00

27.4K 372 42
                                    


Gaya ng pagmamahal ko sa hampas ng alon.. Ay siya ring naging dahilan ng pagkapaso ko dahil sa sobrang emosyong binuhos ko para rito.. Just like how we get that sting feeling once a needle pricks our skin. Or, how our feelings inflames when a promise that once was strong.. Just gets shattered right before we even notice it.

"Salamat sa Panginoon! Tapos na ang mahabang araw ng kalbaryo!"

Tumawa ako nang bahagya at sinara ang chart na hawak ko. Ayaw ko pang umuwi dahil wala rin naman akong gagawin pero alam kong kailangan kong magpahinga. Hindi rin naman ako su-swelduhan dito dahil volunteer lang ako, wala akong kailangang i-impress.

"Tapos bigla kang pinatawag ni Doc Siba—" hindi na niya ako pinatapos at dinabugan ako ng hawak niyang chart.

"I don't claim that negative energy!" Kim screamed on top of her lungs. "Don't speak evil here, Angel! Baka kaladkarin kita sa mga diablo!"

Patuloy akong tumawa at umiling, "Tapang mo, ah? Crush mo naman si Doc, e," pang-aasar ko pa. She smiled at me, she's an intern, too. Pinag kaiba lang namin ay siya OJT niya, at required para maka-graduate. Ako, graduate na, andito pa rin para lang sa experience habang wala akong ginagawa.

"Gwapo kaya niya! Goodness, bakit kasi hindi ko afford and SFU?! Ang daming gwapo roon! Parang 'yong manliligaw mo!" she squealed. Umirap nalang ako at binigay na kay Ava ang mga hawak kong patients, inaantok na rin ako.

Ang aga ko masyadong nagigising.

"Hindi ko nga 'yon man—"

"Sinusundo ka? Lagi kang dinadalhan ng pagkain at ng mga things, hindi mo manliligaw?" sinundot niya ang tagiliran ko para kutyain ako lalo.

"Para kang baliw," ngumuso ako at naglakad na papunta sa staff room. Sumusunod lang sa akin si Kim habang kinukwento kung ilang poging Nurse at Doctor ang nakita niya ngayong araw. Kung hindi ba naman siya kilabutan.

"Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit ikaw hindi ka nagkakagusto sa mga pogi nating colleagues e, 'yong kahit crush lang? Ang daming poging intern!" namumula niyang anas.

"Hindi ako mahilig sa bata," ngisi ko. Kinuha ko na ang bag ko at tinanggal ko na rin ang nurse's cap ko pati na ang pagkaka-bun ng mahaba at kulot kong buhok.

Ang sakit na ng anit ko, sa sobrang pagmamadali ko kanina kahit ata hindi pa tuluyang tuyo ang buhok ko ay nagtali na ako. Kaya hanggang ngayon ramdam ko pa rin 'yong medyo pagkabasa ng gitnang parte nito.

"Two years! Two years lang naman ang tanda mo sa amin!" she frowned and slammed her locker's door.

"Bata pa rin," paliwanag ko. Hinintay ko lang siyang makabihis at tumingin muna sa paligid. OT na naman siguro 'yong mga kasabayan namin, minsan kasi kahit out mo na pero bigla kang pinatawag wala ka namang magagawa.

Alangan sabihin mo sa pasyente na 'Uy, teka lang, out ko na kasi, pwedeng tawag ka nalang ibang Nurse?' hindi naman ganoon 'yon.

"Bakit ka tumatawa-tawa ka riyan?" pinanliitan niya akong mata. I shook my head and hugged my violet backpack.

"Wala lang."

"Hala ka, baka sinapian ka na, ha? Hindi ako ready sa mga ganiyang experiences! Intern pa lang ako!" she looked grimmed.

"Sira, bilisan mo na nga! Akala ko ba pagod ka at marami ka pang aaralin?! Bakit ang tagal-tagal mong kumilos?!"

"Ayan ka na naman, ang sungit mo na naman masyado, kaya ka nababansagang grumpy goddess, e! Tara na!" I ignored her remarks, wala naman talaga akong pakialam kung anong sinasabi ng mga tao tungkol sa akin, e.

Burned by the Frail Waves (La Carlota #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon