Chapter 15

270 7 0
                                    


TW // self-harm


"Hello po." saad ni Macy sa mahinang boses nang makalapit ito sa isang katulong.


Naguluhan pa ang katulong na nilapitan siya ni Macy dahil kilala nila itong takot sa mga tao. Nanatili lang itong nakatutok kay Macy na para bang hindi makapaniwala na nilapitan siya nito na walang bahid ng takot at nakuha pang bumati sa kanya.


"Do you like some brownies?" saad pa ni Macy na nakayuko at para bang nahihiya dito.


"Sure, I'm Yaya Jera." pagpapakilala pa nito pagkatapos kumuha ng brownies sa tray ni Macy. "Masarap ang brownies mo." aniya pa kay Macy na nagpasaya dito.


Nakita kong ngumiti si Macy at naglakad na naman patungo sa isa pang katulong. Everytime she receives a compliment from the maids, she became more at ease. Nakakagaan din sa pakiramdam na makita si Macy na unti-unting naging marunong sa pagsalamuha sa mga tao. Puro babae lang ang nandoon kaya hindi rin nakaramdam ng takot si Macy. Walang trigger na makakapagbalik ng takot niya. Nakikitawa pa siya sa mga kwento ng maids at tumutulong pa siya sa ginagawa ng mga ito. Minsan rin ay nakikigulo ito lalong lalo na sa pagdidilig ng mga tanim, kaya sa huli ay basang-basa itong nagtampisaw sa palanggana.


"This is fun." aniya pa sa amin, kaya napangiti kaming lahat. 


"Maglaro ka lang, Macy." sulsol pa ni Yaya Jera.


"Thank you po." magalang naman na saad ni Macy at tinalsikan pa ako ng tubig.


"Charlotte, thank you." she smiled widely at me. "Join me, come here." aniya pa at tinutok sa akin ang hose. "This is fun! This is fun!" she kept on chanting as I wash her hair.


Hanggang sa natapos kaming maligo ay hindi pa rin niya nilubayan ang hose. She pointed it to the plants, on her feet, on the rocks, and played with the water in her hands.


"Can I take a bath here every day?" tanong pa niya.


"Kung gusto mo." I spoke.


"Really?" excited niyang saad kaya lihim akong napangiti. I'm so glad that Macy is now unleashing her childish side.


"Yes Macy." 


"YES! YES!" masaya niyang sigaw kaya hindi ko na napigilang mapangiti habang nagsusuot ng roba na binigay ni yaya Aqua sa akin kanina.


Akala ko magtuloy-tuloy na ang kasiyahan ni Macy, but her smile easily turned into fear when she heard the sound of the car approaching their gate.


"Nan-dito na si Dad-dy." utal-utal niyang saad at natutulala na kaya hinawakan ko nalang siya at dinala sa loob ng kwarto ko.


"Do you feel safe now?" saad ko nang makapasok kami sa silid ko sa maid's quarter.


Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon