Kabanata 11: Tadhana

279 21 8
                                    

"Sir, Sir, nasa Sitio Ligaya na po tayo."

Sabi ng driver kay Seth, as he shook him gently.

Seth slowly opened his eyes as his vision started clearing. Bigla niyang naalala si Francine at tumayo na siya kaagad.

"Kuya, matagal po ba akong nakatulog?" tanong ni Seth.

"Hindi naman, iho. Kakadating lang natin ng Sitio Ligaya," sabi ni Manong ng nakangiti.

Biglang nilabas ni Seth ang kanyang cellphone at tiningnan ang oras. He sighed and fell back on his seat.

"Isang oras din ang byahe galing Maynila hanggang Batangas," Seth muttered to himself. "Siguradong nakauwi na si Francine at Kyle."

Tiningnan ng maigi ni Manong si Seth na para bang may gustong sabihin.

"May inaantay ka ba, anak?" sabi ni Manong habang naglilinis ng mga upuan sa bus.

"Wala naman po pero..." sabi ni Seth habang tinutulungan si Manong na maglinis. "May gusto sanang maabutan. Pero mukhang imposible eh. Magkaibang-magkaiba ang mundo namin. Langit siya, lupa ako. Prinsesa siya, dukha lang ako. Hindi kami bagay."

Tumawa si Manong.

"Alam mo, anak, hindi naman diyan sinusukat ang pagmamahal," sabi ni Manong. "Pag nagmamahalan ang dalawang tao, walang anuman ang makakapigil sa pag-ibig nila, walang lugar, oras o estado ang makapigil sa itinadhana."

"Eh paano ko ba malalaman kung itinadhana kami?" tanong ni Seth.

Nilagay ni Manong ang kanyang kamay sa balikat ni Seth.

"Tadhana na mismo ang maglalapit sa inyo," sabi niya.

***

Francine hugged herself as she went to their balcony, feeling the cold Manila breeze. Maganda ang buwan ngayong gabi at malakas ang palo ng hangin sa kanilang balkonahe. She stared at the bracelet laced with shells as it slightly hangs from her wrist. Nakangiti niyang sinusuri ito, habang inaalala ang mga sandaling nakasama niya si Seth.

"Sana matupad lahat ng pinapangarap mo, Seth. Sana makita mo ang iyong ama, sana mangyari ang lahat ng pangarap mo para sayong pamilya," sabi ni Francine. "At sana ang alon ng buhay ay itulak ako papunta sayo."

//

"Iniisip mo si Ate Francine, noh?"

Sabi ni Jessica, nang bigla siyang lumabas sa likod ni Seth.

Nakaupo si Seth sa isang bangka sa tabing dagat, habang nagmu-munimuni.

"Mahal mo na siya, Kuya?" tanong ni Jessica.

"Ang alam ko lang hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko, Jessica," sabi ni Seth habang nakapinta ang mukha ni Francine sa kanyang pag-iisip. "Hindi ko kayang hindi siya nakikita araw-araw, hindi ko kayang hindi naririnig ang boses niya, hindi ko kayang mawala siya sa paningin ko, at hindi ko kayang makita siyang iba ang kasama."

"Mahal mo nga, Kuya," Jessica said, grinning. "Wag kang mag-alala, Kuya. Sabi ni Ate Francine na babalik siya at hintayin mo daw siya."

"Pero alam mo, Jessica, parang hindi sapat sakin na maghintay sa kanya. Siguro kailangan ko ding gumawa ng paraan para magkita kami," sabi ni Seth.

"Tutulungan ka ng tadhana, Kuya," sabi ni Jessica. "Magtiwala ka lang."


Nakatingala sa isang buwan si Seth at Francine, umaasang magkikita silang muli at anurin ng tadhana ang landas nila sa isa't-isa. Sa hindi nila inaasahang pangitain, gumagawa na pala ang tadhana ng paraan para magtagpo ang kanilang mga mundo.

It Might Be You (Seth & Francine)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang