future.

"Pasado naman, sa awa ng Diyos," I smiled weakly. "Si Ma'am Apple?"

"Nasa taas, may binabago kasing decoration doon," maikli niyang paliwanag. Tumango ako at pumwesto na.

Mabilis na dumilim nang magsimula ang shift ko. Hikab ako nang hikab dahilan kung bakit may mga mamuong luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi talaga ako pupunta roon sa event, kailangan kong magtipid at ang pagpunta roon ay hindi makakatulong.

'Tsaka gusto ko talagang magpahinga. Seryosong pahinga. I want to sleep for a week if that's even possible.

'Pag tapos no'n kailangan ko ulit asikasuhin ang scholarship ko para sa next sem, pati siguro rito sa Manila baka p'wede akong maghanap ng mga programs for assistance. Hindi ako pwedeng pa chill-chill lang.

"Good evening, welcome to the Good Place," kinusot ko ang mata ko't tumingin sa screen. "May I have your order, Sir?" nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Naka-hoodie lang na itim, cap, pati na face mask, magnanakaw ba 'to? Ngumuso ako. Siguro naman hindi.

"Ah.. One oreo frappe, caramel macchiato decaf, and two strawberry cheesecakes, the macchiato and the other strawberry cheesecakes are for takeout," mahina niyang sabi. Tumango nalang ako at pinindot ang order niya.

Burned by the Frail Waves (La Carlota #3)Where stories live. Discover now