11

4.5K 141 40
                                    


"Sa'yo siya nakatingin!"

Tili ni Rina at inalog pa ang balikat ko. Bahagyang naka-awang ang bibig ko pero nang lumunok ako agad din 'tong nagdikit. Nilingon ko siya, mukhang tuwang-tuwa. Pero umiling ako sa ideyang ibinigay niya sa 'kin.

"H-Hindi.. " I convinced myself. Ayaw kong paasahin ang sarili ko. Ang babaeng gusto ni Loki ay ang babaeng katitigan niya ngayon sa entabladong pinaghahatian nila.

"Feel ko ako ang tinitignan niya!" a girl behind me concluded. Ngumiti ako. See? Halos lahat ng babaeng narito ay umaasang sa kanila nakatingin ang kaibigan ko.

At isa na ako sa kanila.

"Nagkataon lang, Rina," umiwas na ako ng tingin at pumalakpak para sa kanila.

"Kung magmamahal man.. Bakit hindi nalang ikaw.. Aking paraluman?" he sang as he look at the audience.

I hummed with him. Alam ko 'yong kantang 'to. Kinakanta niya madalas 'pag naglalaba kami. Pero hindi naman talaga niya ipinaparinig sa 'kin nang buo. Parang naririnig ko lang nang hindi sinasadya.

Nang matapos ang performance nila ay muling nabalot ng nakakabinging tilihan ang plaza. Sumabay nalang ako para naman masabi niyang sinuportahan ko siya nang buong puso.

"Ayan! Lalabas na sila! Halika, puntahan natin sila!" aya sa 'kin ni Rina at kinaladkad ako papunta sa backstage. "Excuse me! Excuse me!"

"Hintayin nalang na—"

"'Wag na!" pagpupumilit niya.

Muli kaming naka-alis sa dagat ng mga tao na nanonood sa mga contestants. Wala namnag humaharang sa backstage kaya naging masali sa 'min na tumbukin sila Loki at Ezra. Ngumiti ako nang makita ko silang lumabas.

"Idol talaga!" Rina said, nag-apir kay Loki at Ezra. "Ikaw rin! May potential ang boses mo ha! Ganda!"

Hinatak ko ang buhok ni Rina para pigilan siyang makipag-feeling kay Ezra, "Halika rito." I whispered.

"Lila!"

"Uy!" I greeted. "Ang galing niyo ah? Congrats!" namamaos kong bati.

"Hindi pa kami panalo," sabi ni Loki. Umirap ako at nginitian si Ezra nang magtama ang tingin naming dalawa.

"Congrats lang kasi natapos niyo!" Halos humagalpak sa tawa si Loki dahil sa pagpiyok ko. Inignora ko nalang. "Ang kapal mo! Kaya ganito ang boses ko dahil nag-cheer ako para sa inyo! Ang ungrateful mo talaga!"

He stopped laughing. Pinihit niya palikod ang strap ng gitara niya, agad sumunod ang katawan ng instrumento. "Sorry, ang dedicated naman ng best friend ko, thank you!" walang sabi-sabi, hinatak niya ako sa isang yakap.

Dahil hindi ako prepared, agad tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Pumalag ako kaya mabilis niya akong pinakawalan, "Ayos ba? Feel mo mananalo kami?" he wiggled his brows. I averted my gaze and shook my head.

"Ang tamis-tamis!" Rina said. Pinanlisikan ko siya ng tingin na naging dahilan ng pagngiti niya nang bahagya. "Ng candy na kinakain ko! Tignan mo oh," anya at ngumanga pa pala makita namin ang candy na nginunguya niya.

"Yuck! Mahiya ka naman kay Ezra!" suway ko. She smiled sheepishly and put out a sign of peace.

"Sorry! Baboy ba?"

Lahat kami natawa sa tanong ni Rina. Umalis na kami roon sa likod ng stage dahil parang nakakabara na kami sa mga taong papasok at lalabas ng stage. Si Rina raw ay pupunta lang saglit sa kanila, sa susunod na kanto lang naman 'yon kaya makakabalik siya agad.

Si Ezra naman ay sinundo ng isa niyang kaibigan, maglalaro raw sila roon sa isang booth, marami kasing palaro sa dulo pero ang mamahal naman ng bayad kaya hindi ko na sinubukan kaninang maglaro pa. Loki was whistling while swaying his hands freely.

Burned by the Frail Waves (La Carlota #3)Where stories live. Discover now