Chapter 12

321 5 2
                                    


"Senyorito Aaron, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo. Pumunta na lang daw po kayo sa opisina niya" bungad ng katulong namin nang makapasok ako sa bahay namin.


"Bakit daw po?" tanong ko pa sa kanya dahil minsan lang naman nagpapatawag si daddy sa akin. Pinapatawag lang niya ako kapag may nagawa akong kasalanan... sa tingin ko naman ay wala akong nagawang kalokohan sa linggong ito.


At kahit nagtataka ako ay dumeretso na lang ako sa opisina ni daddy.


"Magandang gabi, dad. Pinatawag niyo daw po ako?" bungad ko kay Daddy na-abala sa pagbabasa ng kung ano sa lamesa niya.


"Aaron! Halika dito anak! Umupo ka. Tatapusin ko lang ito." saad naman ni daddy. Daddy has always been kind but cruel kaya nagtataka ako kung bakit ang bait niya ngayon.


"Take your time po." saad ko nalang para hindi siya maabala sa ginagawa niya.


Nagbabad nalang ako sa IG para pampalipas ng oras. At nabwiset na naman ako ng makita ang mukha ni Charlotte sa mga post ng kakilala namin. 


Charlotte Medousa. I've been admiring her for quite some time now. Noong una ay nagpapansin pa ako sa kanya but she's a total snob. Kapag hindi ka niya type ay never ka niyang lilingunin. She's both beauty and brains... kaya ang mga trip niya rin iyong matatalino... never siyang nagkagusto sa mga katulad kong kulelat sa acads. Kilala rin namin siyang tumatakas sa bahay kaya mas lalo ko iyong nagustuhan sa kanya. She's so good at playing a good girl infront of her parents and go unto party when they're not around. Marami na rin akong kilalang naging boyfriend niya, so I was not expecting her to be f*cking innocent.


She's really pretty. saad ko pa noong nakita ko ang isang stolen photo niyang tumatawa mula sa mga kakilala namin. At hindi ko namalayan na masyado na pala akong nakatitig sa larawan niya. Tinatawag na pala ako ni daddy.


"Aaron." saad ni daddy sabay tapik sa akin na nagpabalik sa ulirat ko.


"Opo?" patanong ko pang-saad sa kanya.


"Naalala mo pa ba ang anak ni Mayor Ramos?" tanong si daddy sa akin kaya napaisip ako. Anak ni Mayor Ramos? Di'ba si Charlotte iyon? I ask on my mind.


"Si Charlotte po?" kumpirma ko pa sa kanya.


"Yes. Charlotte Medousa." saad naman ni daddy.


"Bakit po?" naguguluhan kong tanong... alam ba ni daddy na may gusto ako sa kanya? hinala ko pa.


"Mayor Ramos and I are bestfriends... and we agree to arrange yours and her daughter's marriage." dere-deretsong saad ni daddy na nagpatulala sa akin.


Charlotte and me? In a marriage? My crush and I... Wow. Wala na ako sa tamang pag-iisip dahil sa sinabi ni daddy... but we we're too young... kaya naging praktikal rin ako.


"Pero masyado pa po kaming bata." saad ko kay daddy.


Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora