43

6.6K 181 134
                                    


(Note: R-16. Feel free to skip.)

・ ⋆ ・ ⠄⠂⋆ ・ ⠄⠂⋆ ・ ⠄⠂⋆ ・ ⠄⠂⋆ ・

"Kaya ko 'to.. "

Mahigpit kong hinawakan ang mga papeles ko't pumasok sa exam center. Today.. Is the second day of my board examination. I breathed in and smiled around, halos lahat ay syempre kinakabahan.

"Ready ka na?" tanong ni Baron sa 'kin. Tumango ako, hindi sigurado.

"Sana.. " singhal ko bago ngumiti. Nginitian niya ako saglit at tumayo para magtapon ng balat ng candy at bumalik na kami sa pila.

Wala akong ibang ginawa kagabi kung hindi mag-aral ng mga syllabus na ibinigay sa 'kin nila Chin. Pati nga si Speed ay binigyan ako ng reviewers, 'di ko alam kung saan niya nakukuha ang mga samplex niya pero malalaking tulong.

Tinignan ko ang telepono ko para sa huling beses bago pumasok nang tuluyan sa loob ng room. I nibbled with my lips.

Emory Gallego

GOOD LUCK MAHAAAAAL!

China Alonzo

Good luck our RN! Punta akong TGP once matapos class ko mwaps

Eva Anderson

GO POKPOK!!!! GALINGAN MO, PARANG KUNG GAANO GINALINGAN WITH UR EX HAYUP KA.

I sighed and typed in my replies. Nanlalamig ang mga kamay at paa ko habang parang hinahalukay ang tiyan ko sa kaba. Ilang mensahe pa ang nakita ko na nagpa-doble ng tibok ng aking puso.

Percy

Let's go for that title, Angel! Sending you the luckiest good luck...All the way from New York. You will do great, ace it! J

Ilang beses akong pumikit at hindi nawala ang notification mula sa parehong plataporma. My heart raced more.

Kelsey Pajarillo

Good morning! Alam kong gagalingan mo. 'Pag hindi, ayos lang. May next year pa naman. Don't pressure yourself, uwi rin ako... Let's talk once I'm home, please?

I gulped as I see the three buttons. Hindi siya sa Instagram nagme-message. Mukhang napagtanto niyang hindi ko na binabasa ang mga mensahe 'pag doon niya sine-send.

Kelsey Pajarillo

I love you, Nurse ko.

Halos mahulog ko ang telepono ko nang makuha ko ang notification. My heart pounded loudly, and madly that I couldn't hug him right before this scary thing starts. I swallowed and put my phone down.

I entered the cold room or I just entered it with cold feet. Kinakabahan talaga ako at hindi mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko. I was confident with my knowledge, sa isang taon kong paghahanda ay dapat handa na ako.

I have studied and I know myself. I have studied well.

'Pag bumagsak pa ako.. Isang subok pa ulit at kakailanganin ko nang mag-take ng refresher course. Hindi ko alam, nahihiya ako dahil naturingan akong scholar at ilang beses akong babagsak sa boards.

Cum laude pa ako nito. Kaya 'di talaga sukatan ang grades.. I sighed and flipped through the last page of the questionnaires. I looked around and I saw their brows knitting, hindi ko alam. Baka mali ang ginagawa ko?

Nagtahip ang dibdib ko. Bakit parang nahihirapan sila? Bakit.. Parang 'yong akin hindi? Baka mali ang ginagawa ko? Muli akong nagbasa ng instructions at ng mga problems.. Pero sigurado naman ako sa mga sagot ko.

Burned by the Frail Waves (La Carlota #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon