Chapter 24

212 3 0
                                    


Welcome back to hell. I murmured to myself nang makita kong huminto na ang sinasakyan namin sa tapat ng bahay. At nang binuksan na ng body guards ang pintuan ng sinasakyan namin ay dere-deretso lang akong naglakad papasok ng bahay at hindi na nag-abala pang hintayin si Daddy. 


"Welcome back, Senyorita." bati sa akin ng mga maids namin. Napatulala pa ako ng maalala ang mga memorya ko kasama si yaya Auring sa bahay na ito. Nang tingnan ko ang sala ay naalala ko ang mga walang katotohanang kwento niya noong bata ako para lang hindi ako malungkot dahil wala palagi sila mommy at daddy. Naalala ko rin ang mga panahong tinuruan niya akong maglinis ng bahay para raw matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ko napigilan ang sariling maglakad patungo sa kusina namin. Upon seeing it, I suddenly remembered how yaya taught me to cook ang bake. Naalala ko noong unang beses kong sinubukang magbake at hindi naging maganda ang kinalabasan. It was too sweet, but yaya never gave up on me. Hinayaan niya akong ulitin ang ginagawa ko hanggang sa tuluyan na itong maging perpekto. I miss yaya. Hindi ko napigilang ibulong sa hangin. I wish she didn't left me, but things were meant to end like that. So, I pushed myself to let go of her memories and remember the happy moments I had with Zander and Macy.


"You are not allowed to go out on your own. Dapat kasama mo si Aaron, palagi. We already talked about your upcoming wedding, so I hope you'll cooperate. Don't do anything stupid kung ayaw mong tuluyan kitang itakwil bilang anak." banta niya sa akin bago tuluyang pumanhik sa opisina niya. Napabugtong hininga lang ako at pagod na pumasok sa kwarto ko.


Hindi ko alam kung sa pagod ba o sa lungkot na naramdaman ko ay nakatulog agad ako ng humiga ako sa kama ko. At nang magising ako ay wala akong ginawa kung hindi ay magbasa nalang ng libro, magluto ng mga gusto kong putahe, at hayaan ang sarili kong malunod sa pag-iisip ng mga ala-ala kasama sila Zander at Macy. I remembered our movie nights and our random eat outs. Naalala ko ang mga panahong nagluluto kami ni Macy ng kung ano-ano at pinapatikim namin sa lahat ng tao sa bahay. Our little picnics and family day out. I miss having vacations with them. I miss them. Kaya para hindi ko makalimutan ang mga mukha nila ay nagpasya akong ipinta ang mga mukha nila at ilagay ito sa picture frame. 


Sa loob ng isang buwan ay iyon lang ang pinagkaabalahan ko. Hindi ko nga namalayan na isang buwan na pala akong nakakulong sa bahay. Buti nalang at marami akong natutunang bagong hobbies. I tried to do the things I love doing and do things that I've never done before. Natuto akong gumawa ng cross-stitch at gumawa ng crochet tops. I'll surely give this to Macy when we meet again. 


"Senyorita, nasa baba po si Senyorito Aaron." balita sa akin ng katulong namin. "Sabi rin po ng daddy niyo na maghanda raw po kaya dahil lalabas daw kayo ni sir Aaron ngayon." dagdag pa niya. 


"Can't you tell him I'm sick?" nanghihina ko lang na saad sa kanya.


"Kapag hindi niyo raw po sinunod ang gusto niya, alam niyo na raw po ang mangyayari." the maid meaningfully said, kaya wala akong nagawa kung hindi ay tumango nalang at sundin ang utos ni Daddy.


I wore the first dress I've seen in my closet at pinares ito sa isang flat sandals. Nilugay ko lang din ang buhok ko at naglagay lang ako ng konting liptint at powder sa mukha. I didn't bother taking my time cause they ain't worthy of it. They forced me to be here, they deserve the bare minimum.


"Good morning, dad... uh.. Aaron." plastic kong bati sa kanila. I tried to be as casual as possible para hindi sila manghinala na kahit dalawang linggo na ang lumipas ay hindi pa rin ako nasanay dito sa bahay. Sino ba naman ang masasanay kung sa bawat sulok nito ay naalala ko si yaya. Buti nalang kumakalma ako sa tuwing naiisip ko sila Zander at Macy. Kung hindi siguro dahil sa kanila ay matagal na akong nabaliw dito.

Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Where stories live. Discover now