22

4.5K 113 14
                                    


"Bangon na.. Magre-review ka pa sa community health."

Mas lalo kong isiniksik ang sarili ko sa kilikili niya na naging dahilan ng kaniyang pagtawa. Ngumuso ako't mas hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. He sighed and hugged me back, tighter.

"Five minutes.. " mahina kong sabi.

"Hmm.. Nakaka-ilang five minutes na ba tayo?" marahan niyang pinapalandas ang kaniyang palad sa 'king buhok. Para akong biglang nalasing dahil sa antok. I want to sleep.

"Five minutes nalang talaga.. Promise.. " suminghal ako't mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya. Hindi naman ako masyadong napapagod gaya no'ng first year, pero ewan.

Kahit 'di ako pagod 'pag nandiyan siya pakiramdam ko gusto kong magpahinga. Na dapat akong magpahinga sa bisig niya.

"Aral ka na.. Dito lang ako," he convinced me. Pero 'di ako pumapatol. Tinadtad niya ng halik ang ulo ko. "Lila.. Ayaw kong bumagsak ka dah—"

"Hindi ako babagsak.. Five minutes lang, please?" ngumuso ako't tinignan siya mata sa mata. Umiwas siya ng tingin at lumunok na para bang natalo ko siya. He puckered his lips, too.

"Paano naman kita matatanggihan? Ikaw ang boss dito.. " he sighed. Tinignan niya ako't hinalikan ang tungkil ng aking ilong. I smiled as I feel the fast beating of my heart.

He traced my face with the tips of his fingers, he was looking at me intently. Huminga ako nang malalim at ngumiti. I couldn't be more thankful.. Lorenzo has always been with me.

Noong una akong nakasakay ng bike. Noong una akong nasemplang. Noong una akong nasugatan dahil natumba ako sa surfing board, o noong bumagsak ako sa Music exam ko noong elementary.. Lahat 'yon kasama ko siya.

It scares me that.. He might not be here tomorrow. That he might vanish when I hold him too tight or too loose.

Hindi ko kakayanin na hindi ko siya kasama sa lahat ng 'to.. Kahit pa kaibigan lang. I can't imagine what's tomorrow without him or Mama.. Kahit ilang beses kaming mag-away alam ko.. Alam kong bukas makalawa nariyan na ulit siya.

Para yakapin ako. Para sabihin sa akin na magiging ayos din ang lahat.

Hinawakan ko ang pisnge niya't inayos ang makapal na kilay. Nginitian ko siya. Pinanliitan niya ako ng tingin.

"Inaakit mo ba ako?" seryoso niyang tanong. Hinampas ko ang braso niya na naging dahilan ng kaniyang pagtawa.

"Gago!"

He laughed more, "Kasi kung oo, medyo gumana," he wiggled his brows. Pinanlakihan ko siya ng mata at lumayo nang kaunti, mas lalong lumakas ang malalim niyang pagtawa.

"Nakaka-irita ka talaga! Napaka laki mong epal!" akma akong tatayo nang bigla niya akong hatakin paupo, agad akong bumagsak sa kantungan niya. He hugged me and buried his face on my clothed shoulder. "Alis! Maga-aral na ako! Sasabihin mo na namang inaakit k—"

"Five minutes.. " napapaos niyang sabi. "Five minutes ulit.. "

Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kaniya. I sighed again and hugged him back. I can be at this state for the whole night.. Just with him.

I bit my lower lip. This is love?

"Loki.. "

"Hmm?"

"'Pag.. " lumunok ako sa kaba.

"'Pag?" inangat niya ang tingin niya sa 'kin at hinawi ang mga tumatakas kong buhok papunta sa likod ng tenga ko.

Burned by the Frail Waves (La Carlota #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt