Chapter 10

333 7 1
                                    


TW // abuse, self-harm

Nang masigurong maayos na ang pakiramdam ko, ay nagpasya na rin akong lumabas sa washroom. I walked freely because I felt that something in me changed. I felt more confident now that I don't have Aaron's chain pulling me.  Naghu-hum pa ako ng kanta dahil para akong nabunutan ng tinik nang pumayag si Aaron sa gusto ko.


At dahil masaya akong naghu-hum habang naglalakad ay hindi ko namalayan na may nabangga akong tao.


"Are you blind?" malakas na hiyaw sa akin ng taong nakabangga ko.


Natakot naman ako kahit hindi ko makita ang mukha niya dahil mas maliit siya sa akin kaya dali-dali na lang akong bumaba para mapulot ang mga gamit niya.


"Sorry po." hingi ko ng paumanhin sa taong nakasalubong ko habang pinupulot ang mga nalaglag niyang gamit.


"Heto po, sorry po talaga." ulit ko sabay bigay sa kanya ng mga gamit niya.


"What will I do with that?" maldita niyang saad kaya napatingin ako sa kanya.


"Tita.." mahina kong bulong nang mapangtantong mama pala ni Aaron ang nakabangga ko.


"It's good to see you bow down with your knees on the floor, Charlotte. Para kang tangang pinupulot ang mga gamit ko. Bagay pala sa iyong maging alipin." komento pa niya at mahinang tumawa.


"S-sorry po ta-laga. Heto po ang mga gamit niyo." saad ko na lang dahil nagsisimula na naman akong matakot.


"So, you really think I would still accept that things when it already touches the floor? Anong tingin mo sa akin, hindi kayang palitan ang mga iyan? Throw it." she sarcastically said to me.


"Si-ge p-po. Ibibigay ko na lang to sa mga taong possibleng tatanggap nito." I said and started to walk towards my car. But she pulled me, kaya halos napasubsob ako sa sahig.


"So, you think, you could easily walk away from me?" saad niya sa akin.


"Hindi mo naman po tatanggapin itong mga gamit mo, kaya aalis na lang po ako." I sarcastically said but still said it with utmost respect.


"We're not yet done, lalong-lalo na't sinaktan mo ang unico hijo ko." maldita niyang saad sa akin.


"I never hurt Aaron po. Siya po ang palaging nananakit sa akin." I tried to convince her. But she didn't listen.


"Liar. Akala mo hindi makarating sa akin ang ginawa ninyo ni Brenton? You're a cheater. You're a slut. You're disgusting." dere-deretso niyang saad.


"Do you know the full story to judge me like that?" tanong ko sa kanya kahit nasaktan ako sa mga sinabi niya.


"No, but it doesn't change the fact na pinatulan mo ang bestfriend ng anak ko. Nakakahiya ka." malditan niyang saad sa akin kaya bumugtong hininga na lang ako. I'm tired of telling people my story, when in the end, they won't listen. So, I just said these words to her.

Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Where stories live. Discover now