CHAPTER 13

1 1 0
                                    


Nang papalapit na ang mga grupo nagulat kami ng lahat ng basketball player ng school namin ay nandito including si coach. Pero wala akong nakita Andrei! Siguro nahihiya siya magpakita sa amin.

Naging highlight sa akin ang emotion ni coach. Hindi naman sa nanghuhusga pero parang may something e. Hindi kaya boyfriend ito ni Aisha? Bata pa naman si coach although mas matanda siya sa amin pero pwede na din naman.

Nakita ko din na tinanguan ni tita Emie si Coach.

"Where's the patient?" tanong ni coach sabay tingin kay Ace, "Ace?"

"Nasa loob po coach", sagot niya naman.
Bumaling si coach kina tita.

"Pwede po ba akong pumasok?", sabi neto. Hindi ko alam kung bakit mas lalong naiyak si tita ng tanungin siya nito.

"Pw-pwede po", sagot niya naman.

"Guys, you know naman na isa lang ang pwedeng pumasok right? Kaya dito muna kayo ako lang ang papasok", sabi niya sa kaniyang mga kasama.

Pagka alis ni coach napansin namin na may pinagtitinginan ang mga nurse at nnang tingnan namin ang tinitiningnan nila ay si Andrie lang naman.

Nag kagulo ang lahat ng sugudin ni Ace si Andrie buti na lamang at napigilan siya kaagad ng mga kateam niya.

"What the hell are you doing here?!", pasigaw niyang tanong dito.

"Anlakas ng loob mong magpakita dito", sabi naman ni Cassie. Nakita kong lumuluha siya. "Tingnan mo ngayon ang kalagayan niya."

"Ano bang kalagayan niya?", cool na tanong ni Andrie pero mahihimigan pa din ang pag aalala.

"Wala ka talagang guilt ano?!", sabi naman ni justine.

"Haggang kailan ba mawawala yang angas mo?, pag meron nang mamatay?", deretsohang sinabi ni Joan.

Nakita ko ang reaksiyon ni Andrie ng marinig ang mamatay may galit sa mukha niya at nagtatagis ang bagang niya.

"Where is she ?", tanong naman niya kunwari chill kuno pero nahihimigan naman ang kaba sa boses.

"Tangina talaga!?"

"What the hell?",

"Really? Kinacocool mo ba yan Andrie ha?!", banat ulit ni Ace at naghahamon na naman.

"I'm not here para makipag away Ace, where is she ba?", mahinahong sabi niya halata naman talagang wala siyang balak makipag away. Kaya namna ako na ang sumagot sa tanong niya.

"Asa loob, andoon si Coach"

"Okay", halos mapamura din ako sa kaangas ng tanginang ito e..
Kasama sina tita Emie sa sa loob.

After 15 minutes lumabas na sina tita pero si coach hindi pa din. Pagkalabas ni tita humihikbi pa din siya.

"Sino ang may gawa nito sa kapatid ko?", sabi naman ng anak niya. Halos sabay sabay kaming napatingin kay Andrie na nakakunot ang noo na para bang sinasabi niya na bakit siya. Ay siya naman talaga. "Ikaw ba?", tanong niya dito.

"It's just an accident", kalmadong sabi niya. Kaya naman halos napareact kaming lahat.

"Gago accident mo mukha mo"

"The audacity"

"Bobo"

"Accident mo mukha mo"

"Just an accident", pang gagaya ko naman.

"Mukha mo", sabi naman ng kuya ni Aisha. Susugudin niya sana ito pero pinigilan siya ni tita.

"Anak, huwag kang magpadalos dalos", habilin niya dito na para pang sobra sobrang nakakatakot si Andrie.

"Ma naman, nag aagaw buhay na si Angel e", hindi ko alam kung anong meron sa Angel na iyan pero may hinala ako na may kakaiba sa pangalan na iyan.

"Sinong Angel?", tanong naman ni josh.

"Ah si Aisha, Angel kasi ang tawag ng kuya niya dahil mukha syiang Angel. At kasing bait niya ang ito", si tita na ang sumagot.

"Tskk", sabi naman ni Andrie. Wala talagang kagalang galang.

Ilang minuto pa ang lumipas ng lumabas si Coach na nagmamadali. Kaya naman nagulantang kami.

"Doctor! Doctor!", sigaw niya. Nagpanic kaming lahat si tita na kakatapos lang umiyak ay napahagulgol na naman.

Agad namang may dumating na doctor at nurse na pumasok sa loob.

"Coach ano pong nangyari?", tanong ni Ace.

"Hindi ko alam, basta nanginginig siya at bumubula ang bibig", nakita kong lumuha si coach. Hindi na talaga tama ang nasa isip ko.

Agad namang nilapitan ni coach si Andrie ang narinig ko lamang ay.

"Mag usap tayo", bago sila nakalayo.

"George uwi ka muna, kunan mo ng mga damit ang kapatid mo", sabi ni tita. So George pala ang pangalan niya ha.

"Ma hindi pa ako marunong magbyahe dito", sagot niya naman. Medyo natawa kami pero napigilan din ng tumikhim siya. "Hmm, okay po", sabi niya sabay alis.

"Omg Cute po ng anak niyo tita", sabi naman ni Josh

"Naku heartthrob nga yan sa school nila HAHA", natatawang sabi ni tita. Pero kahit ngumingiti siya kita pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata.

30 mins ang lumipas ng bumalik na sina coach.

"Manang Emie, babalik na po muna kami sa school. Balitaan niyo na lamang po kami sa mangyayari dito", manang? Seriously coach? Medyo nagtataka pa din ako sa pakikitungo ni coach kay tita para bang sobrang magkakilala sila. Pero hindi ko na iyo masyadong pinapansin lalo pa at nandito ang imahe ni Andrie.

"I'll stay here coach", sabi ni Ace. Ng mapalingon naman ako kay Andrie nag iigting ang kaniyang panga. Ano bang ikinagagalit nareng lalaking ito.

"Me too", nagulat naman kaming lahat ng magsalita siya.

"Hindi pwede", agad na sabi ni tita. Napalingon kami lahat sa kaniya. "Alam kong hindi gugustuhin ng anak ko na makita ka sa pag gising niya.", pahabol niya naman.

Agad namang nilapitan ni coach si Andrie para hindi na magpumilit na magpa iwan dito sa hospital.

"Una na din po kami tita medyo dumidilim na po", sabi naman ni Cassie.

"ako din po tita hindi ko po kasi masabi kay mommy ang about dito at baka hindi niya ako papasukin ng 1 week", sabi naman ni joan. Pagkatapos Halos nagpaalam na ang lahat.

"Sige salamat sa inyo ingat", sabi naman ni Tita.

Kami na lang ni Ace ang nasa labas dahil nasa loob si tita.

"You think magkaka amnesia siya?", nabigla namna ako sa tanong niya.

"Ano bang tanong iyan?, ofcourse not", sabi ko naman.

"Sana nga".

Napatayo kami ng nagsisipagtagbuhan ang mga nurse at doctor sa kwarto ni Aisha. Maya maya lumabas naman si tita at agad naming siyang sinalubong.

"Tita what happened po?," tanong ni Ace.

"Gising na siya", sabay iyak ulit ni tita. "Salamat sa DIYOS".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 HEARTBEAT "death threat" (FALCON SERIES 1)Where stories live. Discover now