01

16.1K 238 124
                                    


"Late ka na naman?"

Tinitigan ko nang masama si Loki at naglakad papunta sa tabi niya habang pilit kong dinidikit ang swelas ng sapatos kong apat na taon ko nang ginagamit. Ibinagsak ko ang bag ko sa upuan at nanatiling nakatayo para tignan siya.

"Kapal ng mukha mo, Lorenzo! Mangongopya ka na nga lang galit ka pang late ako, at isa pa, maaga kaya ako ngayong araw!" pa-irap kong tugon at binagsak ang sapatos sa sahig para masuot ko na.

Ang mahal-mahal naman kasi ng black shoes! Ilang daing na naman ba ang ibebenta ko sa buong La Carlota para makabili lang ako nito?! Plastic na nga lang ang bibilhin ko next time.

"Delilah, pwede na 'yang pakainin ah! Rawr!" kantyaw ni Henry, kaklase kong mukhang ulupong. Nginitian ko siya nang sarkastiko at umirap, tuluyan na akong tumabi kay Loki na ang ayos-ayos tignan.

"Talaga? Kung ganoon nga pahingi ng pera pambili ng lunch ng sapatos ko!" kantyaw ko pabalik.

"'Wag mo nang patulan, Lila," suway ni Loki, hinahawakan pa ang braso ko.

"Sila kaya sabihan mo na hindi ako buryuhin. Umagang-umaga," sinubukan kong hindi na patulan pa 'yong lalaki. "Tsaka sorry, ha? Wala akong pambili, mahirap pa kasi ako! Inform kita 'pag nanalo na ako sa lotto!"

"Kailan pa 'yon? 'Pag maputi na ang uwak?" tawa nila ng mga ka-barkada niya.

"Hindi, 'pag hindi ka na isang malaking epal," ngumiti ako nang tipid.

"Lila," tapik sa akin ng katabi ko.

"'No ba?"

Nakanguso lang siya habang hawak ang gitara niyang kulay kahoy.. Ang tanda na nga ata n'on, e. Parang regalo pa sa kaniya ng Mama niya no'ng mag-tenth birthday siya. "Ang init ng ulo mo.. "

Tinitigan ko lang siya nang mabuti habang naka-ismid. Agad akong umiwas dahil feel kong namumula na 'yung pisnge ko. Naka-ayos ang buhok niya, probably naka-gel. Maayos din ang uniform at halatang bagong plantsa.

Amoy na amoy ko rin ang cologne niya.. Dapat talaga iniiwasan ko nang dumikit pa sa kaniya, e.

"Ano ba kasing paki nila kung gutom ang black shoes ko?"

"Bakit kasi ayaw mo pang bumili ng bago?" tuluyan na niyang nilagay sa loob ng bag niya ang kaniyang gitara at humarap na sa akin. Dahil sa sinag ng araw kitang-kita ko ang pagka-moreno niya.. Pareho kami, siguro dahil lagi niya akong sinasamahan sa dagat.

At part time life guard siya.. Hindi naman siya ganito ka-moreno noon. Ngumuso ako at nilabas ang notebook, hindi ko nga rin laam kung bakit itong strand ang kinuha niya ngayong senior high school.. He's not even interested in Science.

Music.. Music ang gusto niyang gawin sa buhay niya.

"Ibibili ko pa kasi ng TV si Mama, 'di ba?" tumango siya at mas nilapit pa ang upuan sa akin.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, kunin mo na 'yong TV sa kwarto ko.. Hindi ko naman 'yon ginagamit, ihahatid ko sa inyo, gusto mo?"

"'Wag na, nakakahiya sa magulang mo, malapit na naman sumapat ang ipon ko," nginitian ko siya saglit. Tinalian ko na rin ang basa ko pang buhok.

"Kailan ka pa nagkaroon ng hiya sa katawan? Bago 'yon ah," he chuckled. Agad ko siyang nilingon at sinuntok sa braso. "Aray, ha! Tsaka basa pa ang buhok mo! Kaya ang baho mo lagi, e!"

Pinanlakihan ko siya ng mata at kinurot, "Wow! Ang kapal ng mukha mo!"

"Ang baho mo naman kasi talaga! Amoy araw, amoy dagat! Pwe!" binelatan niya pa ako nang parang bata.

Burned by the Frail Waves (La Carlota #3)Where stories live. Discover now