23

4.3K 107 18
                                    


"Ano na 'te? Tulala nalang tayo forever? Galaw-galaw tayo nang onti."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at umusog ng upuan dahil kakain si Linda. Nakita ko ang kinakain niya pero kahit na hindi ako nag-lunch ay hindi ako nakaramdam ng gutom. Mas nakaramdam pa nga ako ng pag-init ng gilid ng mga mata ko dahil sa kinakain niya.

Afritada. Ta's may adobong atay pa. Loki..

"Uy? Be, na-offend ba kita? Sorry girl.. Joke lang naman, kung gusto mo rito ka nalang, pas—"

Umiling ako at tumayo nalang, "Hindi, Linds.. Okay lang, meron lang ako kaya naiiyak ako.. Aral na ako," malungkot akong ngumiti at naglakad na papunta sa kwarto. I breathed to stop the tears from falling.

Humilata ako sa kama ko't inilabas ang telepono.. I checked it and refreshed my feed. Pero wala. Ni isang message mula sa kaniya. Wala.

Kaya ba ako kinakabahan?

Nanghihina kong in-open ang message thread namin at ngumiti nang malungkot. I tried again. I types in a message na alam kong wala namang sasagot.

To: Loki <8

Bakit hindi mo ako ma-reply-an? Kahit 'hi' hindi natin magawa?

May problema ba tayo?

Parang ang iniipon-ipon kong pagtitimpi ay nauubos na sa tatlong linggo na hindi niya ako kinikibo. Ilang missed calls na rin ang ginawa ko pero wala talaga. Ah, so ano ba 'to? 'Pag tapos naming mag-usap tungkol sa sawaan naisip na niya na ganoon na nga ang nararamdaman niya?

Ganoon ba 'yon?

Naisip na niya na hindi niya na ako mahal? Kasi kung hindi.. Ano ba 'to? What's this all about?

Muli kong nilunok ang masakit na bumubukol sa lalamunan ko.

"Nakakainis.. " bulong ko sa sarili habang inaayos ang mga librong gagamitin ko bukas. Mag-aaral pa ako.. Pero ano'ng inuuna ko? Itong paga-alala sa kaniya.

I tried my luck with everything. From texting my own mother down to Lori. Hindi ko na inistorbo pa sila Tita Min dahil baka sabihin nila nababaliw na ako.

To: Mother earth

Ma, hindi ba dumadaan diyan si Loki? Hindi niya ako nire-replyan.

I tapped my foot on the wood flooring of my rented room. Ilang posibilidad na ang naiisip ko. Baka na-trap sila roon sa pinagsu-shooting-an nila sa Alpas? O baka.. Nagkaroon ng tsunami sa amin? Halos maiyak na ako nang maisip kong napahamak siya.. Napabangon ako nang mag-reply si Mama.

From: Mother earth

Dumadaan pero nde ta2gal

'Yon lang ang sagot niya na mas nagpa-frustrate sa akin. Sasagarin ko na 'to.. Tatanungin ko si Lori. Tatlong linggo.. Tatlong linggo na niya akong iniiwan sa inbox zone. I don't deserve this, do I?

To: Lorianne Pajarillo

Hello, Loriiii, saan si kuya mo? Pakisabi naman mag-reply, important lang, please hehe, :))

Naghintay ako ng ilang minuto para sa reply niya. Ilang minuto rin ang three dots bubble na lumilitaw sa chat namin. Pakiramdam ko tuloy ang haba-haba ng reply niya. Pero agad akong nadismaya sa sagot niya.

Sarkastiko akong ngumiti.

From: Lorianne Pajarillo

Ate, sorry. hindi ko alam kung nasaan si kuya eh sorry ate

So.. Walang nakaka-alam kung nasaan siya? May balak ba siyang baliwin ako rito sa Manila? Mabilis akong nag-tipa. Isang linggo na kaming hindi nag-uusap nang mabuti!

Burned by the Frail Waves (La Carlota #3)Where stories live. Discover now